Selena’s POV
“Diba Google Lady?”
Huh? Google lady?
Tumingin ako sa harap at nakita ko na nakatingin sa akin at nakangiti ng wagas yung prof naming sa Advance Science. Ngumiti nalang din ako sabay tingin sa table ko ulit.
Google Lady. Baliw kasi si Claire eh! Siya nagpauso ng ganoong tawag sa akin eh. According to her, para daw kasing google yung utak ko. Alam daw lahat ng sagot.
But the truth is, I don’t know everything. There are a lot of things I still need to know. Di porket Top 1 ako, alam ko na ang lahat.
“Selena pengeng 1 whole” sabi ni Sara. Another thing is, ako ang dakilang supplier sa classroom.
Selena pengeng paper
Selena peram crayons
Selena may pencil ka?
Selena may extra ballpen ka?
Selena ano yung assignment?
Selena may sagot ka na sa number 1?
Selena this. Selena that. Selena. Selena. Selena!
“Selena!”
“Ay kabayo!” nawala ko sa iniisip ko ng bigla akong sigawan ni Claire. “ano ba yun?”
“Tinatawag ka ni Mrs. Piamonte” sabi niya at ngumuso sa may pinto.
Agad ko namang nakita si ma’am at nagpaalam sa prof naming para lumabas ng room sandali.
“Ma’am ano po iyon?” tanong ko at doon ko lang napansin na kasama niya din yung isang transferee. Andrew ata pangalan nun.
“ah there you are! Kanina pa kita tinatawag kaso mukhang masyado kang absorbed sa iniisip mo haha” sabi ni ma’am at napangiti nalang ako. Pero nakakahiya naman. Minsan talaga nawawala nalang ako sa mundo pag kinakausap ko ang sarili ko.
“Selena okay lang ba sayo?” tanong ni Ma’am. Anong okay sa akin? Ano ba pinagusapan?
“Ah.. eh..” di ko alam isasagot ko. Gusto ko sana ipaulit kung ano yung sinabi niya kaso mapaghahalataan na lutang ako at hindi nakikinig. Help!!
“Um, ma’am mukhang pag iisipan muna namin. Sasabihin nalang naming yung sagot naming bukas” sabi nung transferee. Phew! Thank God! Savior!
“Um, opo. Bukas nalang po” sabo ko at ngumiti ng alanganin.
“Sure. Basta bukas I’ll expect your decision okay?” tumango naman kami “ sige na, go back to your class”
Nung nakapasok na kami, hinila ko yung kamay niya at huminto naman siya at tumingin sa akin na para akong isang langgam. Katakot naman tumingin nito. Porket matangkad eh.
“Anong sabi ni ma’am?” tanong ko
“yan kasi hindi nakikinig” sabi niya pero nakangiti naman “sabi niya kung okay lang daw ba sa atin na tayo ang ipapadala niya sa ibang school”
“Para saan?” tanong ko habang nakakunot ang noo
“Bilang representative ng school. Parang may um, ewan nakalimutan ko na eh” sabi niya tas nagkamot ng ulo habang nakangiti. Ewan ko ba pero bigla niyang naging kamukha si Kuroko.
BINABASA MO ANG
A Lovely Pact
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang PACT. Hindi yung one pact, 2 pacts, at mas lalong hindi yung pact you! Pact: An agreement between people; a formal agreement Ibig sabihin KASUNDUAN Nagkaroon ng pact sa aming magkakaibigan na WALANG MA I-IN LOVE SA AMIN...