Marc’s POV
“Hi Marc!”
I just looked at her and smiled a little. I don’t want to look rude on my first day.
“Saang school ka galing?” sabi nung girl.
“Sa Arrowdell” tipid na sagot ko. But seriously guys, I am freaking out! This girl is scaring the crap out of me.
“Oooh! Edi nakita mo na yung Valiants and Intrepids? Balita ko dun daw sila nag-aaral” sabi niya. Ahh, so die hard fan din siya ng mga banda na yun?
“Yeah..” yun lang sinabi ko at nag excuse ako para pumunta sa comfort room.
[A/N: Yung Arrowdell, Valiants, and Intrepids ay makikita niyo sa story na Mismatch of Fame]
On my way there, may nakabunggo akong babae.
“Aray! Bobo naman eh! Hindi tumitingin sa dinadaanan!” sabi nung maliit na babae na ngayo’y nakaupo sa sahig dahil sa pagkakabunggo namin.
I offered her my hand para tulungan siya tumayo per tinabig niya lang iyon at siya ang tumayo mag-isa.
“Next time kasi tumingin sa dinadaanan” sabi niya at inirapan ako bago naglakad palayo.
“Next time, magpatangkad ka para makita ka sa dinadaanan” sabi ko at napansin ko na tumigil siya sa paglalakad. Tumalikod ako at nakita ko siyang nakatingin ng masama sa akin.
“Hoy ikaw! Lakas ng loob mo ha! Next time, paliitin mo yang ilong mo para makita mo yung dinadaanan!” galit na sigaw niya sa akin. God! I’m having so much fun!
“Tss. Next time, mag suot ka ng salamin para makita mo yung dinadaanan mo lola” sabi ko at binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti.
“Aba’t! Hoy! Next time-“ magsasalita pa sana siya kaso may biglang sumingit
“Next time wag kayo sa hallway nagbabangayan. At! Next time na makita ko kayo na nagbabangayan dito at wala sa klase niyo tatahakin niyo ang daan papunta sa SAO office.” Sabi ng isang teacher “Am I understood Ms. la Lune and Mr. dela Vega?”
Napayuko kami at sabay nagsabi ng “Yes Mrs.Piamonte/ Opo ma’am”
“Go back to your room” sabi niya at naglakad na kami pabalik sa classroom.
“Ikaw kasi eh! Pahamak ka!” galit na bulong niya sa akin. Hahaha! Galit na si liit.
“Wow! So ako pa may kasalanan?” sabi ko naman. Tinignan niya ako using um, a bored look? Di ko alam kung ano tawag sa tingin na yun eh.
“Obviously” sabi niya at inirapan ako. Sasagot pa sana ako kaso lang pumasok na siya agad sa room at umupo sa pwesto niya na hindi naman kalayuaan sa pwesto ko.
“Oy Marc! Bakit ngiting ngiti ka diyan?” tanong ni Harry. Ako nakangiti? “ may nakita ka bang chiks?” sabi niya at nagtaas baba ng kilay.
“Manyak mo!” sabi ko at tumingin kay liit na nakabusangot ang mukha.
“Yiiiieee! May crush na si papa marc’ sabi ni Jonathan at umarteng parang babaeng kinikilig “oh my gee!! I’m so kinikilig naaaaaa! Aaaaaaaaaah!” sabi ni Jonathan habang pinagpapapalo si Harry.
“Nice! Edi ibig bang sabihin niyan may kapalit na si Nadine?” sabi ni Kayle. Kaya naman natigilan kaming lahat at nagseryoso.
“Pare. 4? 5? Ilang taon na ba? Matagal tagal na din diba? Pero hanggang ngayon wala ka paring balita sa kaniya” sabi ni Andrew.
BINABASA MO ANG
A Lovely Pact
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang PACT. Hindi yung one pact, 2 pacts, at mas lalong hindi yung pact you! Pact: An agreement between people; a formal agreement Ibig sabihin KASUNDUAN Nagkaroon ng pact sa aming magkakaibigan na WALANG MA I-IN LOVE SA AMIN...