GIANT CLOCK

11 2 0
                                    

Noong bata pa ako, palagi sa aking panakot ng mga magulang ko ang tungkol sa higanteng orasan na matatagpuan sa pinakasentro ng aming bayan. Sinasabing malawak daw ang kalooban nito na kinapapalooban ng mga batang nakikidnap ng sindikatong namumugad rito. Siyempre, bilang bata, natatakot ako sa tuwing napapadaan ako sa gawing iyon kaya naman kundi namin iyon iiwasan ay paniguradong iiyak ako ng ubod ng lakas upang makalayo lang sa abandonadong giant clock na iyon na ng lumaon ay hindi na gumagana. Sabi sabi rin ng mga matatanda sa aming bayan na naririto pa ang mga kastila ng itayo ang giant clock na iyon kaya naman paniguradong marami ring multong nanahan sa loob niyon. Dahil nga sa kabi kabilang mga paniniwala ay tinawag pa ang higanteng orasang iyon bilang "the creepiest clock in the whole town" which is literal naman talagang nakakatakot.

Hanggang sa lumipas ang maraming panahon ay nakatayo pa rin ang giant clock na iyon na tila walang pinagbago magmula pa nung bata ako. Nandun parin yung takot ko sa tuwing napapadaan ako sa gawi ng orasang iyon pero bilang isang mature na tao, kinakailangan kong harapin ang aking takot hanggang sa nakasanayan ko na iyon pero may isang pangyayari ang hindi ko inaasahang magbabalik ng takot ko sa clock na iyon.

Isang gabi habang naglalakad ako pauwi sa aming bahay, dala na rin ng pagod sa eskwela ay napagpasyahan ko munang mamahinga at maupo sa isang bench kalapit ng giant clock. Actually, marami pa namang ibang bench pero hindi ko alam ang pumasok sa isipan ko na maupo sa mismong pinakamalapit pa rito. Kumain muna ako ng biskwit at uminom ng tubig bago ko napagpasyahang tumayo na at magpatuloy sa paglalakad patungo sa bahay namin.

Habang naglalakad ay napansin ko ang pares ng matang tila ba sinusubaybayan ang bawat paghakbang ko kaya't panandalian akong huminto at pasimpleng luminga linga sa paligid. Ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita ang giant clock na kalapit ko na naman gayong nakakailang hakbang na ako at paniguradong nakalayo na rito.

"Eden Mae, ang puso mo.. Kalma lang okay. Hindi totoo ang mga sabi sabing yon. Wag ka ngang kabahan diyan!", panenermon ko sa aking sarili dahil damang dama ko na ang pamamawis ng aking mga kamay at panginginig ng aking mga paa. Hindi ko ba alam kung bakit sadyang nagfaflashback pa sa aking alaala ang mga kwento kwento sa akin nung bata ako sa mga pagkakataong ganito.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at pinilit na iwaksi sa aking isipan ang mga kababalaghang maaaring mangyari sa akin. Lakas loob akong muling naglakad hanggang sa ang sumunod naman ay may narinig akong mahinang bulong at tila pag 'psst psst' na tumatawag sa akin. Dala ng sobrang takot ay napakaripas ako ng takbo. Kung hindi mga multo ay marahil mga adik sa kanto ang nangtrip sa akin kaya kinakailangan ko na talagang makauwi sa bahay namin.

Napahinto akong muli at napahinga ng maluwag ng mawala ang mga bulong bulong at sa wakas ay natatanaw ko na ang aming bahay.

Sa wakas!

Bago ko pa maisatinig ang mga katagang iyon ay nakarinig ako ng malakas na pagbunghalit ng tawa sa kung saan. Nang lumingon ako ay tila ba pinaglalaruan talaga ako ng kapalaran dahil malapit na naman ako sa giant clock na iyon.

Ano bang nangyayari?!

Nanlalabo na ang aking mata sa pagbabadya ng luha mula rito dahil ng lumingon ako sa harapan ay naglaho ang aming bahay na parang bula. Akmang kukunin ko na ang cellphone mula sa aking bulsa ng biglang may tila umakap sa akin na malamig na mga kamay na panandalian lang naman ngunit nagdala ng panghihilakbot sa bawat himaymay ng aking katawan.

"Mamaaaaaa!!", napasigaw na lamang ako dala ng labis na takot at pagkabalisa. Napasalampak ako sa sahig na tila isang baliw at sinapo ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay.

"Miss! Miss!", rinig kong sigaw ng kumakalabit sa akin na kanina pa tawag ng tawag pero hindi ko naman pinapansin.

"Miss!", napalakas na ng husto ang pagsigaw niya kaya naman inis akong lumingon sa kanya at napahinto ng tumambad sa akin ang napakagwapo niyang mukha.

THRILLING STORIES ANTHOLOGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon