THE EYE

7 1 0
                                    

Kalagitnaan ng Disyembre ng mapagpasyahan naming magtungo sa isang bahay bakasyunan na pagmamay-ari raw ng aking pamilya. Nagkakasiyahan at panay pa ang pagpapatugtog ng iba't ibang kanta ang aking mga pinsan habang binabagtas namin ang daan patungo sa aming pupuntahan sakay ng isang medyo makaluma ng  jeep na tinuturing na kayamananan ng aking Tito.

Kanya kanyang ng pinaglilibangan ang bawat isa sa amin pampawi ng inip dahil mahaba haba rin ang biyahe patungo sa lugar na iyon, sa San Lorenzo, kung saan raw madalas magbakasyon sila Mommy noong kabataan nila. Naglalaro ng gba or game boy advance simulator ang aking pinsang si Jero sa kanyang cellphone samantalang si Nina, ang kanyang kapatid naman ay nag aayos ng kilay na hindi pa rin niya mapantay pantay kahit na halos isang oras mahigit na namin siyang hinihintay kaninang gumayak. Siyang siya naman sa pagkukwentuhan ang aking mga Tita at eto namang katabi kong si Shiara na apura ang pagkalabit sa akin na mapaghahalatang walang magawang matino sa buhay. Pinasya kong wag na lang pansinin ang pambubwisit niya sa akin pero talagang makulit siya na tinangka pa akong kilitiin kaya't hindi ko na natiis ang lingunin siya at tignan ng masama. Painonsente pa siyang ngumiti na kunwari ay walang ginagawang kalokohan pero imbes na patulan ay  inirapan ko na lang siya. 

"Ano bang problema mo?!", mataray pang sabi sa akin ni Shiara na akala mong aping api. Kung ihahalintulad sa isang istorya, siya yung tipo ng karakter na mahilig magpanggap na mabait at bida kahit na ang totoo ay isa siyang antagonista. Nakakapagpataas nga naman talaga ng blood pressure sa katawan ang mga karakter na katulad nitong si Shiara. Napahilamos na lang ako ng mukha sa inis at ipinasyang wag na lamang siyang pansinin ng tuluyan.

Kung tutuusin kasi ay wala rin naman akong mapapala kung papatulan ko siya. Malamang kasi ay ako na naman ang masisisi kesyo mas matanda raw ako at ako na lang daw dapat ang nagpasensya kaya mas  makakabuti kung ako na lang ang iiwas. Magmula ng bata pa lamang kami ay pansin ko na ang magkaibang pagtrato sa amin ng aking pamilya. Ako, hindi ko alam kung bilang panganay lang sa aming magpipinsan o sadyang ako lang talaga ang napagtitripan nilang pagalitan at bwisitin kung minsan. Madalas din nila akong ikumpara sa iba ko pang mga pinsan na kesyo mas maganda daw sila, mas magalang, mas masipag at kung anu ano pa na kinasanayan ko na lamang na wag pagtuunan ng pansin dahil ako rin naman ang masasaktan sa huli.

Natahimik ang lahat ng umalingawngaw ang tunog ng pagpreno ni Tito maging ang sunod sunod niyang pagbusina sa babaeng papatawid na sana sa makipot pa namang kalsada.

"Ano ba naman yan Leo! Ayus ayusin mo naman ang pagmamaneho mo at baka maaksidente pa tayo!", pagalit na sigaw ni Tita Laura, ang panganay na kapatid ni Tito Leo na hindi na napigilan ang bibig na mapamura sa sobrang inis.

Kanya kanyang ingay at sigawan ang aking narinig sa paligid. Napagpasiyahan ko na sanang bumaba ng jeep upang tulungan ang babae ngunit noong nagtangka akong tumayo ay ganoon na lang ang aking pagkagulat ng biglang paharurutin na muli ni Tito ang sinasakyan naming jeep na tila walang nabanggang tao. Ang nakakaasar pa roon ay kamuntik pa akong matumba, mabuti na lamang at napahawak ako sa may upuan sa unahan kaya hindi ako tuluyang natumba. 

Naikuyom ko na lamang ang aking kamao ng makita ang iika ika ng babae na hindi man lang tinulungan ni Tito na tumayo ni tinanong man lang kung ayos lang ang kalagayan nito.

Napakabilis lang ng naging biyahe, ilang sandali pa ay natatanaw na namin ang daan patungo sa sinasabing bahay bakasyunan. Maaliwalas ang paligid. Ramdam ko ang paglundag sa tuwa ng aking puso marahil ay dahil sa pakiramdam na parang dati pa akong nakapunta rito.

Nag uunahang magsibabaan ang parang bata kong mga tita kasabay ng aking mga pinsan na para bang mga pagod na pagod sa biyahe at gustong gusto ng malasap ang lambot ng higaan sa aming tutuluyang bahay. Susunod na sana ako ng hindi sinasadyang mahulog ang aking cellphone sa ilalim ng jeep. Hinanap ko sa pagitan ng pagtantsa at pagkapa ang aking cellphone dahil medyo madilim dilim na rin at wala naman akong dalang flashlight. Nang makuha ko naman ito ay wala na akong kasama at hindi na nila pinagkaabalahan pang hintayin ako kaya kibit balikat at mag isa na lamang akong nagtungo sa may kalakihang pintuan ng nasabing bahay o mansyon na nga sigurong matatawag sa sobrang laki nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THRILLING STORIES ANTHOLOGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon