My Love of my Life
May magulang ako pero tinuring nila akong hindi nila anak. Ano pa nga ba, self? Hindi ka naman talaga tinuring na anak kasi isa ka lang disgrasya. H'wag kana aasa na ituring ka nilang ganun.
Kasalukuyan ako naglilinis ng bahay. Tapos na ako sa baba at sa taas na lang ang hindi pa.
"Ano ba, alexandra?! Diba ang bilin ko saiyo ay linisin ang buong bahay! Ni kusina hindi mo pa nasisimulan!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng bahay.
Dali-dali akong naglakad palabas at sinalubong ako ng galit na tingin ni Mama. Hinampas niya sa'kin ang bitbit niyang walis sa bandang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit.
"M-ma tapos ko na linisan ang buong b-bahay." Sambit ko at napayuko. Hindi ko kayang tignan ang mga tingin ni Mama sa'kin kasi pakiramdam ko unti-unti nila akong papatayin sa tingin nila.
"Nilinisan?! Tumawag sa'kin si Aubrey ni hindi ka nga naglinis ng bahay!!" Sigaw na sabi ni Mama sa'kin at pinalo ako ulit ng walis.
Nasa loob ako ng kwarto nang pagkatapos akong paluin ni Mama mg walis. Mejo nagkaroon ako ng pasa at pamumula sa katawan ko. Nakaramdam din ako ng pangingirot sa bandang braso at hita ko dahil pagpalo sa'kin ng belt ni papa.
At yung Aubrey na sinasabi ni Mama kanina ay kapatid ko iyon. Mas matanda ako kesa sa kanya pero magkaiba ang turing nila sa'min ni Mama at Papa. Si Aubrey tinuturing nila ito na parang prinsesa ni hindi man lang pinapahawak ng walis o maglinis man lang ng plato dahil ako ang gumagawa ng mga gawain na iyon.
Wala rin naman ako karamay kahit nasa school ako ay wala din gustong makipag-kaibigan sakin dahil ganito ako at disgrasyang anak. Paano nila nalaman? Pinagkalat ni Aubrey na ganon ako. Wala din ako magagawa dahil mag-isa lang ako at marami sila. At sa isang tulad ko walang maniniwala.
"Napaka-bobo mo! Mabuti pa si Aubrey mas mataas pa sayo! Top 1 siya at ikaw?! Top 2 lang?! Wala kang kwenta!!" Sigaw ni Papa sa'kin atsaka pinalo ako gamit ang sinturon niya. Napahiyaw at napa-iyak ako sa sakit ng palo sa'kin. Samantalang si Aubrey ay nakangising nakatingin sa'kin, animo'y natutuwa ito sa ginagawa sakin ni Papa.
Top 1 ako noong First semester namin pero hindi ko pa rin makita ang tuwa at proud nila Mama at Papa sa'kin. Sinadya kong bumagsak at dahil dun si Aubrey ay naging Top 1 sa kanila. Hindi kami magkaklase ni Aubrey kung iyon ang inaakala niyo.
"Ang galing naman ng anak! Ano gusto mo regalo namin sayo ng papa mo?" Kulang na lang langgamin ang buong bahay dahil sa matamis na ngiti sa labi na pinakita niya kay Aubrey habang si Papa ay tuwang-tuwa habang pinagmamasdan si Mama at Aubrey. Habang ako ay nakasilip lang sa kanila mula sa kwarto.
Nang may narinig ako na yabag ay agad ko sinirado ang pintuan at matamlay napaupo sa kama. Sana...sana ako na lang si Aubrey. Sana ako na lang siya. Sana makaramdam din ako ng saya at proud mua sa kanila. Pero...pero mukhang malabo mangyare iyon dahil hindi ako mahal ng magulang ko.
Hindi nila ako mahal pero may silbi ako sa bahay. Yun ang maglinis, maglaba, magluto at kung ano-ano mga gawain bahay. Kahit pagod na ako hindi pa rin ako susuko dahil mahal ko ang pamilya ko. Pinipilit ko ang aking sarili na isipin na mahal nila ako kahit hindi.
"Isa ka lang ampon sabi ng kapatid mo! Kawawa ka naman!"
Pang-aasar sa'kin ng isa kong kaklase. Marahil nalaman niya ito kay Aubrey. Pilit akong ngumiti sa kanila at naglakad palayo ro'n. Nang makalayo na ako ay patakbo akong pumunta sa comfort room at tinahak ang daan papunta sa pinakahuling cubicle dito.
Do'n ko nilabas ang sakit na nararamdaman ko. Dito ako palaging umiiyak kapag nasa school ako. Ayaw ko ipakita sa iba na mahina ako at umiiyak. Kaya ko pang tiisin ang sakit na ito dahil alam kong malalagpasan ko rin ito.