Ayoko talaga ng buwan ng Pebrero.
Bakit?
Ang ikli kasi. Konting kembot mo lang e March na agad. Kaya tuloy paspasan ang paggawa ng mga kung anu-aning requirements sa school (lalo na research paper namin tss).
At siyempre ayoko ng pag-ibig--- kasi nga wala ako niyon. So para saan pa't magsasaya ako?
***
Sa dinami- dami ng mga dala kong files ngayon baka pumasa na ako bilang kargador sa palengke.
Iskolar ako ng bayan. At bilang kapalit ay nagsisilbi akong all-around employee sa school. SA kasi ako.
At dahil nga nagmaadali ako ay nagpasya na akong gumamit ng elevator papunta ng Dean's Office. Normally, mga SA at Faculty members lang ang pwede dito, at kung minsan ay mga VIPs.
*ding!
Nagulat na lamang ako dahil bumukas ang pinto ng elevator sa 2nd floor at biglang pumasok ang isang lalaking naka-leather jacket at cap na black.
Teka lang, hindi naman to SA a?
"Excusez moi! Sorry dude pero bawal ka dito. Don't you know the rules?" sabi ko sa kanya habang tinuturo yung karatula sa taas ng pinto ng elevator.
"Sorry miss, pero wala akong time makipagdebate sa'yo ngayon" saad niya sabay lagay ng cap niya sa ulo ko.
"Hey! What was that for?!"
Hindi niya ako pinansin, at sa halip, ay kinuha ang mga files na dala ko at isinuot ang jacket niya sa akin. "Saan ko pala 'to dadalhin?"
Damn!
Nabanggit ko bang halos maging isa na ang mukha namin sa sobrang lapit dahil nga nilalagay niya sa akin yung jacket?
Nabanggit ko din bang soooobrang awkward talaga?
"Huy! Anuna teh? Lutang??"
Asus bakla pala to -_________-
Parabg automatic ding nawala ang gana kong magpantasya sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Bakla" bigla kong nasambit
"Hoy di ako bakla noh! Tinatanong ko lang kung saan ko ba to dadalhin" pagtatanggol niya sa sarili niya.
Napabunghalit ako ng tawa dahil sobrang pula ng mukha niya nang sabihin niya yon.
Akala ko nga sasapakin niya ako dahil mukhang nananapak talaga ang mokong na 'to.
"Err, sa Dean's Office mo na lang idiretso 'yang mga files. Siguraduhin mong makakarating yan dun. Pag hindi yan nakarating, lagpak ako sa scholarship." Pagbabanta ko sa kanya.
Mawala na lahat, wag lang ang scholarship ko.
*tsup*
"Oo na. Ayoko namang magkaroon ng utang na loob sa'yo," paglilinaw niya sa akin. "At saka---ayoko ding mapahamak ka" sabay kamot sa batok niya na parang nahihiya.
"Osha, go na ako. Bye, Diana."
*ding!*
At umalis na nga siya.
Is this the real life~
Grabe lang. Hinalikan niya ako sa pisngi teh.
Pero hindi ako kinilig siyempre. Bitter nga diba?
Pero parang may nararamdaman akong kakaiba. Ito na ba yung--- hindi pwede. Hindi ako kinikilig.
Lumabas na rin ako sa elevator at nagpasyang pumunta na lang sa room para magreview sa Midterm namin.

BINABASA MO ANG
Jack n' Poy (Mahal ko o Mahal ako)
Novela JuvenilKung bitter ka, siguradong mas bitter ako. Kung galit ka sa mga nakasalubong mong sweet couples na naka-couple shirt at hhww nung Valentines day, mas lalo naman ako. Kaya nga ayoko ng Pebrero e! Hay bwiset! Gusto kong manapak.