Tanga

7 1 12
                                    


Tanga (Marupok Chapter III)
:LadyNavi

Nakakatawa.
Ang sabi ko hindi ko na siya tatanggapin pa.
Pero heto na naman ako ngayon,
nag-re-reply sa mga chat niya.

Sinabi ko sa sarili ko na tama na,
Pero ewan...kasi umulit pa.
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang panloloko na 'to.
Ang tanging mahalaga lang sa akin ay masaya ako.

Ang tanga ko 'di ba?
Pero pwede ba sa next chapter nalang kayo kumontra?
Dahil kinikilig pa ako ngayon eh,
Sa mga matatamis niyang salita.

©LadyNavi

Marupok (Compilation of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon