Chapter Sixteen - 1/3 His Side Of Story

224 6 3
                                    

Hindi maintindihan ni Jaehyun kung saan nanggagaling ang nararamdaman. Napansin niya kasing mabilis uminit ang kanyang ulo at umiikli ang kaniyang pasensya sa lahat ng bagay.

Mabuti na lang at tapos na ang kaniyang business trip at napagtagumpayan niyang kumbinsihin ang distributer ng alak para Cross Inferno Club. And now, his back.

Ang inaasahan niyang excitement na mararamdan pagnakabalik ng Seoul ay taliwas sa kanyang inaakala.

Ang babaeng pinangakuan niyang pakasalan at pag-alayan ng oras at panahon ay paniguradong naghihintay na sa kanyang tawag. He made a promised to call and go after her once his back from his business trip in Australia pero dalawang araw niya na itong hindi tinatawagan.

Pansamantala niya muna itong titikisin dahil sa kasalukuyang problema. Ayaw niya itong madamay kung sakali man na totohanin ng Cha Clan ang mga pagbabanta ng mga ito sa buhay niya at sa mga taong mahahalaga sa kanya.

The leader of the Mafia is looking for his heir which happened to be his friend – Eun-Woo.

Si Eun-Woo na kasalukuyang nagtatago sa lugar na silang magka-kaibigan lang ang nakaka-alam.

Kaya naman dahil aware ang ama nito na kaibigan niya ang anak na hinahanap, pinababatayaan siya sa lahat ng kilos niya dahil naniniwala ito na matutunton nito si Eun-Woo sa pamamagitan niya at ng iba pang mga kaibigan.

And they threatened him about the safety of his family especially if he has a wife or girlfriend!

And in that reason, he will sacrifice his happiness for about two weeks hanggang sa maisakatuparan ang plano nilang magka-kaibigan.

Titikisin niya muna ang babaeng nagpapatibok na yata ng kanyang puso.

He already explained to his mom about his current situation at umaasa siyang sasabihan din nito ang mga magulang ni Tzuyu to avoid misunderstandings.

He just needs two weeks pero hindi siya sigurado kung kakayanin niya iyon.

Kahit maikli lang ang panahon na nakasama niya ang dalaga, malalim ang iniwan nitong marka sa kanyang sistema.

Hindi yata't may magic potion ito na ipinakain sa kaniya kaya ganito na lang ang pangungulila na nararamdaman. Nakakabading man pakinggan but he misses her already!

Nakasimangot at magkasalubong ang kaniyang kilay na tinahak ang pinto palabas ng sinasakyang eroplano.

Pababa na siya at napansin siguro ng mga ground staff na madilim ang kanyang mukha kaya umiilag ang mga ito sa posibleng madadaanan niya habang tinatahak ang hagdan pababa ng kanyang private plane.

The tarmac is not crowded at halos mga staffs ang makikita na inaasikaso ang mga ilang private planes na nakapark.

Mabibilis ang lakad niyang tinungo ang McLaren na nakahinto sa isang sulok para lang mapapikit ng mariin dahil may narinig siyang boses babae na isinigaw ang kanyang pangalan. Hindi niya lang ito pinansin at ganun na lang ang pagbuga niya ng marahas na hangin ng may mga brasong pumulupot sa kanyang kaliwang bisig.

"You left me!" akusa ng babae.

Hindi niya ito nilingon at mas nilakihan niya ang mga hakbang patungo sa sasakyan.

"Where are we going next? Where do you live? Can I come and live with you?" animated ang boses nitong tanong sa kanya.

Ilang hakbang na lang para marating ang sasakyan ng huminto siya at marahas na tinanggal ang mga kamay nitong naka-hawak sa kanya.

"You are not my responsibility. Book in any hotel if you want. And don't follow me around because just like what I've told you, I'm getting married. Go find another man." angil niya dito at mabilis na sumakay sa McLaren at pinasibad iyon paalis.

Fancy You [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon