Chapter 1
“Ang sakit sakit kasi eh! Minahal ko siya! Binigay ko lahat! Pero anong ginawa ng hayop na yun?! Niloko ako! Ang sakit lang kasi ang tao na akala ko kaibigan ko yun pala nagiging ahas pagtalikod ko! Bwiset!” sabi ni Ry at binato ang hawak niyang shot glass.
Walang imik ang buong barkada. Ang tanging ingay na maririnig mo lamang ay ang pag iyak ni Ry. Alam nila na mahirap at masakit ang pinagdadaanan ni Ry. Pero hindi nila alam kung pano nila ito mako-comfort dahil kahit sila ay may sarili ding pinagdadaanan.
“Guys…” lahat napalingon kay Ry noong magsalita siya “masakit.. sobrang sakit. Alam ko na may pinagdadaanan din kayo. Nasasaktan din kayo, nasasaktan tayong lahat dahil sa mga pesteng lalaki na yan!”
Lahat sila nanahimik at nagpipigil ng iyak. Pero si Ry ay tuloy tuloy parin sa pagsasalita at pag-iyak. May tama na nga talaga siya sa alak.
“..kaya nga naisip ko guys na gumawa tayo ng isang pact. Isang agreement na hindi tayo mai-in love sa mga lalaki.”
Nagkatinginan ang magkakabarkada at natahimik. Sandali nilang pinag isipan yung pact at napagtanto nila na iyon na lamang ang solusyon sa kanilang mga problema.
“Count me in/ sama ako/ agree/ go” sabay sabay nilang sabi at nagkatinginan pa.
At dito na magsisimulang mabago ang buhay nilang magkakaibigan.
3 years later…
Claire’s POV
“Anesthesia ka ba? Bakit hindi mo nararamdaman na mahal kita?” sabi ng isang lalaki na hindi ko alam ang pangngalan pero namumukhaan ko.
“Amnesia ka ba? Bakit hindi mo naaalala na binusted na kita?” sabi ko sa kaniya sabay irap. Bwisit eh! Kakatapos lang ng sembreak ganyan agad bungad sa akin pagkadating ko dito sa university.
“Aray ko naman Claire! Sakit nun ah!” sabi niya at umarte pa na parang nasasaktan. May hawak sa dibdib effect pa! arte!
“Masakit ba? BUTI NGA! Layas!” sabi ko sa kaniya at binilisan ko pa ang lakad ko. Humabol pa siya pero binalaan ko na agad “subukan mo lumapit. Sinasabi ko sayo, makikita mo na agad ang mga ninuno mo!”
At ayon, tuluyan na nga niya akong pinabayaan. My god! Ka-stress! Nawawala ang ka-diyosahan ko dahil sa mga pisting lalaki na yan!
Teka nga, bakit hindi ko makita sina selena?
“Oy!” sabi ni Selena sa di kalayuan. Ah, kaya pala. Nasa medyo tago na part sila naka upo. I wonder why…
“Bakit andiyan kayo?” tanong ko habang umuupo sa tabi ni chloe. Nagkatinginan naman sila at tumikhim si jamilah.
“Eh kasi-“ pagsisimula niya pero naunahan siya ni Chloe.
“Keellan!! May mga pogi daw na transferees!” sabi niya habang kinikilig at namimilipit. Problema nito? Parang natatae na ewan. Distorted yung mukha tapos.. eh basta! Ampanget hahaha!
“Natatae ka ba? Panget ng mukha mo eh” sabi ko sabay tingin kay jamilah “totoo? May mga pogi- este transferees?” tanong ko at tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
A Lovely Pact
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang PACT. Hindi yung one pact, 2 pacts, at mas lalong hindi yung pact you! Pact: An agreement between people; a formal agreement Ibig sabihin KASUNDUAN Nagkaroon ng pact sa aming magkakaibigan na WALANG MA I-IN LOVE SA AMIN...