I've Been Forgotten

14 6 0
                                    

KAEL'S POV

Bigla akong napabangon nang mag-ingay ang cellphone ko. Walangya 'yan, natutulog pa eh!

Hinanap ko ang cellphone ko sa kama at sinagot ang tawag.

"Ate naman! Ang aga-aga tumatawag ka, natutulog pa yung tao eh. Ano ba kailangan mo?" Asar kong sabi kay ate ngunit narinig ko lang siyang tumawa sa kabilang linya. Nakakatawa ba 'yon?

[Aba, wala man lang good morning? Tsaka anong maaga, lagpas seven na kaya.] Namulat ang mga mata ko sa narinig ko at tinignan ang phone ko, agad akong umalis sa higaan kaya lang namali ako ng apak kaya bumagsak ako sa lapag. Kinuha ko naman ang relo kong nasa lapag at dinouble check ang oras.

7:23 A.M.

Tumakbo ako para ilabas ang uniform ko. Narinig kong pinagtatawanan na naman ako ng ate ko sa telepono. Hindi ko siya pinansin at kumuha na ng tuwalya. Pagkapasok ko ng banyo at sinimulan ko na agad ang pagsisipilyo. Muli kong tinignan ang oras sa cellphone ko.

7:25 A.M.

[Kael? You still there?] Ibinalik ko ang phone sa tenga ko habang patuloy lang sa pagsisipilyo, kahit hindi ko siya nakikita naririnig kong nagpipigil siya ng tawa.

[Late ka na naman! Tignan mo, kung hindi pa ako napatawag baka hindi ka na makakaabot sa first subject mo.] Narinig ko pang humigop siya sa iniinom niya. Tumawag lang yata talaga 'to para mang-asar eh.

"Epal ka kamo, Ate!" Reklamo ko pagkatapos magmumog.

Nagtanggal na ako ng damit at mabilis na naligo. Lalo akong nagising sa malamig na tubig mula sa shower.

[Hoy Kael! Balita ko malapit na yung periodical exam niyo ah, nakapagreview ka na ba? Dapat nasa kalahati ang maiiscore mo.] Nagtuyo muna ako bago kinuha ang cellphone sa may lababo.

"Baka nga maperfect ko pa 'yon, eh." Sabi ko at lumabas na ng banyo para magbihis. Nang matapos, kinuha ko na ang backpack ko at lumabas ng kuwarto.

[Tae ka, muntik ka na kayang bumagsak last quarter. When you were in elementary, nakikipaglaban ka pa sa honors. Naghighschool ka lang, naglaho na.] Napakamot ako sa ulo ko sa sinabi ni Ate.

"Wala eh! Hanggang elementary lang kinaya ko eh, ang gulo kaya nung mga rules sa English ang dami dami iisa lang naman ng sinasabi." Pangangatwiran ko.

Hindi na ako humarap sa salamin at lumabas na ng unit, saka dumiretso sa elevator.

[Kaya nga pala ako napatawag, gusto mo bang sumama? Pupunta kami kila Mama bukas, balikan lang naman. Birthday niya, ah.]

Mabilis naman akong pumasok at pinindot ang ground floor. Sumandal lang ako sa pader at pinanood na sumara ang mga pinto. Bahagya kong hinawi ang buhok ko nang makita ang repleksyon ko.

"Wag ako, ate, kakabirthday lang ni Mama last month. Gusto mo lang yata ako pasamahin eh."

[Eh, sumasama ka lang kasi pag may occasion. Parang naman hindi ka anak.]

Natawa ako, "Nagsstay naman ako doon pag bakasyon, ah? Ang hirap kaya ng maya't-maya lumuluwas, ayos lang sana kung laging andiyan yung fiancee mo, para hindi na kailangan nagcommute."

Forgotten Memoirs (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon