NOTE:

19 5 2
                                    

Hello! Ako ang babaeng nasa likod ng mga tula sa bawat chapter ng libro na ito.

Una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nakaabot ng 600+ ang mga mambabasa ng mga tula ko kahit na alam niyo naman na minsan ay halos paulit-ulit lang ang paksa bawat chapter.

Pangalawa, nais kong humingi ng tawad dahil binitawan ko ang pagsusulat nitong mga nakaraang linggo.  Kung ikaw man ay napadaan lang dito o talagang nagbabasa ng mga tula ko, maraming salamat dahil binabasa mo ito ngayon. Pinipilit akong hilahin ng mga panulat at ang mga ideya ay magdamag na umiikot sa aking isipan at pilit akong ginagambala.

Pangatlo, alam kong ang iba sa mga aking mga tula ay naglalaman ng mga nakaka-trigger na paksa, lalo na sa mga taong hindi rin maayos ang nararamdaman ngayon. Ngunit bago ko simulan ang tula ay may nakasulat naman kaagad na babala kaya kung gusto niyo ay lagpasan niyo na lamang. Iyon kasi ang emosyon na nararamdaman ko tuwing sinusulat ang mga tula na iyon, kaya hindi ko maiwasan na mahawa rin ang mga tulang isinusulat ko.

Iyon lamang at maraming salamat sa pagbabasa nito!

-SecretSunshiine

Mga Natatagong TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon