Coreen's Pov
Tunog ng heart beat monitor ang nadinig ko pagdilat ng mata ko, napangiti ako ng malungkot dahil nandito na naman ako..... Sa lugar na pinakakiaayawan ko.
Mataas na ang sikat ng araw kaya naman napaupo ako I smirked as I was thinking of going out from this stressful hospital. I look around to see no one.
Dahan dahan akong tumayo habang nakahawak pa sa ulo ko dahil pumipintig ito sa sakit. Hinugot ko ang karayom na nakatusok sa kamay ko, may tumulong dugo pero naampat kaagad kaya hindi kona inintindi. May nakita akong paper bag na naglalaman ng damit na suot suot ko kanina pati na ang sling bag ko kung nasan ang wallet at cellphone ko, I am wearing hospital gown by the way.
I quickly change my clothes then go outside. My head is throbbing lightly but I decided to ignore that and went outside the hospital. The weather is not that hot but it is not also raining.
Pumara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa isang park malapit lang dito.
I sighed as I looked at my reflection in taxi's side mirror. Malaki na talaga ang ibinagsak ng katawan ko, pwedeng pwede ng ibenta ang eyebags ko sa laki at para akong nakakita ng multo dahil sa putla.
To be honest, I can never imagine na magiging ganito pala ang kahihinatnan ng lahat sa buhay ko, hindi ko alam na ang isang pagkakamali at padalos dalos na desisyon na ginawa ko noon ay merong malaking epekto sakin ngayon.
" Manong, tabi lang po" malumanay na sabi ko sabay abot ng bayad sa driver.
Napasinghap ako ng malalim, fresh air really calms the hell out of me.
Naglakad ako papasok sa park, pagkaupo ko napabuntong hininga na lang ako. Walanjo! Iilang hakbang pa lang hinihingal na ko tsk.
Dumako ang paningin ko sa mga batang naglalaro at hindi ko napigilang mapangiti ng malungkot.
Kung sana hindi ako naging mapang angkin, kung sana pinag isipan ko muna lahat.....
Sana..
Sana buhay kapa
****************************
"Hoy! Coreen Ashley Sarmiento tulala ka na naman!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ng kaibigan kong si Kylie. Maingay sa paligid ko dahil nandito ako sa field pero hindi ako nito napigilan para tumulala.
"Ano ba kasing nangyari sayo at parang kasing lalim ng Marianna Trench ang iniisip mo?" Umupo sa tabi ko si Kylie habang nagpupunas ng pawis, pihadong nagtatakbo na naman itong parang bata palabas ng room nila.
"Ang gwapo nya talaga Kylie! Nakabanggaan ko sya kanina ang bango! Muntik na kaming magkiss kanina!" Hiyaw ko dito habang hinahampas sya sa balikat. Nag iinit ang pisngi ko kapag naaalala ko ang eksena kanina.
Halos matanggal ang ulo ko sa lakas ng batok na ibinigay sakin ni Kylie. Tiningnan ko ito ng masama tinuktok pataas ang baba ko.
"How dare you! Ansakit kaya, 'pag ako naging bobo kakalbuhin talaga kita Ky!" Totoo namang masakit talaga, mabigat ang kamay ng bruhang to.
"Gaga ka! Akala ko naman kung napaano kana dyan " Naiirita itong tumingin sa akin kaya tinawanan ko na lang.
Sa sobrang daldal ko nalimutan ko ng ipakilala ang sarili ko sa inyo. Ako nga pala si Coreen Ashley Sarmiento, 18 years old at kasalukuyang G12 student.
Ang lalaking nabanggit ni Kylie kanina ay si Gideon Aldrich Alcantara ultimate crush ko sya ever since. Gwapo, matangkad, mabango at higit sa lahat lead vocalist ng banda!.
BINABASA MO ANG
Made to Love You
General FictionSa mga librong nababasa natin, parati nating kinaaawaan ang bidang babae, para sa atin ito palagi ang aping api But did we try to look into the villianess' side? Did we try to look how she struggles? Sabi nila, wala daw ipinanganak na tunay na masa...