Ilang araw nasa tabi ni Rei si Grey. Wala nang takas si Rei dahil alam na ni Grey ang sitwasyon niya.
Paano pa kaya kapag nalaman ni Semi ang tungkol sa sitwasyon ko?
Napailing iling si Rei dahil sa tanong niya sa isip. Natatakot si Rei sa pwedeng mangyare kay Kael kapag nalaman ni Semi ang tungkol sa kanila lalo na kay Xash.
Kilala ko si Semi. Madaling magalit yun kapag nakita niyang nasaktan ako! Hindi pwedeng malaman ni Semi ang nangyayare sa akin!
"Ms. Ytalia."
Napatingin si Rei sa isang katrabaho niya.
"Yes , Tiff?"
"Pinapatawag po kayo ni Sir Grey. Pumunta daw po kayo ngayon sa opisina niya."
Tumango si Rei "Thank you."
Nagpaalam na si Rei sa kaniya at pumunta agad si Rei sa opisina ni Grey.
"Come in."
Pumasok na si Rei nang kumatok siya. Nakita niya si Grey na nakaupo sa upuan nito at umangat ng tingin kay Rei.
"You're here."
"Malamang nandito nga ako!"
Ngumiti lang si Grey sa kaniya "Have a sit."
Sumunod naman siya "Uhm ... May kailangan ka?"
Tinitigan siya ni Grey "I need you."
Napasinghap si Rei "Gago! Tigilan mo ako dyan sa I need you mo! Sumeryoso ka! Anong kailangan mo?!"
"Cut the gago."
"Alam mo ba kung bakit G yan Grey mo?!"
"Ano?"
"G tapos Gago! So Gago ka!"
Dumilim ang mukha ni Grey "I'm not a gago, Rei." .
"Ah hindi! Gago ka! Yawaness ka! Denideny pa eh gago ka naman talaga!"
"Say it again. I'm going to kiss you."
"Gag—Ano?!"
Natigilan si Rei dahil sa banta ni Grey sa kaniya.
"Psh! Akala mo naman kung kaya mong halikan ako! Kaya ka iniwan ng fiancé mo dahil hindi ka marunong humalik!"
Nagsalubong ang kilay ni Grey "Marunong ako, baka gusto mo lang na gawin ko sayo kung paano humalik."
"Gago ka talaga noh?!"
"Stop saying gago."
"Gago! Gago! Gago! Gago!"
Tumayo si Grey at nilapitan niya si Rei at bumilis ang pagtibok ng puso ni Rei dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Grey sa mukha niya.
"Say it again."
"H-hindi mo naman kaya noh? A-atsaka ilayo mo nga ang mukha mo sa harapan ko! Akala mo naman marunong humalik pero hindi naman—"
Nanlaki ang mga mata ni Rei na biglang siniil ni Grey ang mga labi ni Grey.
Nanghihina si Rei dahil sa halik sa kaniya ni Grey. Hindi niya maigalaw ang katawan niya dahil sa paninigas nito sa kinauupuan niya.
"Damn baby. You're gonna drive me crazy baby."
Napalunok si Rei. Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil hindi niya nagawang itulak si Grey.
Napapikit na naman ulit si Rei na halikan siya ulit ni Grey. Wala sa sarili si Rei na tinugon niya ang mga halik ni Grey sa kaniya.
"Damn. Ikaw pala hindi marunong humalik."
Ramdam ni Rei ang pamumula ng mukha niya dahil sa hiya.
"But ... It's okay. I like your lips. It's ... delicious."
Biglang may kumatok kaya mabilis na tinulak ni Rei si Grey. Nakita ni Rei si Phoebe na pumasok. Natigilan si Phoebe na makita ang dalawa ngunit ngumiti din si Phoebe.
"Good afternoon po. Sir Grey, nandito na po yung pinapamigay ni Mr. Alerajos po." Sabay inabot ang envelope.
"Thanks."
"Opo sir." Saka tumingin si Phoebe kay Rei "Chikahan mo ako mamaya." Bulong nito saka nagpaalam na umalis
Tinalikuran ni Rei agad si Grey ngunit natigilan siya na magsalita si Grey.
"Hindi kaba magpapaalam sa akin?"
Nilingon siya ni Rei ngunit nasa hiya ang nasa mukha niya.
"B-b-babalik na po ako sa opisina k-ko."
Saka mabilis na lumabas si Rei at doon siya nakahinga ng maluwang hanggang sa makarating siya sa opisina niya.
Napahawak si Rei sa bibig niya at wala sa sariling napangiti siya.
"Yawaness ka Rei! Bat pa ang rupok mo?! Halik lang yun at walang ibig sabihin yun!"
Sabi ni Rei sa isip niya at napaisip siya.
Infairness! Marunong pala humalik ha! Tapos ang sarap pa niyang humalik!
TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.
![](https://img.wattpad.com/cover/268042582-288-k519974.jpg)
BINABASA MO ANG
Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)
RomansaCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started: May 7 , 2021 --- Finished : May 22 , 2021 Ghinost si Rei. Hindi lang ghinost kundi niloko. Hindi alam ni Rei na kahit patalikod si Rei ay may tumatraydor sa kaniya. Hindi makapaniwala si Rei na kayang...