CHAPTER 1

141 2 2
                                    

Kung sana sinabi ko sa'yo na mahal kita, na gusto kita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung sana sinabi ko sa'yo na mahal kita, na gusto kita. MAagiging akin ka kaya?

Ilang oras na akong nakaharap sa laptop na mukha mo ang nasa screen. Ilang oras na ring tumutulo ang mga luha ko na tila ayaw ng tumigil.

Naaalala ko pa ang mga panahon na ako'y pinapansin at kinakausap mo pa. Nong ilang beses mo akong dinala sa clinic sa school dahil nahihimatay ako kapag dumadalaw ang mens ko. 

Naalala mo pa ba ako? Na minsan ay naging bahagi ako ng buhay mo?

Ikakasal ka na habang ako naman ay ngayon lang naalala o ngayon lang nasampal ng katotohanan na mahal kita. Sobrang mahal kita na kaya kong iwan ang buhay ko dito sa ibang bansa para bumalik sa'yo para makasama ka.


Mahal kita. Sobra.


12 years ago:

Malapit ng mag-umpisa ang pasukan at excited na ako at mga pinsan ko.

Sa wakas ay high school na kami. Hindi na nilalakad yong school namin dahil malayo na ang high school sa baryo namin.

"Don naman tayo sa bahay niyo. Gusto ko rin makita 'yong bag at notebooks mo." excited na sambit ko sa pinsan kong si Lea.

"Ok. Then punta tayo kina Janeth after." tugon naman nito.

"Sure." tugon naman ni Janeth.

That's how we spent our afternoon, a day before school started.

Ginagawa namin itong magpinsan kahit nong grade 1 pa kami. Excited dahil may mga bago kaming school supllies. 

"Sayang naman at hindi tayo magkasama sa iisang section Audrey." wika ni Lea.

"Oo nga eh. Sabay naman tayong nagtake ng entrance exam." sambit naman ni Janeth.

Napabuntong hinga na lang ako. Di ko rin alam kung bakit di ko sila makakasama sa isang section pero at least nasa iisang school pa rin kami.

Gabi na ng makauwi siya. Ready na ang uniform niya at ng nakakatandang kapatid niyang lalaki. 

"Matulog kayo ng maaga para di kayo puyat bukas. Jay, wag mong kalimutan na i-check tong kapatid mo sa classroom bukas." paalala ng ama nila.

"Opo pa." tugon nito sabay.

"Sabay na po pala kami nina Janeth at Lea bukas papuntang school." wika ko. "Good night po." dagdag ko at dali-daling nagpunta na ng kwarto. 

TADHANAWhere stories live. Discover now