Ang Huling Pagsisi

4 1 0
                                    

Malapit na ang gabi nang nakauwi ng bahay si Glen. Inaamin niya sa sarili niya na kinakabahan siya dahil baka pagalitan siya ng kanyang magulang. Si Glen ay isang mabait at masunuring bata at mapagmahal sa kanyang magulang kahit madalas siyang pinapagalita. Nang nakarating siya sa kanilang bahay, napagtanto niya na ang kanyang magulang ay nasa sala habang nanonood ng telebisyon.

Nagdadalawang isip pa siya kung lalapitan niya ba ito o hindi, pero sa huli ay dahan-dahan siyang lumapit dito saka nagmano. Seryoso ang mga ito at walang bakas na kahit emosyon sa kanila mukha.

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang umuwi? Hindi ba't alas-kwatro ang uwian niyo sa klase?" tanong ng aking Ina na ikinatigil ng aking hakbang, paakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto.

Humarap si Glen sa kanila at sinabing, "May gi—." Hindi natuloy ang sasabihin niy nang biglang dumating si Stephanie at ang kanyang kaibigan na si Yuda. Si Stephanie ay pinsan nj Glen sa ama, at talagang masasabi ni Glen na malapit si Stephanie sa Ama ni Glen. Kilala ni Glen ito at ang kanyang kasama dahil magkaklase sila sa iskwelahan.

Nakita ni Glen ang pagtaas ng kilay ni Stephanie bago humarap sa magulang ni Glen "Kamusta kayo, Tito, Tita?" tanong niya sa aking magulang habang nakangiti.

Ngumiti ang aking magulang sa kanya, dahilan nakaramdam ako ng pagseselos. Hindi ko napigilan ikuyom ang magkabila kong kamao saka naisipan umakyat na papunta sa aking silid. Pero bago iyon, nakita kong nakita iyon ni Stephanie ang pagkuyom ng kamao ko.

May ginawa kasi ako sa silid, sa aming iskwelahan kanina kaya huli na akonv nakauwi ng bahay. Isa ako tutor at may tinuruan akong batang istudyante na nasa ika-limang baitang. Kailangan ko kasi ng pera para ipang-regalo sa kaarawan ng aking magulang. Oo, tama kayo ng nabasa. Parehas ang petsa ng kaarawan ng aking magulang. Malapit na at nitong Biyernes na magaganap.

Pasalampak ako humiga sa aking kama dahil sa pagod. Hindi lang ulo ko ang sumakit, maging likod at paa ko dahil sa kakalakad. Gusto ko ng matulog pero kailangan kong maligo dahil nanlalagkit na ako dahil sa pawis.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay saka ko napagdesisyon na bumaba upang kumain. Pagdating ko sa kusina, nakita ko masayang nagkwe-kwentuhan ang aking pamilya kasama si Stephanie at Yuda. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nararamdaman. Gusto kong humakbang patalikod ngunit nakaramadam ako ng gutom kaya huwag na lang. Kung tutuusin, dapat sanay na ako sa ganitong pangyagari. Madalas din kasi nangyayari.

"Kumain kana, Iha," ani ni Inang Hermana, ang aking pangalawang tinuturing magulang. Siya lang kasi ang nakakaalam at nakaka-unawa sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Opo, Inang," sambit ko saka umupo. Nang napansin nila ang akin presensya ay saka sila tumigil kaka-salita sa kung ano-anong bagay. Nakita kong sumulyap sa akin si Stephanie saka ngumisi, tila nang-iinis sa akin. Oo, magpinsan kami pero hindi kami gaano kalapit aa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ganito siya at sa pagkakaalam ko, wala naman ako ginawang masama sa kanya.

"Tita, alam niyo ba ang sipag sipag ni Glen sa iskwelahan?" Hindi ko ramdam ang totoong pagpuri nito, parang ito nang-iinis. Sumubo ako ng kanin na may pinagsamang ulam saka nilunok ito. Hindi ko sila pinansin, bagkus, tinuon ang aking atensyon sa pagkain. Isa sa mga natutunan ko kay Inang Hermana ay huwag panay salita kapag kumakain. Tuloy-tuloy lang hanggang sa matapos.

Inaamin kong dahil kay Inang Hermana ay naging disiplina akong bata, hindi galing sa aking magulang. Si Inang Hermana ang tumuturo sa akin sa mga ganitong bahay. Siya ang tinuturing kong pangalawang Ina at Ama. Hindi ko kasi ramdam ang pagiging magulang ng aking Ama't Ina dahil palagi silang tutok sa trabaho at ganito, kapag si Stephanie ang kausap nila, parang nagiging anghel sila.

Tumango ang aking Ina saka nag-aabang sa susunod na sasabihin ni Stephanie. "Ang sipag po kasi niyang lumandi, e," dugtong pa ni Stephanie saka tumawa kasama ang kanyang kaibigan. Hininaan niya ang huling salita pero alam kong narinig ko iyon, siguro gano'n din si Ina at Ama pero. . .

"Anong nga ulit sinabi mo, Iha?" tanong ni Ama kay Stephanie.

Umiling si Stephanie saka tinignan ako pero agad din binalik ang tingin kay Ama. "Wala ho 'yun. Ang sipag po kasi mag-aral ni Glen kaya hindi na ako magtataka kung bakit nakasali siya sa Honor students sa aming iskwelahan."

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa paaralan. Nilakaran ko lang ito dahil hindi naman masyadong malayo. At isa pa, gusto kong suminghap ng sariwang hangin. Bumuntong hininga ako saka inilibot ang paningin sa paligid, ang ganda. Nakakamangha ang ganitong klaseng ganda ng kapaligiran. Kung magiging parte man ako ng gobyerno, suhestiyon kong lagyan ng hukuman ang magkabilang parte ng kalsada na malapit sa mga puno. Ang ganda kasi at napakasarap sa pakiramdam, paniguradong mawawala ang lahat ng pagod mo rito.

Kahapon, hindi rin ako nagtagal kumain dahil sa nakaramdam ako ng inis kay Stephanie. Para siyang nang-iinis at may masamang balak sa akin. Gusto ko siya gantihan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Bigla kong naalala ang turo ni Inang Hermana sa akin, 'Kung may umaway sa iyo, huwag kang gumanti. Hayaan mo ang Diyos ang gumawa niyan.'

Bigla akong napatampal ng noo saka mahinang humingi ng tawad sa Panginoon.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon