VI. Revelation

7 2 0
                                    


Why wouldn't you take me seriously, Peach?


That statement keep echoing in my mind? Pilit kong pinipigilan ang sarili na wag na isipin yun pero shuta nababagabag pa rin ako sa mga salita niya. It's bothering me...and my heart.



"Lutang ka yata ghorl," puna ni Jess sakin habang kumakain ng pizza.



Nasa apartment kami ni Aira for our monthly sleepover. Movie marathon at pizza lang kumpleto na ang monthly habit namin. It's also our time to catch up with all the latest chika about life, school- everything na hindi namin napag-uusapan sa campus.


"Yeah parang wala dito ang kaluluwa mo ah," sang-ayon naman ni Aira. She also lowered the volume of the movie. Ready for chika na ang stance ng dalawa kong friendship.


"Grabe naman kayo," sabi ko. "Pero seriously may tanong lang ako sa inyo...paano mo masasabing pa-fall ang isang lalake?"

Agad na kumambyo si Jess. "Naku pag nilandi ka tas iiwan ka lang sa ere! Yung trip trip lang nila magbigay ng motibo pero walang balak na panindigan ka."


"Trueeeee. Isa pa, ang mga ganyang lalake allergic sa commitment," Aira second the motion.

Allergic sa commitment? Yun nga ang meron siya. Commitment. Ten years.



"But what if, sadyang mabait, caring and thoughtful lang talaga yung tao tas na-misunderstand lang," sabi ko. "Na wala lang talagang deeper meaning yung mga actions niya toward sa isang babae."  At sadyang marupok lang...



Jess squinted her eyes. "Parang may pinagtatanggol ka yata ah. Umamin ka, may kalandian ka na no?"



At dahil gusto ko na nga malabas sa sistema ko itong nararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang sarili na ikwento ang tungkol sam'in ni Hiram. Pinabasa ko rin sa dalawa ang convo namin sa chat.


"Confirmed, pa-fall ang loko," sabi ni Aira. "To think may girlfriend ang kupal na 'to. Yuck!"



"May pa update pang nalalaman ha. At itong 'good morning' niya, don't tell me send to many to? Kaloka! May pa ilabyu-ilabyu pa!"



"Kaya nga ako confused kasi akala ko joke-joke lang to lahat pero bakit parang totoo na," sagot ko.


"Ay, sus eto na. Ipasa na ang korona ng mga marurupok. Deadma mo na to ghorl. Don't reply sa mga chat niya," payo sakin ni Jess.


"Madalang na talaga ako magreply sa kanya," I defended myself. "Kita niyo naman na chat pa rin siya ng chat at ina-update parin ako sa mga ganap niya."



"Nanggigigil ako sa Hiram na yan ha. Ano to ghorl sidechic ka?" Hindi mapigilan ni Aira na panggigilan ang unan at hinampas-hampas ito sa sa sahig.



"Well I'm just thinking na baka natural lang talaga sa kanya ang ganyan. Promise ang gentleman niya," dagdag ko.


Ikinuwento ko sa kanila kung gaano ka thoughtful si Hiram. May time kasi na hindi ako nakapag breakfast. And so imagine my suprise nang makita siya outside our lecture hall na may bitbit na pagkain. Na touch talaga ako, considering na wala siyang morning class that time. At simula nun madalas na niya akong dalhan ng food.



And everytime na magkasama kami siya talaga nagdadala ng gamit ko, pinapayungan kapag mainit, sinasamahan sa library at minsan sa grocery. Hindi naman ako ma-close sa lalake, mabibilang nga lang ang mga guy friends ko pero iba si Hiram. Para siyang kaibigan mong lalaki na talagang maaasahan kahit kailan.



"Hear that Jess? May nanalo na," Aira said sarcastically. "May abogado pala si Hiram. Case closed. Sagarin mo na ang katangahan mo Peach!"


"No, I'm not defending him guys."

"Understandable naman na mahuhulog ka sa patibong niya kasi aminin na natin Peach, you don't have a lot of experience sa ganitong bagay," dagdag ni Jess. "But let me tell you, apaka red flag niya. Mixed signals? Tama ba yun?!"



Ewan ko ba. Hindi ko na maintindihan kung ano ba dapat. Alam ko naman sa sarili ko na hindi kami pwede ni Hiram dahil friends lang kami.



"Hay bahala ka dyan Peach. Basta huwag ka na dun sa lalake na yun," si Jess. "I heard from Eddie and his friends before that Hiram and his girlfriend are living together na sa isang apartment. Basically kasal na lang kulang sa pagsasama nila Peach. So tell me, saan ka lulugar niyan ngayon? He's just toying with you. Ginagawang pampalipas oras dahil malamang bored siya. Naghahanap ng panandaliang excitement. Sorry kung napaka harsh ko but that's the reality."



Napasinghap kami ni Aira sa sinabi ni Jess. So Hiram and Margot are already living together? Para akong binulaga at hinulog sa bangin na walang kaalam-alam sa impormasyong narinig ko.


"Grabe? Kahit kasama niya gf niya sa apartment, chinachat ka parin ng gago? Ang harot lang!"


"Dapat sa kanya pinapakain sa dinosaur!"



Para akong nanlumo sa mga narinig ko galing kina Aira at Jess. They tried cheering me by playing jokes.


"Secret love song," sabi ni Jess. At nagsimulang kumanta. Binanatan pa ng high notes.


Ganito kasi kami na magkaibigan. Ina-associate namin sa songs o movie title ang kadramahan namin sa buhay. Alam kong gusto lang pagaanin ni Jess ang nararamdaman ko ngayon. Medyo natawa naman ako dahil ang sablay ng pagkanta niya.


"Pero mas gusto ko ang 'oh it's sad to belong to someone else when the right one comes along' haha." May entry din si Aira.


"Pero mas bagay ang 'Akin siya sa umaga, sa'yo siya sa gabi' ganun yun!"


"Hindi listen meron pa...how can I tell her I about you oh girl please tell me..."


Nagtawanan na kami at nagparamihan ng entry. Pero kahit ganon hindi parin nawala ang bigat dito sa dibdib ko.



Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Nasaktan talaga ako sa narinig ko. Perhaps this is the truth. Hiram is just bored and looking for fun and I'm his easy prey kaya binibigyan niya ako ng attention. What a sick plan. Ano bang nakukuha niya sa panglalandi niya sakin? Validation?


At ano, pagkatapos nitong lahat ako lang ang masasaktan? Hindi pwede. I should guard my heart from Hiram.








Song: Pano by Zack Tabudlo

Something About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon