Chapter 11

29 2 22
                                    

Sol's PoV

Long wait is over at nagising na nga si Luna. It was a successful operation.

The doctor checked her and after how many minutes, medyo nagrerespond na siya sa'min.

Months passed and she's totally okay from the surgery at pwede na siyang pumasok sa school.

Katabi niya ako hanggang sa gumaling na siya.


"Sol salamat sa pag-alaga sa'kin." sabi niya habang naglalakad kami papasok ng school.

I smiled after he said that.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, "Sol huwag ka na mawawala ha."

Lalaki ako pero aaminin ko na kinikilig ako.

"Hindi naman talaga ako nawala. Hangga't nasa puso mo ako...wait mahal mo pa ba ako?" I said.

We stopped walking after I asked the question. She looked at me and smiled.

"Anong klaseng tanong yan. Nagbago na ang panahon pero yung nararamdaman ko para sa'yo, kahit kailan hinding-hindi magbabago." she said.

I smiled at nagpatuloy na kami sa paglalakad.






"Uy welcome back." rinig kong sabi ng kaklase niya nang makapasok na siya sa classroom niya.

Nakita kong nilapag na niya ang bag niya at tumingin sa'kin. She waved her hand and I also waved mine at umalis na.





Pumasok na ako sa room ko at nilapag ko na ang bag ko sa upuan ko.

"Buti naman magaling na si Luna." Napalingon ako sa nagsabi non at yun ay si Rose.

I smiled at umupo na sa upuan ko.

Maya-maya pa'y nagring na ang bell for flag ceremony. Kasama kami sa flag ceremony ngayon dahil may opening program para sa gaganaping Intramurals ng school.


Bumaba kami agad at dumiretso na sa auditorium.

Pagkatapos naming kumanta ng National Anthem at School Hymn, pinaupo na kami.

Pumunta sa gitna ng stage ang activity coordinator para simulan ang opening program.

After a few speech, in-introduce niya ang isang dance group ng school namin para sumayaw.

Nagsitilian halos lahat ng mga junior high school students na babae nang lumabas ang grupo.

"Felix!!!" rinig kong sigawan ng ibang mga estudyante.

Oo...iyon ang pangalan ng lalaking tinitilian nila ngayon.

Felix Santos ang fullname niya at isa siyang senior high school student. Oo pareho kami pero masbata siya sa'kin. Grade eleven pa siya at grade twelve na ako kaya masbata siya sa'kin...malamang.

Kilala siya bilang isang dancer at singer ng school. Famous siya sa school. Obvious naman diba.

Nagsimula na silang sumayaw habang ibang estudyante na mga babae ay parang bulateng inasinan. Kilig na kilig kay Felix Santos eh.

Pagkatapos ng performance, bumalik sa stage ang activity coordinator ng school para iannounce ang activities para sa Intramurals.

Pagkatapos ng program ay agad kaming pinabalik sa classroom namin.





"Sali tayo sa basketball." sabi ni Marco sa'kin habang naglalakad kami papunta sa room namin.

"Okay." sagot ko.


Si Solomon at Mealuna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon