I. Second Semester

16 2 0
                                    

Hay naku! Balik campus life na naman ako pagkatapos ng napaka ikli na break. Which is hindi ko alam kung sembreak nga ba talaga yun o gino-good time lang kami ng school. Sa dami ba naman ng projects na pinabaon samin aakalain mong nasa new curiculum kami ng homeschooling.




Anyway, napangiti na lang ako habang binabaybay ang bagong gawang pathway ng school. Nawala ang pagkayamot ko- yung injustice na dinaramdam ko.





Na-feel ko kasi ang "excitement" ng ibang estudyante sa muling pagbabalik nila sa university eh. Hindi pala ako nag-iisa. Haha. Misery loves company ika nga nila.





"Hala," bulong ko nang masulyapan ko ang wristwatch ko.




9:27 AM. Shet.




Nagdouble time ako sa paglakad. Ka badtrip talaga pag first period. Ilang beses na akong na demerit dahil sa mga late remarks na yan.




"Ay sorry," may nabangga pa ako. Alam kong nahulog ang dala niyang folder pero hindi ko na siya tinulungan. Nagmamadali kasi ako eh. Ipi-pray ko na lang siya kay papa God later. Bless you.



So yun na nga. Late ako sa Stylistics pero mabait si prof kaya ligtas ang kaluluwa ko.



"Peach, anong electives mo?" tanong ni Aira sa'kin. Friend at ka dorm mate ko dati kaso upgrade ang bruha dahil may condo unit na ito courtesy of her father.


"Photography," bulong ko dahil kasalukuyang nag-e-explain si prof ng course syllabus.


Inilapit ni Aira ang sarili sa'kin. Parang may chika-worthy ang babae para sa'kin. Curious tuloy ako.


"Hoy kilala mo naman si Raul no, sa human kinetics? He's taking Art history.."


Tinaasan ko siya ng kilay. Nagpatuloy naman si Aira, "may crush yun sayo anuba! Mag art histroy kana. Galaw galaw din pag may time! Paano ka magkaka-boyfriend niyan kung pa-view ka lang dyan sa tabi all the time?"


Sasagot na sana ako nang sinita kami ng prof. So we stopped our morning chika dahil mukhang yamot na si sir.


Habang nagsusulat hindi ko mapigilang mag-isip. Wala nga akong boyfriend pero hindi ko naman nafe-feel na may kulang o iba sa buhay ko. I'm contented. Kung may darating man edi wow, thank you lord.


But having no boyfriend is an 'issue' among my circle of friends. Mas stress pa sila sa non-existent lovelife ko kesa sa'kin. They all took my lovelife seriously na parang performance task na nila. Ipinilig ko na lang ang aking ulo at nagpa-good student sa harap ni sir.



During lunchtime sabay kami kumain ng friend kong si Jess. I'm in the English department while Jess is in Social Sciences. We became friends way back freshmen year. Nagkakilala kami sa isang wildlife conservation seminar dito sa university.


Anyway, nagtuloy ang chika namin habang kumakain. Napansin ko rin na nawala pala ang keychain ko. Peach pa naman ang design nun kaya ang cute. O baka naiwan ko lang sa bahay ni lola. Bigay pa naman yun ni lola nung birthday ko last year.


"May ganap ka ba this Saturday morning?" tanong sakin ni Jess. Active kasi ang babaeng to sa lahat ng bagay eh. Wala yata siyang kapaguran.


Nag-isip ako saglit. Binubuklat ang imaginary social calendar ko sa ulo. "Well, wala naman. Bakit may awra ba?"


"Awra ka dyan," Jess smirked. "Mag behave ka nga. Yung org, need ng volunteers. Coastal clean up at baka naman gusto mo i-practice ang social responsibility mo sa community natin."


"Clean-up? Ano to highschool?" Natatawa kong sagot.



"Talagang di mo bet? Present din ang engineering. Ghorl 'Engineering' tahanan ng mga pinagpala! Time to landi na okay!"



Yeah the infamous engineering department...trueee. Home of the pinagpala nga sila.


"Lol, akala ko ba 'practice social responsibility' baket nasa landian na tayo."


"Shhhh silent ka lang. Basta I'll include your name on the list. Chat ko na lang sayo ang details."


Hay hinayaan ko na lang si Jess sa trip niya. Ang active niya naman kasi sa mga extra curricular activities. Anyway free naman ako this Saturday. Baka it's a good idea nga... ang lumandi while practicing my social responsibility. Ansabe!!



Hindi ko mapigilang matawa sa naisip kong kapilyahan.


.

Song: Pwede Ba by Lola Amour

Something About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon