Chapter 1

89 3 1
                                    

[Addison's POV.]

6:00 in the morning.

"Good morning, Mom and Dad! Nakatulog ba kayo ng maayos?" bati ko sa kanila at humalik ako sa pisngi ni Mommy and Daddy.

"Yes, baby!" nakangiting sagot ni Mom. Nakahawak ang kamay nito sa baywang ni Daddy. Likas na malambing si Mom kay Dad.

"Halika na, mag breakfast na tayo. Mukhang masarap ang luto ni Yaya Siony," anang ko.

"Yes, baby. Manang Siony is the best yata e," anang ni Mom.

"Wait, where's Mamita? Have you seen her, Mom? Yaya, can you call Mamita for us? Thank you."

Agad naman umalis si Yaya upang tawagin si Mamita.

"Hi, good morning dear! Good morning, everyone!" bati ni Mamita.

Umupo na kami sa harap ng mesa at kumain. Maya-maya pa ay nagpaalam na ako upang maligo na, dahil papasok pa ako sa School.

"Mom!? Can I borrow your car? Flat po kasi ang gulong ng car ko," paalam ko kina mommy at daddy.

Nagmamadali na ako ng mga oras na iyon dahil baka traffic na naman sa daan. Galing pa ako ng Alabang papunta sa School ko sa Gil Puyat.

"Okey baby, sasabay na lang ako sa Daddy mo," aniya.

"Thanks, Mom! I gotta go." at nagmamadali na akong umalis.

Sina Mommy at Daddy ay iniwan ko na habang nagbibihis pa ang mga ito. Araw-araw ay ganoon na lagi ang routine namin. Tanging si Mamita na lang lagi ang naiiwan sa bahay kasama sina Yaya Siony at Manang Loleng na kasambahay namin. Si Yaya Siony ay ang yaya ko simula noong bata pa lang ako. At ang asawa nitong si Mang Gido ang driver ko. Kasalukuyang may sakit ngayon si Mang Gido kaya naman ako na lamang ang magmamaneho ng kotse ko.

"Ano ba 'yan, traffic pa." Hayss, c'mon! Bakit ang tagal umusad naman!" sabi ko.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at sumilip ako kung gaanu kahaba ang traffic. Maya-maya pa ay nakaalis rin ako roon.

Ipinarada ko ang kotse sa labas ng school. Nakita ko sina Trina, Ashley at Axl na mga kaibigan ko sa may gate ng school kaya nagmadali akong bumaba ng kotse. Binilisan ko ang lakad ko upang mahabol ko ang mga ito.

"Hey! Guys! Wait for me!" sigaw ko at sabay-sabay naman itong lumingon. Habang palapit ako sa mga ito ay nakita ko na naman ang ngiti sa mga labi ng baklang si Axl.

"Hoy, ano ka ba! Anong ngiti na naman 'yan bakla ha!?" Sabay hampas ko sa braso nito.

"Ang ganda mo, girl! Nakakainis ka na, kailan ba kita mahihigitan babaita ka ha? Walang-wala ang fezlack ko kahit anong gawin ko hindi ko magaya ang mala-Angelika Dela Cruz mo girl!" anito. Inirapan ko pa ito at nagkatinginan pa kami nina Trina at Ashley.

"O siya, tama na ang bolahan. Let's go, guys. Baka naroon na si Proffesor Migz," anang ko at inakay ko na ang mga ito.

"Hi, chicks! Witwiw!" patutsada ng mga lalaki sa daan habang papunta pa lang kami sa classroom. Nginitian ko naman ang mga ito. Nakita ko pa na inirapan ni Trina at Ashley ang lalaki kaya pa-simple na lang akong natawa sa mga ito.

"Good morning, Prof. Migz!" sabay naming bati sa Proffesor namin. Umupo na kami sa silya at nakinig sa mga turo ni Prof.

"Girl, gala tayo mamaya after class," bulong ni Axl sa akin habang nagtuturo si Prof.

"Husshhh, huwag ka nga maingay," saway ko rito.

"Silence please!" sawata ni Prof. Migz ng marinig kaming nag-uusap. Umayos ako ng upo at yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Maging si Axl ay natahimik na rin.

Pagkatapos ng klase ay umupo muna kami sa bakanteng upuan sa lilim ng puno. Naroon din ang ibang estudyante at kanya-kanya silang dala ng books upang basahin. Ang iba naman ay kasama ang kanilang mga kasintahan. Nagmamasid lamang ako sa mga ito.

"Ano na girls!? Magtititigan na lang ba tayo rito? Let's party!" ani Axl.

"Ikaw talaga bakla, wala ka na ibang maisip kundi party. Manahimik ka nga riyan," saway ko rito.

"Oh, sige na nga. Tawagan ko ng ang driver ko, anito at tumayo ito at kinawayan ang driver nito.

Mayaman din ang pamilya ni Axl. Tanging Mommy na lang niya ang kasama niya sa buhay, may asawa na rin kasi ang Ate niya kaya bumukod na ito ng bahay. Ang Daddy naman nito ay inatake sa puso kaya maaga itong namatay. May sariling kompanya sila at siya ang magiging tagapagmana at magpapatakbo nito sa oras na makatapos na siya sa pag-aaral ayon sa kaniya. Ngunit hindi niya siniseryoso ang kaniyang pag-aaral. Hindi niya gusto na mag manage ng kanilang kompanya dahil mas gusto ni Axl ang magtayo ng Sariling Beauty Salon.
Sina Ashley at Trina ay nagpaalam na rin. Naglakad na rin ako kung saan naroon ang kotse ko.

Pagdating ko sa bahay ay si Mang Gido ang nagbukas ng gate. Binuksan ko ang bintana upang kumustahin ito.
"Hi, Mag Gido! Kumusta na ho kayo? Mabuti at maayos na ho kayo." anang ko rito.

"Opo, okey na ako senyorita. Maipagmamaneho na kita bukas." anito at isinara na nito ang gate.

Dumeretso na ako sa parking at ipinarada roon ang sasakyan.
Pagpasok ko sa sala ay naroon si Mamita. Humalik ako sa pisngi nito at umupo ako sa sofa.

"Hmm, hello Mamita! How's your day?"

"Okey naman apo, nag meryenda ka na ba?" tanong nito.

"Not yet, Mamita," kinuha ko ang remote at naghanap ako ng magandang palabas.

"Anu ba 'yan wala man lang akong magustuhang panoorin," inilapag ko ang remote sa table at nagpaalam muna ako kay Mamita upang magbihis ng damit.

"Magandang hapon ho, Senyorita." bati ni Manang Loleng. Pababa ito sa hagdanan marahil ay naglinis ito sa kuwarto ko o sa kuwarto ni Mamita.
Nginitian ko ito sa dumeretso na ako sa kuwarto ko.

Naghubad ako ng damit ko at pumasok ako sa banyo. Naligo muna ako sandali at maya-maya pa ay bumaba din ako upang mag merienda.

"Where's Yaya Siony, Manang Loleng?" tanong ko rito. Madalas kasi na siya ang nag-aasikaso ng meryenda namin ni Mamita.

"Ahmm, nasa palengke pa po sila ni Andrew, Senyorita."

Ang tinutukoy nitong Andrew ay ang hardinero naming bago. Bata pa ito siguro ay nasa kuwarenta anyos ito. At ayon kay Manang Loleng ay wala pa itong asawa.

"Mamita, let's eat." Nilapag ko ang isang basong juice sa tapat ni Mamita.

Sixty-seven years old na si Mamita. Malakas pa naman ito at walang sakit.
Uminom ako ng juice at bigla kong naalala na malapit na nga pala ang birthday ko.

"Mamita, malapit na ang birthday ko!" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at tumalon - talon pa ako sa tuwa.

"Oo, hija." nakangiting sabi nito.
"Twenty-three na ako Mamita. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ako nag debut sa Shangri-la Hotel," sabi ko rito at paikot-ikot pa ako habang inaalala ko noong sumasayaw ako sa 18th roses at may mahabang gown.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Darkes't NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon