Chapter 5

41 2 0
                                    

Biglang dumilat ng kusa ang mga mata ko. Dilat na dilat at bilog na bilog. Nangingitim na ang ilalim na bahagi. Buhaghag na buhaghag ang buhok ko.

"Baka naman binibiro niya lang ako talaga nun." banggit ko.

/nag alarm yung phone/

Kinuha ko ito at tiningnan kung anong oras na.

"HA!? 5:00 NA!?!? Akala ko mga 12 pa lang! wala pa kong maayos na tulog!!!" sigaw ko.

Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Pakkkk. Ang panget panget ko! T^T

Hays. Yaan mo na. Turn off na naman na sakin si Sehun eh. Hays!

Bumaba nako at si mommy nagluluto na. "Ma. Anong almusal?" tanong ko.

"Sinangag tapos it--" napatigil siya nung pagharap niya at nakita ako.

"Anak!? nagdroga ka ba!?" sigaw niya.

-_________-

Buti di ko siya nabato ng plato. "Di kasi ako makatulog ma! OA neto." sagot ko at umupo na sa upuan at nagsalungbaba sa lamesa.

"Anong sasabihin ko mamaya? ang tanong. Susunduin niya pa ba ko?" tanong ko sa sarili at di ko namalayan eh kanina pa pala ako tinitingnan ni mommy.

"Anak. Ayos ka lang ah? daig mo pa yung takas mental ah." sabi niya.

"Ma, pasalamat ka eh di ako badtrip ngayon, kung di. Nako." nakapokerface lang ako.

"Sige na nga! eto magluluto na. Dilikado tong batang to." sabi niya at pumunta na sa kusina.

Biglang nagvibrate phone ko kaya kinuha ko ito.

Sheena: Ate Aleckz, di ka daw po maihahatid ngayon ni Kuya kasi nila nilalagnat po siya. Di po siya pinapapasok ni mom ngayon eh. Sorry po. Ingat ka daw po dyan. Wag ka daw makikipag usap sa kahit na sino, lalo na daw po sa mga kaklase niyong lalake.

Nung nabasa ko ito, napatawa ako ng mahina. Talaga tong lalaking to, masyadong possesive. Hahaha!

Me: O sige sige. Pakisabi na rin sa kuya mo na magpagaling siya agad. Hahaha. :)

Di na siya nagreply. Tapos na si mommy magluto, kaya kumain na ako.

"Anak, kanina mukha kang drug pusher. Bakit ngayon naman eh ngiting ngiti ka?"

"Ha? Ah. Eh. Wala naman po. Masama po bang ngumiti? Sabi mo kasi kanina mukha akong ewan kanina eh."

"Ahahaha! Oo nga naman. Sige, pagtapos mo maligo kana aayusin ko na uniform mo."

Naligo na nga ako, pagkatapos eh inihanda na ni mama yung uniform ko, nakalapag na ito sa kama. Nandun na ang blouse, neck tie, palda, medyas saka yung handkerchief ko.

Nang matapos ko na itong suotin, sinimulan ko namang ayusin yung mukha ko.

"Teka, absent naman si Sehun, bakit kailangan ko pang magpaganda?" bulong ko.

"Kahit na wala siya, kailangan mo pa ring maging maganda sa paningin ng iba." sagot ko sa sarili kong opinyon.

"Siguro tama nga si mama, baliw na ata ako. Mukha nakong drug addict kasi na-addict nako sa ipinagbabawal na gamot."

"At iyon ay si Oh Se Hun."

"DEJOKE LANG! KALOKA." pinukpok pukpok ko yung noo ko. Ano ba tong utak nato. Hays! ang corny ko kaiyak >//////<

"Nak! bilisan mo diyan. Ako na maghahatid sayo sa school." sigaw ni mommy mula sa baba.

"Opo! wait lang!" sigaw ko pabalik.

Can you be mine? (Sehun's short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon