Ikapito

4 0 0
                                    

Masama ang tingin Sa akin ng ticket seller na itinaas pa ang kilay Sa kitang kita ang pink eyeshadow nito.

Aba, may talent hindi ko kaya yun ah.

Itinaas ko Rin ang dalawa kong kilay,

"Sta.Mesa po."

Napailing na lang ang ticket seller, idadamay pa kami Sa problema Nya.. Haisst..

" parating na po ang tren pa-tutuban. Sa kabila po ang sakayan."

"Sucat station."

Ayan na!

Nakipagsiksikan ako Sa dulo, Rush hour morning talaga kapag lunes!
Sumandal ako Sa pintong naghihiwalay Sa boys at girls.

Hayy. Go Gabrielle! Finals na ! At malapit na malapit na akong maging Ekonomista! Tapos na Rin ang defense Sa thesis, at running for magna cum laude .. Yes! Proud na proud saken Sina mama, ako na raw ang magmamana ng all in one naming tindahan! Hahah!

Naeexcite ako na kinakabahan.. Kaya ko yan. Matalino kaya ako.. Tiwala level:1000!

Motivated nilabas ko na ang reviewer ko.

GAME!

" nominal increase ay nacoconsider Lang kapag.. "

"Istasyon na po ng Nichols."

"Taxation exemption in terms of..."

"Bawal ang lalaki dito ! May pagkain ka pa! " sumisigaw ang train marshall.

Hindi na to bago, kaya naman tuloy ako Sa pagrecite ng terms.

"Bawal? Sorry first time ko eh."


Napatunghay ako.

Agaw pansin ang yellow long sleeve Nya at black na neck tie gayun din ang dark blue I.D. Nya..

University of Sto. Tomas

UST?

Ang inosente ng tingin Nya.

Siya.

Siya ba?

Siya nga?!

Ano to? Anong nangyayari?

Bakit?


Napatingin ako Sa hawak nyang starbucks coffee.

Nag-break ang tren!

Umiwas ako Sa kape., at hindi ito natapon.

"Sorry, natapunan ka ba?"

Tanong Nya saken.

Hindi pa Rin nagaisink-in Sa akin ang nangyayari ngayon.

Tulala, umiling na Lang ako.

Siya. Bakit siya? Anong ...?

"Dyan na nga kayo, totoy lilipat ka Sa kabila hah?" At umalis na ang train marshall."

"Again, Miss. I'm sorry."

Naramdaman kong bumalis ang puso ko. Bubuksan na Nya ang pinto para pumasok Sa cabin ng mga lalaki..,

"Ekonomista! Paulo!"

Hindi ko natiis tinawag ko sya,

Hindi agad sya lumingon, at inisip ko na maling tao yun, na kamukha Lang..
I was frozen at the moment.

Lumingon sya, at ngumiti.

"Hi"

"Hahah " di ko napigilan tumawa, kilala at tanda Nya pa rin ako.

Lumapit sya akin at tumatawa na Rin na sya..

"Baliw ka talaga?!" Tuwang-tuwa ako. Hahahaha..

"Ekonomista Gab , para sayo." At inabot Nya ang starbucks na hindi natapon kanina Sa break.

"Thank you! Tanda mo pa talaga hah!" Masaya kong sinabi..

"Upo tayo." At nag-indian seat na sya na sinundan ko agad.

Hindi ko maalis ang ngiti Sa mukha ko. Akala ko hindi ko na sya makikita at hindi na sya babalik. Grabe.

"Kamusta?" I started the conversation.

"Ok lang." :)

"Yun Lang sasabihin mo saken?! "

"Gab anong oras na?"

"6:15, relax malayo pa ang España at Sta. Mesa.. Sige, lalabas ka na Sa Buendia hah! Hahahha " biro ko.

Hindi ko naisip na magkakatagpo ulit kami ni Paulo.

Tinitigan nya ako. At nakangiti pa Rin sya.

"Wag ka ngang ngumiti, gumagwapo ka eh, hindi bagay sayo!" Biro ko.

Tumawa naman sya.

Nakatingin pa Rin sya Sa akin.
His eyes being bright with the light.

Lalo syang lumapit,

At this time, pinatong Nya yung ulo Nya Sa balikat ko..

"Okayyyy????"

"Okay." He answered in return.

Pinabayaan ko Lang sya. Napansin kong pinikit Nya yung mga mata nya, Baka puyat tong batang to.

"Sta. Mesa station."

"PUP na! Baba na ko!" Sabi ko Sa kanya.

"Okay. Bye Ekonomista. See you. Andito Lang ako."

"Sige , Ekonomista. Ingat!"

I know that I said that.

"Baba po sya!" Sabi Nya Sa mga pasahero.

"Hahahahah!" Natawa na lang ako.

Lumabas na ako ng tren at bago magsara ang pintuan at kumaway ako.

"Bye!!"

Itinaas ni Paulo ang kanang kamay Nya at ngumiti .

Nakita kong bukas ang bag ko.,

Napangiti na Lang ako.

Isa Hanggang Dalawang OrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon