ANIMNAPU'T-DALAWA

0 1 0
                                    

ang sarap pagmasdan ng buwan.
sa tuwing naaabutan ako ng madilim na kapaligiran at mga nagliliwanag na gusali,
kaagad ay dumadako ang tingin ko sa langit

napapangiti ako kapag nakikita kong kumikinang ang buwan kasabay ng mga bituin
minsan naman ay napapakunot ng noo kapag natatabunan ito ng mga ulap

anong karapatan nilang takpan ang buwan na matagal ko ng hinahangaan?

oo nga pala, ano namang karapatan kong magalit sa mga ulap e mas abot ng mga yon ang buwan kaysa sakin. mas malapit ang mga yun kaysa sakin na hanggang tingin lang ang kayang gawin.

oo nga naman. pasensya ka na nakalimutan ko, hinahangaan lang pala kita mula sa malayo.

 pasensya ka na nakalimutan ko, hinahangaan lang pala kita mula sa malayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mga Natatagong TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon