PINAPALAYA (SH1)

3 1 0
                                    


First Short Story/ One-shot Story

PINAPALAYA
Short story by: Guhit_Ng_Tadhana

"Sige, sige. I come, wait for me, ha?" Nakangiti kong sabi habang may kausap sa cellphone.

"Yeah, sige. I wait here for you, Shane. Ingat ka." Sabi ng nasa kabilang linya. By the way, he's Jack, my boyfriend.

"Sige sige, ingat ka din. I love you." Sabi ko sa kanya ngunit napansin kong hindi siya tumugon.

I know na hindi niya ako mahal. Sa tuwing magsasabi nga ako ng 'I love you' o 'Mahal na mahal kita' wala siyang tugon.

Sa dalawang taon naming nagmamahal, ako lang pala ang may gusto sa kanya, ako na lang pala ang nagpapahalaga sa relasyong ito. Sa dalawang taon na yun, lumaban ako.

Alam kong masasaktan ako sa huli, alam ko naman na yung kaibigan ko talaga ang mahal niya ngunit lumaban pa rin ako, lumaban ako kahit alam kong ako din yung matatalo at iiyak sa dulo.

Nandito ako sa kwarto, naghahanap ng maisusuot para sa date na ito, kung date ba talaga ito. Kinakabahan ako, parang dito na niya sasabihin at tatapusin kung anong meron samin.

I know na naweweird kayo dahil kinakabahan ako ngunit yun talaga nararamdaman ko na parang hanggang dito na lang kami at matatapos na ito.

Napatingin ako sa mga damit na nilabas ko, nakakalat na yun sa higaan ko ngunit hindi ako makapagdesisyon kung anong susuotin ko.

Madami ako damit ngunit parang naging blangko ang utak ko sa pagpili. Magaganda ito lahat, mga mahal pa ang brand ngunit simpleng dress ang napili ko.

Hindi ko pa ito nagagamit, hindi ko ginagamit sapagkat napakahalaga at importante ito sakin. Itong damit na ito, ito ang bigay ng damit ng taong mahal na mahal ko ngunit may iba naman na gusto.

Humugot ako ng napalalim na buntong hininga. Buntong hininga na may halong kabagabagan, buntong hininga na may hapdi at buntong hininga na may halong takot.

Kinakain ako ng takot, takot na hanggang dito na lang kaming dalawa. 'Hayss, tama na Shane. Wag na paulit-ulit, kaya mo yan.' Pagpapalakas ko na sabi sa sarili ko, sa isipin ko lang yan.

Napailing-iling na lang ako at naglakad papuntang lalagyan ng mga sapatos at sandals ko. Napabuntong hininga muna ako bago ayusin ang gagamitin kong sandals na babagay sa dress na napili ko.

Simpleng dress lang yun, black ang color na may red sa taas. Yung style niya ay parang sa pang-alis talaga siya ngunit simple nga lang tignan.

Pagkatapos kong mahanap ng sandals na babagay sa dress ko na ito, inayos ko na ang damit ko. Inilagay ko ulit sa cabinet ko na nakahanger, kung paano ko kinuha ganon ko rin ibinalik ito.

Pagkatapos ng mga ilang minuto sa pagbalik ng mga damit ko, dumiretso na akong banyo para maligo.

Pagkapihit ko ng siradula ng pinto dumiretso ako sa lababo. Naghugas ako ng kamay bago napa-angat na ulo at napatingin sa salamin.

Napatingin ako sa mga itsura ko, sa mga mata ko na kulay kahel, sa ilong ko na matangos, sa kilay ko na mainipis, sa pilik-mata na mahaba at sa labi ko na mapula-pula.

Napatingin ako sa kabuuon ko, maayos din naman ako ngunit bakit sa kanya na lang lagi napatingin at nakatutok ang mga mata niya? Bakit parang ako yung nang-agaw ngunit ako naman yung nauna?

"May kulang pa ba sakin?" Naluluha kong sabi habang nakatingin sa sarili ko. Napabuntong hininga ako bago pumuntang shower at maligo.

One-Shot / Short StoriesWhere stories live. Discover now