KABANATA 1

6 5 0
                                    

KAPALITAN

Ay putanginang araw ito oh! Daming gawain! Hindi sa tamad ako, pero hindi ko kayang magtrabaho ngayon. Hindi yung trabahong sasahod Huh?!

Yung trabahong magpapalinis ng bahay mo. Hindi naman kasi talaga ako tamad. At the age of 17 years old, ay marami narin akong ginagawa, hindi ako laki sa mayamang pamilya. Pero Espesyal ako. Gets niyo!.

Nasa isang probinsya ako, at ang kasama ko dito ay ang mga magulang ko. Yung lola ko, ay nasa manila.

Mayaman ang lola ko, at higit sa lahat mabait siya. Napaka-ganda nang kalooban niya. Hindi sa binubuhat ko siya, dahil lola ko siya. Sinasabi ko yan kasi yan ang totoo.

Kaso nga lang n hindi ako lumaki sa kanya, hindi ako lumaking mayaman dahil mas pinili namin ng pamilya kong, mag-sarili at mamuhay ng payapa.

Simple lang, walang iniisip na problema. Kaso nga lang nitong mga nakaraang araw, bigla kong naisip. Paano kaya kong namuhay ako sa paraan ng pamumuhay ng iba? Magiging masaya pa din kaya ako.

Mararanasan ko pa kayang mamroblema araw-araw. Siguro, hindi ganun kaperpekto, ang buhay na meron ako. But I'm surely happy and contented.

Pero hindi ko maiwasang mag-isip na kung ano-ano. Lalo pa't lagi kong nakikita yung kapitbahay naming mayaman, na patawa-tawa lang.

"Ano ka ba naman Sam! Bakit ka nakahilata dyan? Pumunta ka sa poso! Maglaba ka!" utos ni mama. Si mama ang dahilan kong bakit kami nagdesisyon ni Papa na dumito na lang at wag nang aalis. At yun din ung oras na, kailangan nang iwanan ni papa ung buhay na kinagisnan niya.

But he did not regret his decision. Hindi niya pinagsisihan, dahil naging kuntento naman kami. Sinusuportahan naman padin kasi kami ni Lola. Syempre nag-iisa siyang lalaki, sa kanilang magkakapatid.

"Ano ka ba naman din Ma! Ang init init nang panahon, tapos paglalabahin mo ako! Hindi ka man lang naawa sa kutis ko!" pagmamaktol ko.

"Anong ikaka-awa ko dyan? Eh! Hindi ka naman maputi anak! Kaya sundin mo na ngayon ang utos ko, bago ka pa malintikan." ma otoridad niyang sabi.

Wala naman na akong nagawa dahil, utos niya. Pagpasok ko sa banyo, kinuha ko lahat ng mga maruruming naming damit.

Dumiretso ako sa baba, para maglaba sa poso. Sana'y ako sa ganitong gawain dito sa probinsya. Hindi kasi uso kela mama, yung mga tangke, power spray at pomp. Dahil wala naman daw kaming budget para doon. Mas mainam padin daw kasi yung ganito.

Anong mas mainam dito! Eh! sumasakit yung braso ko, kakabumba. Mabuti na lang at malakas yung tubig na lumalabas. Hindi patak-patak kaya maayos.

Ang probinsya kasi ni mama ay Pangasinan. Kaya malamang sa malamang ay probinsya siya. Nakaka-access ka naman ng internet pero hindi ganun kalakas, sapat lang para makapag send ka ng chats ang messages.

Hindi kasi kami sa lungsod nakatirik ang bahay namin, nasa liblib kaming lugar, kung saan masasabi kong payapa ang lahat.

"Wag mong gawing makina ang kamay mo hah! Mamaya matalo mo pa yung washing machine ng kapitbahay natin, dahil sa bilis mong maglaba. Ayusin mo yan huh!" rinig ko pang sigaw ni mama mula sa malayo.

Nasa baba lang kasi ng bahay itong puso, nga ilang metro lang din ang layo sa bahay, kaya medyo rinig pa yung sigaw niya.

"Grabe ka naman ma! Wag kang mag-alala, magiging malinis ang lahat, kong sasamahan mo ako!" balik kong sigaw sa kanya.

Nag-umpisa na akong magbumba, para mapuno nang tubig yung batsa. Una kong nilagay ang puti, at Tsaka ko linagay sa semento yung mga De-Color. May lalagyanang semento Kasi sa gilid ng bomba, kaya pwedeng pagpatungan kong sakali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Guardian Where stories live. Discover now