Chapter 8

20 2 7
                                    

Luna's PoV

Tumayo na ako mula sa kama nang pumasok ang parents ko at ang doctor sa kwarto.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa pwedeng lumabas." mom said nang nakita niya akong nakatayo at akmang aalis.

"May kailangan akong makita." I answered.

Paalis na ako nang pinigilan ako ng daddy ko.

"Hindi ka pa pwedeng umalis. Kailangan mong magpahinga." sabi ng dad ko.

Wala akong nagawa.

Bumalik ako sa kama at humiga.

Umupo sila sa sofa at umalis na rin ang doctor.

Nang nakaalis na ang doctor at umupo ang parents ko sa sofa para mag-usap, pasekreto kong tinanggl ang dextrose at tumayo agad sa kama at kumaripas ng takbo.

Kailangang-kailangan kong makita si Sol pero hindi pa ako nakakalayo sa room ko nang hiningal ako at sumakit ulit ang puso ko.

"Luna!" Sigaw ng mama ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." galit ang daddy ko nang sinabi niya 'yon.

Sorry na. Kailangan ko lang talaga makita si Sol.




Binalik nila ako sa kama at ngayo'y pinapalibutan na ako ng tatlong nurse.

"Sino ba kasing kailangan mong makita? Si Karlo ba? Padating na 'yon." sabi ng mama ko sabay pat ng ulo ko.


Umalis na ang tatlong nurse na tumulong sa'min at maya-maya pa'y bumukas ulit ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang lalaki na nakaputing long-sleeves polo at siya'y may bitbit na basket na may lamang prutas.

"Karlo buti dumating ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Luna." sabi ng mama ko sa kanya.

Oo. Si Karlo ang dumating.

"Para po sa inyo." sabi niya sabay abot ng basket na dala niya.

"Kumusta ka?" tanong niya nang nakalapit na siya sa'kin.

"Okay lang ako." sagot ko.

"Kumain na po ba kayo tita? Mag papabili po ako ng pagkain sa driver ko." sabi niya kay mama.

"Huwag na. Nagpaluto na kami sa maid namin." mom answered.

I looked at them for a while and then I looked away.

Napabuntong hininga nalang ako kasi wala akong magawa. Wala eh...hindi pa ako pwedeng lumabas ng hospital.


Sol's PoV

"Salamat ulit ha." sabi ni Rose nang nakarating na kami sa may sakayan.

"Nakailang thank you ka na ba?" sabi ko.

Ngumiti lang siya dahilan para mapangiti nalang din ako.

"Alis na ako. Salamat ulit. Bye." sabi niya pagkatapos niyang pumara ng jeep.

She waved her hand as a sign of goodbye. Kinaway ko rin ang kamay ko to say goodbye.

Mag-isa nalang akong nag-aabang ng jeep.

Maya-maya tumunog ang cellphone ko na nagpapahiwatig ng tawag.

Marco calling...

"Hello?" I said as I answered his call.

'Si Luna nasa hospital.' sabi niya mula sa kabilang linya.

"Saang hospital?" tanong ko.

Nang nasabi niya kung saang hospital, agad akong pumara ng taxi. Taxi na ang sinakyan ko kasi punuan na ang jeep.





Tumakbo ako papunta sa room number na sinend ni Marco.

Nang nakita ko na ang number ng kwarto ay sumilip muna ako sa loob at nakita ko si Luna na natutulog.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.

"Luna." sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya.

"Sol?"

Napalingon ako sa taong tumawag sa'kin at iyon ay si Karlo.

Lumapit siya sa'kin at inabot ang kwintas na binigay ko kay Luna.

"Alam ko na nareincarnate kayong dalawa at naging kayo sa past life niyo pero Sol gusto ko lang sabihin sa'yo na lahat ng iyon ay nasa nakaraan na. Iba na si Luna ngayon. Hayaan mong magsimula siya ng panibagong buhay. Iyon naman ata talaga ang purpose kung bakit kayo pinanganak ulit. Magpapakasal na kami ni Luna next month kaya pwede bang....bitawan mo na siya? Magsimula ka na ring gumawa ng panibagong ala-ala mo." sabi ni Karlo.

"Nasa ibang panahon na kayo." dagdag niya.

Nakatingin lang ako sa kwintas na inaabot niya sa'kin na hindi ko pa kinukuha sa kamay niya.

Oo nga naman. Sa tingin ko, hindi naman mauulit ang nakaraan kung may babaguhin ako ngayon at siguro ang dapat kong baguhin ay 'yong naging kami ni Luna.

Kinuha ko ang kwintas sa kamay ni Karlo at ipinasok ko sa bulsa ko.

Bago ako umalis ng kwartong iyon, tinignan ko muna si Luna na mahimbing na natutulog.

Hindi na kita guguluhin...

Hindi na kita pipiliting maalala ang dati...

Hindi ko na dapat ibalik ang nakaraan...

At kahit anong pilit ko, hindi na talaga tayo pwedeng magkatuluyan...

Pagkatapos ko siyang pagmasdan at sabihin ang mga iyon sa utak ko, lumabas na ako ng kwarto.

Tama naman si Karlo na wala na kami sa nakaraan.

Baka nga kaya lang kami pinanganak ulit para maranasan naming maging masaya na hindi namin gaanong naranasan noon.

Kailangan ko nang kalimutan ang nakaraan at magsimula ng panibagong buhay.

Matagal nang tapos ang istorya namin.

Kailangan ko nang bumitaw at magsimula ng panibagong buhay dito sa kasalukuyan.


Paalam Luna...

Si Solomon at Mealuna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon