V. Binibini

6 2 0
                                    


Isang sikat na food park ang Junktion. Well bukod sa Tips, ang Junktion ang go-to hangout place naming mga estudyante kaya super crowded ang lugar na'to.


Hinanap ng mga mata ko si Hiram. Sabi niya nasa may left side siya. Agad ko naman siyang nakita. Papalapit siya sa live band. Hiram is good in guitar at maganda ang boses. Alam ko na ang susunod niyang gagawin. He will definitely sing. This would be the first time na makikita ko siyang kakanta at excited ako.


Umupo na ako sa isang vacant seat malapit sa banda. Nagtama ang mga mata namin ni Hiram. He smiled at me and I gave him two thumbs up to encourage him. At nagsimula na nga siyang kumanta. Nakakainlab ang intro ng acoustic guitar.



"Binibini..."



Unang bitaw pa lang niya ng linya naghiyawan na agad sa kilig ang mga girls dito. Para silang binudburan ng asin.


"Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo? Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akin
Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako.."



Namangha ako sa boses niya. Bagay na bagay sa kanta. Feeling ko magiging favorite ko na ang kantang to. I also noticed na parami nang parami ang kinikilig sa pagkanta ni Hiram. Most girls were swooning over him...at mukhang ako rin.

Naku lagot!



Ano bayan! Pero di lang nila alam, may nag mamay-ari na sa kanya.


"...Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako.."


Hiram sang the last part with so much emotion in his eyes. At habang kinakanta niya yun, nakatitig lang siya sa direksyon ko. I felt warm inside. It feels like ako yung hinaharana niya. And my foolish heart started having this weird sensation. Nag-somersault!




"Hi," medyo kabado kong bati kay Hiram nang nakalapit na siya. Kabado ako pero di ko pinahalata. Iba ang naging impact sakin ng kanta niya.


"Nagustuhan mo?" Tanong niya sabay upo.

I nodded. Talaga namang nagustuhan ko ang performance niya.


"Good. That song is meant for you."

"Oh. Thanks," simpleng sagot ko kahit nakaramdam ako ng kunting kilig sa sinabi niya. Okay let's scratch the 'kunti' dahil talagang kinilig ang ate niyo! Pero mabilis ko namang pinuna ang sarili ko.



Hindi dapat.


Buti na lang lumapit ang isang server at nilapag ang mga snacks sa table namin. Nag thank you ako sa server.


May nachos, fries, pizza at milktea. "Well umorder kana pala."


"Yeah okay lang naman to right?"


Nahimigan ko ng kunting kaba ang boses niya. He looked nervous really and it baffled me why. Hindi naman ako maarte sa pagkain as long as it's not kimchi. No offense sa mga taong favorite ang kimchi pero hindi ko talaga magawang magustuhan yun.


"May iba ka bang gusto, orderin natin?"



I shook my head. "These are cool. Hey are you okay? You look tense." Hindi ko mapigilang punahin siya. Inunahan ko na siya baka mapansin niyang kabado rin ako. Hindi naman siya mukhang kabado kanina habang kumakanta.


He chuckled. "Ewan ko ba. Would you believe me kung sasabihin kong kinakabahan ako ngayon."


Hala kinakabahan daw siya. Eh ako rin naman ah. So dalawa kaming kabado? That means..?

Wala. Assumera ng taon yata ako.

"Bakit ka naman kinakabahan? Something wrong?" I played it cool.


"Wala naman. Yung presence mo kasi nakakakaba."


I raised my brow. "Care to elaborate?"


"Magagalit ka ba if I consider this day as our first date?" He asked suddenly.



Natigilan ako. What the fudge?? First date? Baliw ba siya! May tumunog na warning alarm sa utak ko. Road to cheating na ba ito? Hindi pwede!



"Hiram, alam kung tinutukso tayo ng friends natin sa photography pero you don't have to go this far," I said casually with a laugh.



Sanay na ako sa mga pasaring niya kaya hindi ko talaga sineseryoso ang mga hirit niya sakin. Pero tonight is different, I need to make everything clear. Ayaw ko gumawa ng kasalanan.



And yes, may Margot siya- ang long time girlfriend niya!



"Damn! I still have a lot to tell you about Peach kaya nga parati kita iniinvite lumabas to talk about it eh. But you would always turn me down. Hindi ko alam kung saan magsisimula... And right now, nagmumukha tuloy akong tangang high school na first-time magkaroon ng crush sa inaasta kong ito sa harap mo, alam mo ba yun?"



My jaw dropped. I was so confused. I didn't know what to say.


Seryoso ba siya? Mali to. Mali to. Mali to!


"Hiram just stop okay? Hindi na nakakatuwa. Baka aakalain ko talagang seryoso ka dyan. Kaya wag ka ng magbiro ng ganito sakin." Marupok ako.


"I'm not fooling around you know..."



I hid my emotions with a laugh. "You're so funny. Baka makalbo ako nito ni Margot dahil nagpapaniwala ako sa mga ka-echosan mo."



I will treat this as a joke period. Kahit noon pa man joke lang to lahat. Paano ko seseryosohin ang sinasabi ng isang lalakeng may sabit?


Mabisa talaga ang pangalan ni Margot dahil tumahimik ang loko.


"Ang weird mo. Ano bang nakain mo at ang drama mo ngayon?"


Kumuha ako ng isang slice ng pizza para maibsan naman ang awkwardness namin. I keep thinking about Margot at kung ano ang magiging reaction niya pag makita niya kami ngayon. Siguro masasabunutan niya ako ng di oras.

Mali itong pagsama ko dito.



"Hoy anong inaantay mo dyan? Attack na baka maubos ko lang to lahat," dagdag ko dahil tulala lang ang mokong.


"Kahit sa chat ganyan ka rin sakin.." nagtatampo na sabi ni Hiram.


"Huh what do you mean?"


"Tinatawanan mo lang ako. Why wouldn't you take me seriously Peach?"


Why would I believe you right now Hiram? When there are a lot of glaring reasons why I should ignore you.

Napa-inom na lang ako ng milktea.




Song: Binibini by Zack Tabudlo

Something About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon