Chapter 1

192 6 3
                                    

Chapter 1:

Magtwo-two years na kaming mag-best friend ni Sehun. Akalain mo nga na magtatagal kaming mag-best friend ehh. Ba naman si Sehun sikat yan sa school namin at di ko akalain na magiging kaibigan niya ko. Pero ok na rin yun kasi Masaya naman siyang kasama ehh…

Sehun: Oy, Aleckz! Halika punta tayo canteen! (Sabi ni Sehun habang papunta sakin). Lagi kaming sabay magrecess at lunch.  Araw-araw namin yan ginagawa at magdadalawang taon na rin namin yan ginagawa.

“ Sige, wait lang” sabi ko.

“Ano gusto mo? Ako na bibili”

“Umm .. Bubble tea syempre favourite natin yan ehh” sa totoo lang siya lang may fav. Nyan hahaha ..

“Ok!” sabi niya hahaha ang cute niya talaga.

Ang cute talaga ng best friend ko sayang nga ehh hindi ako naging kasing cute niya, naging maganda lang ako :3 choss .. and pabalik na siya ..

“Oh .. ang pinakamamahal mong Bubble tea” binigay na niya sakin ung Bubble tea.

“Thanks! Halika na inom na tayo” yaya ko.

Ang haba ng nguso niya hahaha! Tuwing iniinom niya ang pinaka fav. Nyang yan nagmumukha siyang seryoso at ang gwapo niya tingnan.  “Oy, wag mo damdamin” sabi ko hahaha. “Ehh masama ba? Sarap kaya” sabi nya, sige higop pa.

Recess namin nun, di talaga siya nagsasawa sa Bubble Tea na yan. Maya-maya nagring na yung bell. Pumunta na kami ni Sehun sa room. Saka naupo nako sa Seat ko. Ohh.. here it goes again ang aming MATH teacher.. nakakaboring. Values dito, values doon. Siya na! kulang na lang magpare ehh. Pero ang best friend ko tahimik na nakikinig. Fav. Nya talaga ang math grabe. Buti hindi dumudugo utak niya.

After 1 hour Yes! Tapos na Math :D .. History na sunod. Oh no.. here he goes again.. “Aleckz, hello ..”sabi ni Bench. Well, si Bench isa sa mga manliligaw ko. Ewan ko nga kung bakit ako nun nililigawan ehh di naman ako maganda? Siguro dahil mabait ako, ehh lagi naman ako kinukulit ng lalaking ‘to. Di ako makatanggi nahihiya ako. Kaya pag-kausap niya ko iniiba ko topic.

Ayan na naman sya.. kinukulit ako “Uhh .. Bench ano kasi ehh..—“

“Girlfriend ko na kasi si Aleckz..kaya wala ka ng pag-asa .. please, leave her alone?”sabi ni Sehun sabay akbay sakin, phew! Salamat kay Sehun at nakaligtas ako kay Bench. “Ahh.. di ko kasi alam na kayo na pala ni Sehun.. bakit di mo sinabi agad?” tanong niya. “Ahh…ehh…---“ “Gusto naming isekreto at saka bakit ka ba tanong ng tanong?” galing talaga mag-isip ng paraan si Bestie… “Wala lang, gusto ko sanang ligawan si Aleckz ehh” ang kulit talaga ng Bench na’to. “Don’t you understand? Kami na nga ehh, just leave us alone.”

Yun, umalis na siya.. ang kulit ba naman.  Buti at nandito ang pinakamamahal kong Best friend. Pero, teka bakit nakaakbay pa rin siya ngayon?

“Uhh.. Sehun..” naiilang kasi ako. “Bakit Best friend?” sabi niya.. GHAD. Halatang di niya naalala na nakaakbay pa rin siya sakin. “Uhh.. Sehun..kasi nakaakbay ka pa rin.. e-ehh..” sabi ko ehh kasi ba naman. “Ineenjoy ko yung moment” tapos ngumiti siya ng nakakaloko. “Sehun naman ehh!” tapos hinampas ko siya sa braso. Tumawa siya tapos tinanggal na yung kamay. To talagang lalakeng ‘to. Nakakahiya kaya. “Ayiieee.. nagblublush ang Best friend ko..” nang-asar pa.. “Kaw kasi!” sabi ko. Lang ya naman.

“Ay ewan ko sayo” iniba ko na lang yung topic. Buti na lang at dumating na si Sir. Yeah! Fav. Subject ko kasi ang History. Kahit na ang mga katabi ko ay tumutulo na ang laway sa kakatulog, syempre nakikinig pa rin ako.  Mataas grades ko kasi sa Subject na’to.

Di ko sinasadya ng mapatingin ako kay Sehun. Well, bored na bored na siya hahaha. Malapit na makatulog, konting tagal pa ni Sir. Bigla siyang napatingin sakin tapos nakita niya ko na natatawa sa kanya.

Nung makita nya ko, umayos sya ng upo. Tumawa ako ng patago hahaha. Binalik ko na ang tingin ko kay Sir. Matapos ang mahaba-habang lecture.. natapos na rin sya. Lumapit sakin si Sehun.

“Ikaw, pinagtatawanan mo ako ha… di tayo bati” sabi nya at nagpout pa!

“Uy, hindi ahh.. nakyukyutan lang ako sa’yo kanina habang naglelecture si Sir.” Binola ko na lang sya hahaha, pero cute naman talaga sya ehh. At gwapo pa.

“Ehh .. ok bati na tau!” ang loko nito. Kanina nagtatampo.. ngayon nakipagbati agad? “Ahaha! Turuan mo ko sa Assignments natin ahh? Lalo na dun sa Math.. ang hirap kasi ehh..” sabi ko, di ko talaga magets ung minisa samin ng teacher naming pwede na magpare kanina. “Oo naman” at ngumiti pa. “Dun ka na sa upuan mo baka dumating na si Ma’am.”

Pumunta na sya sa upuan nya tapos maya-maya ay dumating na si ma’am…  grabe naman, and daming assignments ngaun.. nakakasakit ng utak! Kaloka.

Paliwanag dito, paliwanag doon.. tanong dito, tanong doon.. di ko namanalayan nakaidlip na pala ako. Ang sarap matulog. Nandun pa rin si ma’am pero nag Dismiss na sya..

Tumayo na kami at kinuha na ung mga bag. “Aleckz, halika na..” sinusundo naku ni Sehun. Pumunta naku sa kanya tapos kinuha nya ung attaché chase ko para dalhin nya. “Buti at di ka nagsasawa na dalhin ang mga gamit ko..” sabi ko habang kami ay naglalakad.. Ngumiti ang best friend ko.. “Wala lang.. baka isipin mo hindi ako Gentleman..” sabi nya. Ohh? Sa bagay.. gentleman naman talaga sya.. hihihi…

~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~

Yan na muna ung chapter 1 :) Sana nagustuhan nyo..

Papagandahin ko ‘tong story na’to..

-Aegyo

Can you be mine? (Sehun's short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon