Black.
Yan ang budhi ni Sharlene Pelaez.
She never failed to make my day infuriating.
Luckily, nung second year kami, she was not my classmate. Pero kahit ganun, di ako nakatakas sa kanya. Sa pang-bubully niya. Binigyan na ako ng luck, di pa sinagad. Juice colored!
Nung 1st year pa lang kami, notorious siya sa pagiging bully ng school. Nalaman din nila na isa siyang anak ng boss ng Mafia na Winterfell. Kintakutan tuloy siya ng mga tao sa school, yes, even our principal kaya tuloy-tuloy lang siya sa pang-bubully. Sino ba naman ang di mamatakot kung pwede kang ipapatay ng tauhan nila.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng Winterfell. Pero ang mafia ay isang syndicate. Ang mga sindikato, masasama kaya alam na kung bakit ganyan si Sharlene. Nung una, wala akong pakialam kung anak siya ng taga-Mafia, correction: leader ng Winterfell mafia. Akala ko iba siya, katulad din siya nila pala.
Wala pa naman siyang napapatay o napipilit na mag-suicide (baka ako yung first) dahil sa pang-bubully. Ako lang naman ang number 1 target niya. Parang ako pa yung nanakit sa kanya no? Dahil sa bullying, wala akong friend sa school. THANK GOD, yan lang ata ang benefit ko eh since hindi na ako mahihirapang palayuin yung mga schoolmates ko na gusto makipag-friend sa akin.
Hindi ko rin naman malaman kung bakit kahit na notorious si Bul-lene ay rumarami pa ang kanyang kaibigan sa school at followers sa twitter!. Para ngang may mini gang na siya sa school eh. Rami niyang mga alipores! At ang mga loko, sobrang loyal sa kanya. Ano pinakain nun at halos lahat ng utos niya, sinusunod?Pero hindi ako naiinggit sa kanya. Siya na maraming friends. Pagtataksilan lang naman niya sila in the end, like what she did to me. I remembered na takot lang pala ang nagba-bind sa kanya at sa mga utusan niya.
Speaking of friends, second year naman ako nagkaroon ng stalker. Well, hindi naman talaga siya stalker pero more like FC--Feeling Close. His name is Jairus Adamanzel. Mahilig din siya sa anime kaya minsan napagtitiyagaan ko na. Kahit, nagawa ko na lahat ng dahilan to avoid him sa lunch break dahil lagi niyang gustong sumabay.
Ayos lang sana ang makisabay pero tengene dre, nakikishare pa ng food. Buti na lang pinapalitan naman niya. Akala tuloy ng iba naming classmates best buddies kami--urk.
Pero naawa rin naman ako sa kanya, nadadamay kasi siya sa pangbubully sa akin ni Sharlene. Tsaka kailangan pa niyang pakisamahan ang isang snob na katulad ko. Desisyon niya yan eh. There's always a 'no' option, di ba? Ilang beses ko na rin siya tinaboy pero persistent siya na maging kaibigan ko.
"Anime lovers of the same feathers stick together." Jairus told me, "Kakaunti lang tayong mahilig sa anime, games at manga dito no!"
I sighed at him, "Fine, pwede ka nang sumabay sa akin sa lunch. Pero please, don't misinterpret this, hindi tayo 'friends'."
"Okay...Buddies na lang tayo." He told me with a wide grin, parang kay Luffy. 'Ka-brain din niya si Luffy.'
"May sinasabi ka?"
"Nisekoi."
"Kirisaki Chitoge forever waifu."
"Are you a NaruHina or NaruSaku? Diyan nakadepende kung itutuloy ko pa ang pakikipag-usap sa 'yo."
"NejiTen." I bro-fisted him.
"Ipapakilala kita sa iba pang mahihilig sa anime society dito sa academy!"
"Talaga?! How about... no. I do things alone." I walked out pero parang si Luffy, he keeps on befriending me.
The funny thing about Jairus, hindi siya takot kay Sharlene. Naalala ko yung isang encounter nakipag-sagutan pa siya. Though, he was still bullied in the end. Resulting na kami ang 2 guys or 2 people in the whole Haiji Academy na hindi basta-basta pwede kausapin or else, next target ni Sharlene.
Ako, hindi rin ako takot kay Sharlene. Hindi lang ako mapagpatol lalo na sa babae. Ay hindi pala siya babae, bigoteng tinubuan ng mukha siya. Kaya kahit anong tulak niya sa akin habang naglalakad sa hallway. Kahit anong tago niya ng psp ko sa cr ng babae. Kahit pinapahiya niya ako sa harap ng madla. Hindi ko siya papatulan. Though, alam kong may hangganan ang pasensya ko. Hindi ito bottomless iced tea!
Tinuruan kasi ako ni Mama na huwag mananakit ng babae or kahit naman lalake. Ayan tuloy, ako lagi ang nasasaktan. I respect my mom's teaching very much kaya I do my best to follow her. Mama's boy na kung mama's boy. Wala akong pakialam.
Hindi naman kasi masama ang budhi ko.
Hindi kasing itim ng budhi na kagaya ng kay Sharlene.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Daughter
RandomNash was a certified nerd. Nerd in terms of anime, manga, video games , books and movies. In short, an otaku. Sharlene was the biggest bully of Haiju Academy plus the heiress of the Winterfell Mafia. If their path crossed once more, will it be a dis...