Chapter Two - And the parents announced!

914 20 10
                                    

Sa buong duration ng drive pauwi sa tirahan ng mga Jung ay nagpakiramdaman lamang silang dalawa ni Jaehyun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa buong duration ng drive pauwi sa tirahan ng mga Jung ay nagpakiramdaman lamang silang dalawa ni Jaehyun.

Hindi na kasi siya iniimikan ng binata. Siguro ay focus ito sa pagda-drive dahil maulan pa din at madulas ang daan kaya nag-iingat lamang ito. 

Sa palihim na panunuod dito ay mukhang napatunayan niya na ngayon ang mga nabasa niya tungkol kay Jaehyun.

Kapag seryoso ang hitsura nito ay nakakatakot ito dahil mukha itong gwapong suplado at intimidating ang presensya lalo na't magkalapit sila.

Tumikhim siya para pasimpleng kunin ang atensyon nito ngunit hindi ito lumingon. Diretso at focus pa din ito sa pagda-drive.

Nakagat niya na lang ang ibabang labi.

Naisip niya na mas okay ng hindi na siya pinapansin ng binata basta't nakikita niya ito ng malapitan at naaamoy ang pabangong gamit nito.

Hindi niya namamalayan na nakatitig na siya dito.

Napaka-gwapo naman kasi talaga ng binata. Nagpa-dagdag pa ang kakisigan nito! Napakalapad ng balikat. And while driving, she observed na nagf-flex ang muscles ng mga braso nito habang nakahawak sa manibela.

Although she appears to have a tan skin, Jaehyun had a pale complexion. 

"Malayo pa ba tayo?" tanong niya ng mapansin na madilim na ang paligid.

Sumulyap ito ng mabilis at muling ibinalik ang tingin sa harapan. "Malapit na. Why? Did my mom texted you?"

Umiling siya pero ng ma-realize na hindi nito nakita ang ginawa niya ay nagsalita siya. "Hindi. Napansin ko kasi na madilim na."

Sumulyap ito sa rear window sa side nito. "Must be the rain." sagot nito at muling ibinalik ang atensyon sa harapan. 

Wala silang masyadong nasasalubong na sasakyan sa daan at naisip niyang baka puro private properties na ang nasa harapan.

"The highway looked scary Jay." ani niya.

"Kung ikaka-panatag ng loob mo, I assure that this road is safe. I had been driving here for God knows how many times at wala pa akong napa-balitang may hindi magandang insidente dito." seryosong sagot nito. "But I need to focus on my driving though para hindi natin masira ang record."

Tiningnan niya ito at hindi niya alam kung paano tatanggapin ang sinabi nito. He really looked so serious.

Hindi na siya umimik at sumandal nalang sa windshield sa gilid niya.

Lumipas pa ang ilang minuto ng may napansin na siyang mga lamp posts at mataas na gate mula sa harapan na tinutumbok nila. 

A seconds or so, Jaehyun beep the horn at maya-maya ay bumukas ang malaking gate. The rain is heavy pero nasulyapan niya ang malaking tahanan ng mga Jung. 

Fancy You [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon