VII. Alone Together

4 2 0
                                    


Nakahinga na rin ako sa wakas. Ang hectic lang ng araw na to para sakin. May maraming papers na due kaya tambak ako ngayon this week. Naisip ko nga tuwing photography class lang yata ako nakakapag-relax. Well...


Photography became an escape for most of us. Ang fun lang ng klase at kasundo ko lahat sila. Ang chill pero at the same time natututo kami. And I couldn't help but think that photography became mine and Hiram's own little bubble. But I know any moment from now, reality will eventually come and burst it. Ang saklap diba?

Lampas 6 na ng hapon at ayaw ko muna umuwi sa dorm. Sinusumpong na naman ako ng kadramahan ko. Alam mo yung feeling na gusto mo mapag-isa at pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa'yo? Pero poor ako eh kaya hindi ko keri magliwaliw sa malayo, hanggang sa may kanto lang ako ng 7/11.


Bumili ako ng ube ice cream at tumambay sa labas ng tindahan. Naaliw naman ako sa ginagawa kong pagbilang ng mga kotse na dumadaan sa kalsada. Rewarding naman dahil umabot na ng sikwenta ang nabilang ko.

Kausap ko si mama kanina sa phone, hindi raw muna siya makakapagpadala sakin ng pera para sa tuition ko. Hindi rin siya nakapagbigay ng allowance ko last month. Buti na lang may ipon ako kaya kahit papaano lumalaban pa rin sa life.

Pero bakit pakiramdam ko para akong nanglilimos kay mama ng pera. Hindi ko alam minsan nahihiya ako kapag pera na ang pinag-uusapan namin. Ewan. Hanggat kaya ko hindi naman ako nanghihingi ng pera kay mama dahil alam kong may pamilya rin siya.


Napatitig ako sa case ng beer sa gilid. Dapat pala hindi ice cream binili ko. Agad ko namang naisip na hindi ko pala afford magpakalasing ngayon.

Iniisip ko pa rin ang sitwasyon ko nang may biglang naglagay ng siopao sa table ko.

"Kain tayo," sabi ni Hiram sabay upo. "Lalim ng iniisip natin ah."

"Um Hiram ikaw pala. Ano ginagawa mo rito?"

Nagulat ako sa presensya niya.

He smiled tapos nilagyan niya ng ketchup ang siopao at ibinigay sakin.


"Hinahanap kita. Hindi ka man lang nagrereply sa chat ko sayo."

I took a quick glance at my phone. Nag chat nga siya. Hindi ko napansin.


Tinitigan ko muna ang siopao bago kinagat. Masarap. When was the last time I ate siopao? A memory of my mother came to my reverie. Madalas niya itong pasalubong sakin.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" I casually asked while still eating the siopao.

Actual translation ng sinabi ko: "Hindi ka ba hahanapin ni Margot?"

"Sino naman maghahanap sakin," he chuckled.

I shrugged. Ewan. Girlfriend mo? Hula ko lang naman.

"You know what, feeling ko iniiwasan mo ako," he added.

Nice one Hiram. Nadali mo.


Mahilig si Hiram sa eye contact at kaya kung lumaban sa mga malagkit niyang titig. Pero ngayon I couldn't. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya dahil takot ako. Takot akong mabasa niya sa mga mata ko kung ano man ang iniisip at nararamdaman ko.

I stopped eating.

"Iniiwasan kita? Ang feeling ha pero hindi, busy lang ako." Ayan tinodo ko na. I swear I have to be firm about my decision.


"Sabi mo eh. Pero hindi ko kaya na ganito tayo Peach. I consider you as a special friend tapos biglang... Alam mo yun? Ramdam ko na lumalayo ka sakin eh."

Special friend! Thank heavens may label na rin kung ano ako sa buhay mo Hiram.

"Ang OA. Kainin mo na nga yang siopao mo," sabi ko na lang. Nagpatuloy din ako sa pagkain.

Tahimik kaming dalawa habang kumakain. After a while ubos na namin at medyo awkward na. Gusto kong tumayo at umalis pero ayaw mag cooperate ni Hiram. He grabbed my hand.

"Peach..."

Napatingin ako kay Hiram. His eyes looked sad. Parang may uncertainties sa mga mata niya.

"Ayaw kong pati ikaw iiwan mo rin ako."


I don't know but he sounded like an abandoned child.

Pagak akong tumawa.

"What are you trying to say? Hindi naman ako aalis. Uuwi lang ako. At ikaw din, you need to go home."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin.

"Kilala mo naman kung ano ako, diba Peach? 27 years old na ako but look at me. Wala man lang akong narating sa buhay. Walang silbi. Walang pangarap. Kaya siguro ako iniiwan ng mga taong importante sa akin because I'm not worth it."

Hiram on his sad boy era.

"Hey don't say that Hiram... What exactly is going on?" Yes. I'm so lame. Yun lang talaga ang lumabas sa bibig ko. I mean what more can I say?


"Noon ko pa to gusto sabihin sayo Peach. Actually naghahanap lang ako ng timing pero hindi ko na kaya. Gustong-gusto ko na sabihin ang lahat sayo. Sana kung ano man ang marinig at malaman mo, hindi magbabago ang turing mo sa'kin."

I got intrigued honestly that's why I stayed.

And so Hiram started telling me his story. Unti- unti ko nang nakikilala kung sino nga ba si Hiram Miguel de Luna. And in my eyes he's willing to be vulnerable. He's willing to tell me what's breaking his heart. This is how much he trusts me.


"I can't believe na kwento mo lahat sa'kin to dito talaga sa 7/11," I jested to lighten up the mood.


"Iba ka eh. I'm instantly drawn to you Peach. Ang gaan lang ng loob ko pag kasama kita. Kaya nga I'm so lucky to have met you."


At ang traydor kong puso, lumundag. Nagkatitigan kami. Inabot niya ang kamay ko at pinisil.

Lahat ng lambing at mga ginawa niyang kabutihan sa akin dati nagbalik sa isip ko. Kung dati mahigpit na pagpigil sa damdamin ang ginagawa ko pwes ngayon nagbago na.

Eventually the guilt I was keeping inside slowly disappeared. From now on, I can freely feel this emotion without feeling guilty or ashamed.

Because I just learned from Hiram that he and Margot were over.

Yeah. You got it right. Break na sina Hiram at Margot.



Song: Ikaw lang by Nobita

Something About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon