"Ashley! Nakapagpasa kana kay Sir Benedicto ng essay?" Bungad sakin ni Kylie pagpasok ko ng room.
Biyernes na ngayon kaya talagang ngarag na naman si Kylie, tamad kasi itong babaeng ito.
Tumango ako dito dahil wala ako sa mood sumagot sa kanya, para akong basang sisiw dahil biglang bumuhos ang ulan kanina habang naglalakad ako papasok.
Isinara ko ang bintana sa tabi ko dahil umaampyas ang ulan dahil malakas ang hangin.
"Shutaaaaa! Hindi pa ako nakakapagpasa nalimutan ko!" Nanlulumo nitong sabi sa akin.
Humalakhak naman ako ng tawa dito dahil pihadong mabubungangaan na naman ito ng panot naming Philosophy Teacher.
Hinampas ako nito ng malakas sa balikat saka tiningnan ako ng masama. Muli akong tumawa dito para asarin pa ito.
"Ayan kase! Puro ka kdrama dali ka na naman kay panort!" Humagikgik ako ng tawa dahil namutla ito, marahil narealize nyang tama ako.
Tumahimik ang lahat ng may pumasok na isang teacher, hindi ito pamilyar kaya nagtinginan kaming magkakaklase.
"Okay class sorry pero suspended na ang klase maaari na kayong umuwi sa inyo" pagkasabi nito ay lumabas naman din ito kaagad.
Ako naman ang nanlumo dahil sayang ang ipinasok ko, kung alam ko lang natulog pa sana ako.
Ngumisi naman si Kylie saka nagsimula ng magligpit ng gamit nya. Niligpit kona din ang gamit ko saka sabay kaming lumabas.
Umaampyas ang ulan sa hallway, kumikidlat at kumukulog din kaya hindi na muna kami nangahas na umalis ni Ky.
"Shuta wala kong payong! Tiyak mababasa ako" patuloy ang paghahalungkat nito sa bag nya.
"Ako den shemay! Kamalas malas naman ng araw na 'to. Simangot na simangot ang mukha ko dahil pihadong bago ako makarating sa bahay ay lumalangoy pati ang mga notebooks ko sa lakas ng ulan.
Lumakas muli ang hangin kaya naampyasan na kami ng ulan, nabasa na naman akong muli.
Nakatambay kami sa hallway na malapit sa gate ng may tumigil sa harapan naming tricycle, gustuhin ko mang sumakay ay sigurado akong mahal ang pamasahe dahil sa pag-ulan.
Kimi akong umiling at ibinaling ang tingin kay Kylie. Iritang irita ang itsura nya dahil halos magkalat na ang mascara nya.
"Parusa to Ash! Nakakainis grabe kung alam ko lang hindi na ko pumasok!" Lukot na lukot ang mukha nito ngunit wala naman s'yang magawa.
"Be, kamusta naman ako? Kanina pa ko basang basa" pabalang na sagot ko dito. Umismid lang ito sa akin saka bumaling ang tingin nito sa tricycle.
"Kuya pwede pasakay? Next year na bayad" ekseheradang tanong nito sa driver. Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa kagagahan nya. Sumimangot ang mukha ng driver pero hindi na sumagot sa sinabi ni Ky sa kanya.
Naagaw ang atensyon ko ng may magkaingay sa hallway, lumabas na pala ang section nila Gideon.
He looked so regally handsome even of his hair is damn wet. Bakas sa mukha nito ang iritasyon pero nanatiling gwapo ito sa paningin ko.
Halos mapatid ako sa pagkakatayo ko ng bumaling ang tingin nya sakin. I smiled to him seductively and waved my hand a little. Nakita kong sumimangot ito pero parang mas lalo yata akong nainlove dito.
"You should stop it already Ash" maya maya ay sabi ni Kylie. Sumasagitsit pa din ang lamig ng hangin. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang kaseryosohan nya.
"What do you mean?" I know what she meant to be honest.
"Don't act so stupid Ash. Itigil mo na, Gideon is loyal to Sam. At the end of the day, ikaw lang din ang masasaktan" Her words stings but I chose to ignore it.
"If that pain will cause me to have him then I wont mind hurting a million times Ky" Totoo ang sinasabi ko. Kung kinakailangan kong pikutin si Gideon just to have him then I will do it.
Umiling na lang ito sa akin. Maya maya ay tumila na din ang ulan kaya napagdesisyunan na naming lumakad na.
Baha ang unang bumungad samin pero pinagsawalang bahala na namin ito dahil giniginaw na talaga kami.
Habang naglalakad, nakita ko mula sa malayo si Sam. She is walking towards me at hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at sinadya kong banggain ang balikat nito.
I saw how she struggle to keep her balance pero natuluyan pa din syang bumagsak sa basang sahig dulot ng ulan. Confusion crossed her face as she lift up her gaze at me. I just smirked at her and walk passed to her.
Narinig ko naman ang mahinang sorry ni Ky saka ako sinundan at hinampas ng mahina
"That's foul Ash!" Nakakunot ang noo nya pero wala akong pakialam. I am satisfied sa ginawa ko.
Nagkibit balikat lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad and nakabuo ako ng plano sa utak ko. I need to get Gideon! In any possible ways!
"Sya nga pala, narinig mona ba? May party daw sila Chelsea be! Invited lahat!" Nangunot ang noo ko dahil wala akong alam sa sinasabi nya.
"Party? Di ko knows yan bakla! Anong meron?" Makulimlim pa din at tuloy tuloy ang pagkulog at kidlat pero hindi naman gasinong kalakas.
"Dunno. Pero gogora akes be! I heard pupunta daw ang bebe mo don, yun nga lang with his jowa." Tila nagliwanag naman ang mata ko sa narinig!
May namumuong plano sa utak ko pero hindi ko alam kung magtatagumpay ako dito.
"Kailan daw? Pupunta din ako aba! Kung nasan si Gideon dapat nandon din si Coreen!" Ngingisi-ngisi ako kay Kylie. Umiling iling ito saka nagsalita.
"Next month pa naman, mahaba habang preparation pa yun beks" Tumango ako dito. 'Lord, ibigay mo na sakin ito'
Nakabuo ako ng plano sa utak ko, a plan that I didn't know I will soon regret.
🥀
@CahayaSae
BINABASA MO ANG
Made to Love You
Ficción GeneralSa mga librong nababasa natin, parati nating kinaaawaan ang bidang babae, para sa atin ito palagi ang aping api But did we try to look into the villianess' side? Did we try to look how she struggles? Sabi nila, wala daw ipinanganak na tunay na masa...