Marupok

11 4 16
                                    

Marupok
✍ : LadyNavi

Isa, Dalawa, Tatlo.
Oo,marupok ako.
Anong magagawa ko?
Mahal ko yung tao.

Mahal ko siya kahit paulit-ulit niya akong niloloko.
Mahal ko siya kahit ilang beses pa niyang paglaruan ang puso ko.
Mahal ko siya kahit alam kong pampalipas oras niya lang ako.
Mahal ko siya kahit ang nilalaman ng puso niya ay hindi ako.

Sa bawat pagtulog ko, laman ng isip ko ay siya.
Sa panaginip mukha niya ay nakikita.
Sa paggising hinahanaphanap ko siya.
Isang malaking kingina.

'Pagba-kinalimutan ko siya magiging okay na ako?
Kasi pakiramdam ko magugunaw ang mundo ko pagnawala siya sa piling ko.
Wala akong pake kung habang kami ay may minamahal siyang iba,
Oo masakit,pero anong magagawa ko ang puso ko ay minamahal siya at wala ng iba.

Apat, lima, anim.
Kailan ko ba itatamin?
Sa isip ko na hindi siya nakatadhana saakin,
at hindi ako ang gusto niyang makapiling.

Pito, walo, siyam.
Pampalipas oras niya lang ako at aking ramdam na ramdam.
Na 'pag-iniwan siya ng taong mahal niya,
Babalik siya sa akin at hihingi na tawad at sasabihing ako lang ang mamahalin niya.
At ako namang si tanga,tatanggapin at paniniwalaan ulit siya.

Sampu.
Sa bawat pagdaloy ng mga luhang tumutulo.
Parang sinaksak ang aking puso pero walang tumulo na dugo.
Ngayon na pagtanto ko na hindi ko na siya babalikan pa.
Hindi na ako pagpapaloko sa mga matatamis niyang salita.

Kasi pagbumalik siya dahil binaliwala nanaman siya ng taong mahal niya,
hindi ko na siya i-wewelcome pa.
Hihintayin ko na lang ang taong sa akin ay tinadhana.
At don na ako magmamahal at magtitiwala ng sobra.

Dahil alam ko na pagdumating ang taong tinadhana para sakin,
Hindi niya ako lolokohin,
Parati niya akong mamahalin.

Paggising niya sa umaga ako ang kanya iisipin.
Sa kanyang panaginip ako ay nandon din.
Hihintayin ko siya.
Hinding hindi na ako magiging marupok pa.

-
©LadyNavi

Marupok (Compilation of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon