| The Mysterious Book

169 93 172
                                    

Don't forget to vote and comment if you like any parts on this story.

---

Kyra

"Thank you ulit Val, sa pagtulong sa akin," ani ko sa kabilang linya.

"Ano ka ba, wala iyon. Oh siya, naandito na ako sa bahay namin. Kita na lang tayo bukas, bye Kyra!" sabi nya at baba sa telepono.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng mag pop-up ang isang text galing kay Grey.

Pumunta ako sa messages at nakita ko ang mga tadtad nitong texts sa akin.

Oo nga pala, hindi ko pala siya binalikan kanina sa kwarto pagkatapos kong kausapin sila Val at Rica.

5:30 pm

Kyra? Alam mo bang hindi mo ako binalikan kanina:( Hinintay kaya kita, pero hayaan mo na, nakasama naman kita buong hapon.
-Grey

6:00 pm

Kyra? Maayos na ba pakiramdam mo? Sabihin mo sa akin kapag hindi, okay? I-update mo rin ako.
-Grey

6:30 pm

Oo alam ko, naiinis kana siguro pero, wala parin akong paki haha. Alam mo ba nagalit sa akin si coach tapos tinadtad ako ng text bakit hindi raw ako um-attend ng practice kanina, sabi ko may emergency. Oh diba, para lang sayo gagawin ko lahat(◠‿・)-☆
-Grey

6:50 pm

Kyra, kauuwi ko lang pala. Please text me kung nakauwi kana ba o kung anong ginagawa mo. Nag-aalala ako and don't let me on read! Nagtatampo ako hmp.
-Grey

6:55 pm

Pansinin mo ako kyraa༎ຶ‿༎ຶ
-Grey

Iyan ang huling text sa akin ni Grey, nakauwi ako sa bahay nang 7:15.

Tinitigan ko naman ang screen ko ng ilang segundo, should I reply him?

Sobrang hindi ko talaga makalimutan 'yong nangyari kanina.

Why did he confess? Or should I say, did he confess? Baka naman assuming lang ako?

Umiling naman ako.

"Stop it! Don't recall what happened earlier," ani ko sa sarili ko.

Hindi ko napansin na nakapasok na pala ako sa loob ng bahay kanina pa.

Humiga naman ako sa kama ko, inilagay ko ang cellphone ko sa harapan ko at nagsimulang magtext.

7:25 pm

Sorry late reply, naka-uwi na ako kanina pa. May tinapos lang sa school and yes I am feeling better now. Please stop using kaomoji emoticons.
-Kyra

Nagsent naman kaagad ito, papatayin ko na sana ito ng makita kong nagr-reply siya.

Inaabangan niya ba message ko? Ang bilis ah.

Tumunog naman ang cellphone ko.

7:25 pm

Yes! Nag-reply din, akala ko hindi mo na ako papansinin eh.(。ŏ﹏ŏ) Btw, don't pressure yourself okay? Minsan kailangan mo rin magpahinga baka magkasakit ka.
-Grey

The Untold Story Of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon