Chapter 1..

68 8 0
                                    

Chapter 1..

AFTER TWELVE YEARS..

"Hey! What going on?!" malakas na hiyaw niya sa mga tauhan na nagkakagulo ilang pulgada ang layo sa kanila. Lalong naging doble ang bilis ng paghakbang niya papunta sa mga taong nagkakagulo ng marinig niya ang palitan na masasakit na salita.

Araw ng harbes ngayon sa kanilang malaking achienda at dahil busy ang kaniyang daddy siya ang napag utusan na magbantay sa mga tauhan nila. Hindi naman siya makatanggi, sumagi na rin sa isipan niyang dapat na niyang pagsanayan ang ganoong gawain dahilan wala ng ibang gagawa 'non kundi, siya!

"Sab! Wait!" hiyaw naman sa kaniya ni Ria. Ang matalik niyang kaibigan simula't pagkabata.

"Bilisan mo kasi! Dito lang kase sa rancho kung bakit naka high heels ka pang may nalalaman!" asik niya sa kaibigan. Patuloy parin sa paghakbang. Sanay na ito sa kasungitan niya.

"Hoy girl! May usapan na magmo mall tayo ngayon!" Asik na sagot naman nito sa tinuran niya habang nagmamadaling naglalakad pasunod.

"Mall nga! Pero ang itsura mo para kang ilalaban sa miss universe! Hala! Dalian mo!" naiiritang sagot.

"Heto nga.. Heto na.. Dami pa kaseng sinasabi, parang 'di muna 'man ako kilala. Ito na nga lang ang nagpapasaya sa 'kin.." kahit hindi niya nakikita ang mukha nito tiyak malamlam ang mukha nito.

Si Ria ay kaniyang kababata, lumaki sila nito na magkalaro, magkaibigan at higit sa lahat magkaibigan na matalik ang mga magulang nila idagdag pang nag aral sila sa iisang school lang.

Sa subdivision sila nakatira at limitado lang ang mga nakatira doon kumbaga sa pagkakaalam niya; mga mayayamang tao lang ang pinpayagan manirahan sa subdivision na 'yon. Hindi nga siya magtataka. Ang laki ng subdivision na ngunit tila ba sampung bahay lang ang nakatira at naglalakihan.

"Wait! Ang bilis mo kaseng maglakad! How can I follow you Sab?"

"Mag paa ka!" hiyaw niyang sagot ilang hakbang mula sa kinaroroonan ng huminto siya saglit. Hindi nga niya alam kung narinig ba nito ang hiyaw para sa kaibigan. Kailangan niyang abutan ang mga taong nagkakagulo para malaman ang dahilan, hayun at kitang kita parin niya ang mga taong nag uumpukan at nag isyusuhan.

Sa wakas nakahinto din siya sa harapan ng mga ito ngunit habol hinga naman siyang nakatayo at nakatunghay sa mga tao.

"Anong meron?! Anong kaguluhan 'yan?!"masungit na sigaw niya, matapos mabilis na nagharapan ang mga taong hindi namalayan sa paglapit niya.

"Ah.. Ma'am Sabrina.." dinig niyang sabay-sabay na ulas ng mga taong nagharapan sa kaniya.

"Naku ang sungit pa naman  bata na 'yan." bulong ng isang matanda na hindi naman nakaligtas sa tenga niya.

Agaran umakyat ang galit sa sentido niya! Bastos 'man, galit na dinuro niya ito at saka matalas na nagsalita.

"Pakiulit nga kung ano ang sinabi mo tanda?!"

"Ah, ah.. E... ma'am... Pasensya po." kandautal na wika nito.

"Ayoko ng makikita ang pagmumukha mo sa tubuhan na 'to, tanda!" bulyaw niya sa matandang tinatagakgak ng pawis. Hindi niya alam kung dahilan sa pawis o takot sa kaniya.

Naramdaman niya may humawak sa dulo ng baraso niya. Si Ria..

"Huy! Matanda na 'yan! Hindi muna lang hayaan. Bakit ka magdedesisyon ng ganoon ka bilis Sab?" dinig niyang pigil na sabi nito sa likuran niya.

Nilingon niya ito at pinagdilatan ng dalawang mata matapos malakas na hiniklat niya pabawi ang hawak nito sa baraso niya.

"Ayoko ng makikita ang pagmumukha mo rito, hu'! Naiintindihan mo ba ako? Go!" Malakas na sabing taboy niya. Mabilis naman tumalima ito patalikod sa kaniya. "Kayo! Anong tinitingin -tingin ninyo? Gusto ninyong masesante?" baling na duro niya sa mga ibang nakatunghay sa kanila ni Ria.

Matapos bumaling siya sa kung anong nakapansin ng atensyon niya kanina. "Anong meron at nagkakagulo kayo? Hindi kayo binabayaran ng magulang ko para aksayahin ang mga oras sa walang ka kwenta-kwenta!" Malakas na hiyaw niya sa mga ito.

"Si Asteng po kase ma'am Sabrina, balak po niyang agawin ang pwesto ko ganoong ako naman po ang nauna sa pwesto na iyon." Sumbong ng isang tarahabador nila.

Bumaling siya ng tingin sa idinuro ni Carding. Nakita niyang umiling bahagya ang lalaki bago magsalita, "Walang sino 'man ang puwedeng pumigil sa 'kin dito kung saan ako puwedeng magsimulang magtabas ng tubo Carding! Dahil wala pa 'man kayo, naandito na ako!" Matapang na sagot naman nito.

"Ibig sabihin ibinabase mo ba Asteng kung gaano katagal ang paninilbihan natin kila Donya Juancho at Don Clarita? Hindi na ba kami puwede magsalita? Ganoon ba? Kahit may mali ka?" sagot naman ng babaeng nasa likuran ni Carding at 'di s'ya nagkakamaling asawa nito iyon.

"Tumahimik ka Kasyeng!" bulyaw na dinig niya kay Asteng na tila ba wala siya sa harapan ng mga ito.

Tila ba walang ibig patalo sa mga ito kaya malakas siyang nagsalita.

"Siguro hindi ko na kayo kailangan sa achienda imperial. Makagugulo lang kayo sa achienda kung hindi kayo magkakasundo. Huling kita ko na sa mga mukha ninyo dito." diretsyang wika niya.

"Ma'am Sabrina huwag naman po. Paano naman ang mga anak namin? Paano kami mabubuhay? Minahal na namin ang achiendang ito, maliit ka pa lamang nandito na kami. Huwag naman ganoon lang kadali sa'yo na aalisin mo kami sa achienda n'yo. Maawa ka iha.." mahabang paliwanag ni Kasyeng sa kaniya.

"Matalas talaga ang dila mo Sabrina." si Asyeng na nakangisi pa.

Itsurang hindi niya nasindak sa madaliang dedisyon. "Iba talaga ang mayayaman, kahit gaano katagal na nanilbihan mawawala iyon sa isang iglap pag iba na ang pumalit sa pwesto." matapos narinig niya malakas na pumalatak ito.

"Bastos ka! Nag iisa akong anak ng mga magulang ko! Kahit balik baliktarin ninyo ako ang papalit sa p'westo nila! Sino ka para pag salitaan ako ng ganyan?" hindi 'man lang siya natakot sa hawak nitong panabas na kahit anong oras puwede siya nitong saktan.

Imbes na maawa siya lalong sumigid sa isipan niya na kailangan hindi siya maawa sa mga taong hindi marunong rumespeto sa kaniya.

"Masanay kayo kung sino ang makasasalamuha na ninyo dito!" nangangalit pangang hiyaw niya sa mga ito. "Ito na ang last na makikita ko kayo! Lalo na ikaw Asyeng!" sabay turo niya sa lalakeng madilim ang paningin na nakatingin sa kaniya.

"Hindi ako aalis sa achienda'ng ito! Kung ikaw ang magpapaalis sa akin malabo mo akong mapaalis ng ganoon na lang Sabrina!" matapang na sagot nito. Lalong nag alon ang dibdib niya sa galit. Parang pinapahiwatig nito na wala siyang karapatan sa pagmamay-ari nila.

"Sab.. Alam mo ba sinasabi mo? Matagal ng mga tauhan 'yan sa achienda n'yo. Bago ka magdesisyon mag usap muna kayo ni tito." Ulas nito sa likuran niya na sila lang ang nakaririnig.

Hindi siya papayag na babastusin na lanmang ng mga taong mababa ang pinag aralan! Siya si Sabrina! At hindi siya puwedeng pangungunahan na kahit sino 'man!

To be continued..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet SeductionWhere stories live. Discover now