Chapter 3

33 3 14
                                    

Luna's PoV

I suddenly woke up after I had a dream.

A tragic one...

Sa panaginip na 'yon nakasakay ako sa isang kabayo na tila papunta sa kung saan.

Sa 'di kalayuan, may nakita akong isang lalaki na nakaupo sa tabing ilog. I wasn't able to see his face kasi nakatalikod ito.

Napakaganda ng lugar na 'yon. Makikita ang repleksyon ng buwan sa tubig at iyo'y nagniningning.

Naisipan kong lumapit sa binatang nakaupo sa tabing ilog.

Unang hakbang...pangalawang hakbang....pangatlo...

Napahinto ako sapagkat may lumapit na isa pang lalaki sa kanya na nakadamit ng kulay itim.

Natulala ako sa aking nakita. Nakita ng dalawang mata ko ang pagpatay sa binatang 'yon.

Hindi ako makagalaw at hindi ko rin maalis ang mata ko sa binatang 'yon.

Tumakbo papunta sa'kin ang nakaitim na lalaki at ibinigay niya ang kutsilyong may bahid ng dugo.

Hindi ko gaanong makita ang buong mukha ng lalaki sapagkat may takip ang mukha nito mula ilong hanggang bibig.

Patakbo na ako nang nakasalubong ako na isang grupo ng kalalakihan na nakasakay sa kabayo at may mga dalang sandata.

Doon ko namalayang hawak-hawak ko parin ang kutsilyong binigay sa'kin.

Napatingin ako sa kutsilyong hawak ko na may bahid na dugo.

3:00 a.m pa nang nagising ako tapos 8:00 a.m pa ang klase.

Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako inaantok.

I decided to study kasi may summative din naman kami sa Math.














"Karlo!" I called him na malapit nang pumasok sa gate ng school.

Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon ako.

Tumakbo naman ako papunta sa kanya.

"Sabay na tayo." Sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya.

"Si Aya?" Tanong niya.

"Nagtext siya kanina absent daw muna siya ngayon." I answered.

Pagkatapos kong sinagot ang tanong niya, nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Sol."

Wait namali ako ng tawag...

"I mean Karlo....nagstudy ka ba para sa summative?" Tanong ko.

"Summative? Ngayon ba 'yon?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ko

"Study? Para lang sa matitino 'yon." Sagot din niya.











Lunch time....

Si Solomon at Mealuna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon