CHAPTER 2

41 1 1
                                    

After 10 years

Nakauwi na ko galing sa Saudi. Limang taon din akong naging nurse don. And first time kong umuwi. Kailangan pa kong pilitin nina mama.

I worked my butt off. Halos wala na akong day off. It's not that ayokong mag-day off. Wala lang talaga akong magawa pag nasa apartment ako. Minsan lumalabas kami ng mga kaibigan ko na nurse rin pero minsan lang dahil hindi kami parehas ng mga schedule.

Ang daming tao sa bahay kaya't naisipan ko na lang na magkulong sa kwarto. Si mama na ang bahala sa mga pasalubong na dala ko.

Nakikinig ako ng mga opm sa youtube ng may matanggap akong message sa facebook.

"Bruha ka. Nakauwi ka na pala."

Natawa naman ako. Si Lea yung nag-text.

"Kakarating ko lang."

"Yong pasalubong ko"

"Kunin mo dito sa bahay."

"Paakyat na ko ng kwarto mo."

Napailing na lamang ako. At bumukas ang pintuan ng kwarto.

"San na ang pasalubong ko? Hindi mo man lang ako tinext para ako nagsundo sa'yo." pagmamaktol nito.

"Anjan sa pink na paperbag ang pasalubong mo." turo ko sa bag na nasa mesa ko. " Mag-iingay ka lang sa airport. Wag na lang."

Nagkatawanan naman kami.

"Magbihis ka na at may pagtitipon ang tropa." wika nito sabay bukas ng paperbag.

"Pagtitipon talaga?" natatawang tanong ko dito.

Napasigaw pa ito ng makita ang air pods sa loob ng bag.

"Sakin talaga to?" tuwang-tuwang tanong nito.

"Opo." nakangiting tugon ko naman dito. " At anong pagtitipon? Sinong tropa?"

"High school classmates natin. Bilis na." sambit nito sabay hila sakin patayo ng kama.

"Pagod ako."

"Wag kang maarte. Nasabi ko na sa kanila na pupunta ka." tugon naman nito. Inis na nakatingin sakin.

"Di pa ko nakapagpaalam kina mama at papa."

"Pinagpaalam na kita at saka naghapunan ka na rin daw."

Napabuntong hinga naman ako.

Nagpaalam ako dito na maliligo na muna. Hindi ako makapali. Hindi ko rin matanong kung pupunta ba si Pablo.

"Ano bang pagtitipon to? Ano bang meron?" tanong ko dito ng makalabas na kami ng bahay.

"Eh di ba. Engage na si Pablo. At saka may boyfriend na si Janeth. Si Jimmy at Ramon naman ay kakapanganak lang ng mga asawa. Si Kaye naman ay papunta na sa Canada at susundan na yong asawa niya."

Tumango na lamang ako.

"Ayan na ang sundo natin." wika nito ng huminto ang sasakyan sa harapan namin.

"Hi Stell!" bati ni Lea sa nagda-drive.

"Hello Lea!" nakangiting bati nito sa pinsan ko. "Hi Audrey. Welcome home."

"Salamat Stell!" nakangiting tugon ko naman dito.

Sa likod ng sasakyan ako nakaupo. Katabi naman ni Stell si Lea.

"Susunduin lang natin si Pablo. Ok lang ba sa inyo?" tanong nito.

"Ok lang." sabay na tugon naming magpinsan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TADHANAWhere stories live. Discover now