Una

40 0 0
                                    

Masama ang tingin Sa akin ng ticket seller , halos mamuti na yung mga mata Nya Sa likod ng makapal na pink eyeshadow.

Ano kayang problema ng aleng ito idadamay pa kami.

Tinaas Nya yung kaliwang kilay nya. Aba may talent.. Hindi ko kaya yun hah. Natawa naman ako pero Sa isip ko lang.

"Sta. Mesa po." Tinaas ko Rin yung dalawang kilay ko.

Napailing na Lang sya.

"Tren natin pa-Tutuban umalis na ng Alabang, Sa kabila po ang sakayan pa-Maynila." Inaantok pa ang boses ng PNR Announcer, sabagay 5:36 pa Lang naman ng umaga.

Dali-dali na akong naglakad.

"Sucat Station. Isatasyon na po ng Sucat ingat po Sa pagbaba."

That's my cue. Nakipagsiksikan agad ako Sa mga babae Sa dulo.. May chapter test pa kami kay Prof. Zombie mamaya, ayoko namang bumagsak.

Sumandal ako Sa glass panel Sa dulo at pintong naghihiwalay Sa babae at lalaki. Hindi naman patalo ang train Marshall Sa pagbulahaw Sa mga pasaway.

Bakbakan na naman to. Gabrielle! Kayang kaya mo yan! 1.00 Sa exam! Woohoo! Naku kinakausap ko na naman ang sarili ko. Hinahanda ko Lang ang sarili ko Sa Laban Sa Sintang Paaralan.

Motivated nilabas ko na ang reviewer na pinagpuyatan ko pa kagabi.

I took 3 deep breaths before reciting the concepts.

"Sa gov. Expenditures hindi sinasama ang mga pensyon, GSIS... "

Binulungan ko ung sinsandalan kong pinto. Tumingin yung mga manong mula Sa kabila.. Hehehe.. Not ashamed, nag-aaral po akong mabuti, at may pangarap Sa buhay.. Ang maging isang dalubhasa, experto, ng Economics Sa Pilipinas. Isa akong Ekonomista. At syempre ang bilhan ng mansyon Sa probinsya yung mga magulang at sisters ko. Mag-starbucks ng Hindi nanghihinayang Sa 200 pesos na kape.. Oh di ba ang corny. Pero aminin mo man o Hindi halos lahat ng college student pinapangarap yung mga sinabi ko kanina ...., Sa sarili ko.

"Inflow from the salaries, and wages of the OFW..."

"Nichols Station. Istasyon na po ng Nichols."

Nichols pa Lang?! Hayyy..

Naramdaman ko ang pagdikit ng balikat ko Sa isang lalaki.

Lalaki? Bawal sya dito.

Tumunghay ako para makita kung sino tong pasaway na Ito.

Agad kong napansin ang light yellow long sleeve Nya, at black na neck tie, lalo na ang dark blue I.D. Lace Nya.

University of Sto. Tomas.

UST. Aba, rich kid. Hindi na pala ako updated Sa UAAP season ngayon.

Rules are rules. "Kuyang train Marshall !! May lalaki po dito."

Pinagtinginan ako ng mga pasahero.

"Araw na araw na eh! Nasan!" Biglang dating ni Kuya, at badtrip na sya.

Confident na tama yung ginagawa ko. Itinuro Ko si Mr. kuyang UST.

"Bawal? Sorry hah, first time ko kasi."

Yung malamig na boses Nya yung nagpapokus saken Sa mukha Nya. matangkad, mistiso, hindi sya chinito pero maliit yung mga mata Nya., matangos Rin ang ilong nya.. Ang inosente ng tingin Nya saken.

May itsura sya at for a split second I saw my short bob cut hair reflection on his brown light eyes.

"Oh! May pagkain ka pa!" Yung sigaw ng train marshall ang nagpatakbo ng oras.

Napatingin ako Sa Starbucks papercup na hawak Nya.

"Totoy! Dun ka Sa Kabila!"

Pinagtitinginan kami ng ibang pasahero. Tumungo na Lang si Mr. kuyang UST at sumunod Sa guard.

Binuksan nila ang pintong sinasandalan ko. Nang biglang mag-break ang train!

"Aray! Haaaaa... Haaaa.."

Ang init! Ano yun?! Ang init ng tagiliran ko!!

"Ano ba naman yan.." Nakakarinig ako ng mga comento Sa likod.

"Sorry. Miss. Pasensya na. " Nilabas Nya ung panyo nya at pinunasan yung tagiliran ko.

Leche! Tinapon saken yung Starbucks nyang kape! Mukhang akong tanga Sa school! Basang basa na ung tagiliran ko at bakat na bakat Sa white t-shirt ko yung kape!

"Sorry. Sorry talaga."

Guilty sya.

Walang taong matutuwa na matapunan ng kape lalo na kung papasok sila Sa eskwelahan.

"Alam mo bang maghapon pa ang klase ko ngayong Lunes. Kuya, I'm sorry hah.. Pero hindi to ok!"

Sabi ko Sa kanya. Naiirita na ako. Sobra. Kainis! Ano ba Ito?! Lunes na lunes.

"Hindi ko naman kasalanan eh. Nag-break yung tren Sa EDSA. We tend to move away from the force , inertia inside the train.. Sila ang sisihin mo Sa pagkakatapon nyan!"

Aba! Science science keme pa to ah!

"Excuse me, natural ang motion Sa paligid at wag mo kong paliwanagan ng rules.. Pinag-aralan ko yan. Simple ethics Kuya, rules are rules. Bawal ang pagkain at lalaki Sa cabin na to."

Pinapanuod na kami ng mga Tao.
Nakakainis talaga eh. Gwapo na sana, cool na sana. Hindi naman tumatanggap ng pagkakamali. Turn-off.

"Well I'm sorry. No man in their right mind would intentionally pour coffee on a stranger inside a passenger train. Nagpapakumbaba na nga ako. Miss. Nangyari na ang nangyari at kahit dasalan mo yang damit mo hindi yan puputi."

Natahimik na Lang ako. Iniwan na pala kami ng train marshall. Nairita na Siguro Sa dalwang estudyanteng nagbabangayan.

"Approaching Sta.Mesa station. maraming salamat po Sa inyong pagsakay. "

"Ayan, baba na ako." Nasabi ko na Lang habang pinupunasan pa Rin ang tshirt ko. Nilabas ko na Rin yung I.D. Ko.

"Polytechnic University of the Philippines "

Binasa ni kuyang UST/mangttapon ng kape/ maninira ng araw yung lace ko. Napatingin ako Sa kanya.

Nakangiti na sya ngayon.

"Again Miss. I'm sorry." Tapos pumasok na sya Sa cabin ng mga lalaki.

*

Katatawid ko Lang ng riles ng mapansing bukas ang zipper ng bag ko.

"HAH?!"

Bukas nga sya. Chineck ko ang cp at wallet ko. Andito pa sila.

May nakita akong v-neck na tshirt black sya tapos May letter "P" Sa left na kulay white.

Kanino to?

Hindi kaya....

Isa Hanggang Dalawang OrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon