Chapter Six - And they're getting too fast...

403 13 4
                                    

Mariing pinagdikit ni Tzuyu ang kanyang mga binti sa takot na sya ay masilipan kung sakali man na may pumasok sa loob ng opisina ni Jaehyun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mariing pinagdikit ni Tzuyu ang kanyang mga binti sa takot na sya ay masilipan kung sakali man na may pumasok sa loob ng opisina ni Jaehyun.

Kakatapos lang nilang kumain ng binata. Naghahanda na din ito para umalis ng opisina may tatapusin lang ng ilang minuto.

"Kelan ang balik mo sa Taiwan? Hindi ba pwedeng dito ka na?" nangungunot ang tanong ni Jaehyun sa dalaga habang nagtitipa sa mamahaing desktop computer na naka-pwesto sa gilid nito.

"Mag s-start na kasi ang training ko sa winery ni dad next week." 

"Does it need to be everyday and whole day schedule?"

Nangingiti nya itong tiningnan. Busy pa din kasi ito at halata na minamadali ang ginagawa para matapos na. "Oo naman. I have to put all my time and effort na matutunan ang ituturo sa akin."

Mabilis itong nag-angat ng tingin na nakataas na ang mga kilay. "How about me? Are you taking me for granted? Don't I deserve to get your time and effort too so that we'll get to know each other more bago tayo ikasal?" 

"What?" natatawa nya ng naanas. "Magtatampo ko na naman ba?" naaaliw nya pang tanong dito.

Naiiling na lang ulit nitong pinagpatuloy ang ginagawa.

"What's this?" natanong nya ng mapansin ang alak na nasa center table. "For dispay?"

"You can drink that if you want. Konti lang dahil may seventy-five percent alcohol yan." sagot nito na saglit lang nag-angat ng tingin.

"Your drinking this kind of boost in the office?"

"No babe. Binigay lang ng isang kaibigan ko yan kanina. Business partner din kami. And that boost--" anito at tinuro ang alak, "is one of those drinks na pinupuntahan sa club na pagmamay-ari ng isa ko pang kaibigan. Isa ako sa shareholders ng club kaya madalas, involve din ako sa business nya."

"Oww..." ani nya. Hindi makapaniwala na nags-share na ang binata tungkol sa mga pinagkaka-abalahan.

 May napansin siyang folder katabi ng alak. "Don't you need this?" tanong nya sabay taas ng white folder at nasundan nya ng tingin ang paglaglagan ng mga ilang piraso na bagay mula sa loob ng folder.

Pumulot sya ng isa at litrato ng magandang babae ang kanyang nakikita. Pumulot sya ng isa at isa pa ng pare-parehong mukha na kuha sa iba-ibang anggulo at okasyon ang mga litrato.

"Who's this?" kuryosa niyang tanong sa binata. Hindi kaya stalker ito ng babaeng nasa litrato o di kaya pinapa-imbestiga nito sa hindi nya alam kung ano man ang dahilan?

Nagulat sya ng nakalapit na pala ito sa kanya at umupo sa tabi nya para lang hatakin sya patayo at ilipat sa kandungan nito.

Naramdaman nya ang pagsaamyo nito sa mga buhok nya at yumakap sa kanyang manipis na bewang.

"Kelangan ko na bang kabahan kapag ganyan na ang mga tanong ng mapapangasawa ko?" panunukso nito.

Inikot nya ang mga mata. "May dahilan ba para kabahan ka?" nakataas niyang kilay na nilingon ito.

Fancy You [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon