Yung Gabing Yon...

143 4 6
                                    

A/N: Haha! Hi HELLO! Sana magustuhan niyo itong storyang ito kahit na-tripan ko lang. di ako pinatulog ng kwentong ito eeh. Puro kalokohan pero maganda yan! haha! 

Alam ko naman naranasan niyo din yung ganyan eh, yung kiligin pag-ni add ka ni crush at ni-chat ka pa. Ahaha

BASAHIN NIO NA LANG! 

^______^ Read and ENJOY..

====================

====================

Yung Gabing Yon

By: rakistangfox

Copyright© 2013 rakistangfox

PLAGIARISM is a CRIME.

Do not steal any part of this story.

========

========

“Goodbye Class!”   

“Goodbye and thank you Miss Arceo.”

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at ako naman ay nag-ayos na ng aking gamit.

“Lynette!” sigaw ni Dairu habang papalapit sa akin.

“Oh? Bakit?”

“Bakit bakit ka jan? Eh kung kutusan kaya kita? Ang bagal mo! Alas seven na!”

“OO NA PO! Wait lang!”

“Una na ako sa labas ha! Pag ikaw wala pa ng isang minuto dun gigilitan kita ng leeg.”

“Yes boss!”

Inayos ko na yung gamit ko at ang aking sarili. Napaka talaga tong si Dairu eh noh. Lagi na lang ako pinagmamadali. Isinukbit ko na yung bag ko sa balikat ko at lumabas na ng room. Nakita ko naman siya dun na nag-iintay.

“Haay nako Lynette! Late ka ng 1 minute and 20 seconds. Dahil jan ililibre mo ako ng ice cream.” Sabi niya with matching iling pa. Baliw talaga to. Binatukan ko naman siya at lumakad na kami pauwi. Malapit lang naman kasi yung bahay namin sa school yun nga lang itong si Dairu eh sa kabilang street pa.

****BAHAY

Binuksan ko na yung gate namin at ako’y pumasok na. Sinalubong naman ako ni Garucha ang aming aso. Siyempre pinet ko siya.

Pumasok na ako sa loob at inilapag ang aking bag sa may sofa at inihagis ang sarili ko dun. Grabe! Nakakapagod ang araw na ito. Tamabakan ba daw kami ng homeworks? Whatta heartless teachers! Arrgh!

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit nan g damit alangan di ako magpalit. Anu yun imomodel ko yung uniform ko? Haha.

“Lynette! Baba ka na jan! Kakain na!”

“Anjan na po!” Inayos ko yung gamit ko at inilapag sa kama yung mga libro na sasagutan ko mamaya. Masipag ako eh. Tsaka Ganado ako ngayon gumawa ng homeworks. Wehehehe.

Bumaba na ako at umupo na sa hapagkainan. Ito namang kapatid ko eh nakipag-agawan pa ng upuan sa akin. Tuktukan ko bagang nito eh. Tsk. Siyempre dahil sa mas matanda ako pinaubaya ko na sa kanya yung upuan. Isuksuk pa niya sa baga niya. Tsk.

“Kumusta school?” tanong ni Mama sa akin.

“Ha? Ba’t yung school yung kinakamusta niyo? Di ba dapat ako?” sabi ko kay mama bago isubo yung pagkain.

[OneShot Story]: Yung Gabing Yon...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon