Pandemya
Sanaysay ni Alaisha M. AhamadSa taong 2020, puno ng trahedyang pangyayari. Masakit man isipin pero wala tayong magagawa dahil nangyari na. Sa ganitong sitwasyon at bilang istudyante, may karapatan ako magsalita dahil ako ay lubos na nahihirapan na. Online Class, nakakatulong ka ba? Sa gitna ng pandemya, may naitulong ka ba?
Oo, inamin ko na kompleto ang aking mga kagamitan pero hindi iyon sapat para may matutunan. Mas gugustuhin ko pang pumasok sa paaralan dahil iyon, may matutunan ako. Hindi lang ako, maging ang iba ay nahihirapan na rin. Sa una, inaamin kong nasisiyahan ako sa paparating na Online Class, pero di kalaunan ay nagsisi ako dahil puro tambak-tambak na mga gawain. Oo, gano'n nga rin sa Actual Class pero marami ngang gawain, wala namang natutunan. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Kundi sundin ito dahil tungkulin ko ito bilang istudyante.
Hindi ko mabilang kung ilan ang mga istudyanteng namatay dahil sa Online Class at modular learning. At ilan sa mga namatay ay mga mahihirap. Mga istudyanteng hindi makabili ng kagamitan tulad ng cellphone, laptop o computer, at load o WiFi. Maging matrikula ay hindi nila kayang bayaran dahil na rin maraming magulang ang wala at nawalan ng trabaho.
Araw-araw, libong-libo mga kaso ang dumadagdag. Dahil do'n, parami ng parami ang mga taong nawalan ng trabaho dahil sa nakakahawang sakit.
Pero, hindi ba dapat nating pakinggan ang isa't isa? Kahit ang mga guro ay nahihirapan at ginagawa ang lahat para lang may matutunan ang mga istudyante. Alam ko, sa mga trahedyang nangyari sa buhay natin ay may kapalit na tuwa.
Masakit man alalahin ang mga nangyayari ngayon, wala tayong magawa kundi tanggapin at manalangin sa Diyos. Isa sa mga pinaniwalaan ko na, "Lahat ng iyak na tumutulo sa iyong mga mata ay may kapalit na saya." Mahirap ang pinagdaanan pero hindi susuko. Lahat ng problema ng ating hinaharap ay malalagpasan natin.