And that was only the beginning..
Since then,M,W,F, ang pasok ko at coincide yun Sa schedule ni Paulo.
Lagi na syang nagPPNR at ako naman Laging nagiindian seat Sa dulo, at sasamahan Nya ko..
Nakilala na Rin kaming dalawa ng mga train marshall at Sa totoo nyan tinatawag pa kaming "Starbucks Lovers" at samu't saring kakornihan ng mga manong na train marshall. Nirereserve na nga nila manong yung spot na inuupuan namin ni Paulo eh. Hahaha..
He became my most unexpected friend. A friend out of nowhere, yung kaibigan ko Lang ng Isa hanggang dalwang oras ng Lunes, miyerkules, at biyernes.
At to be honest, I always look forward on talking to him bago ako pumasok ng school.
Lalo na yung mala-nerd mini discussions namin tungkol Sa inflation at samu't saring Economics concepts,
Sya ang Ekonomista ko.
Nalimutan Nya na Rin yung tshirt Nya. Because at this point I don't think na gusto kong ibalik.. Parang gusto ko syang I-souvenir Sa kung ano mang weird friendship situation na meron dito Sa PNR.
Pinagagawa ko sya ng assignments at ginagawa naman Nya ang mga reports ko.
Inihihiram Ko sya ng books Sa library ng PUP at dinadalhan Nya ako ng starbucks Sa PNR every meeting. Time to time na Rin kaming magkausap Sa text at Sa messenger.
May pagkakataong sabay kaming namili ng libro Sa Recto, umulan, bumaha, nasiraan ng payong, at basang basa man ang uniform, nag-tsinelas, ay sumakay pa Rin ng jeep pa-stop and shop.. Tumakbo Sa teresa at hinabol ang last trip ng PNR pa-Alabang.
Kumain ng ice cream ni Mr. Softy Sa SM Manila, at pinapunta Sa USTE campus para Sa milk tea at para magsimba kasama Nya at nang mga kaklase nya.Nanlibre din sya ng calamares Sa birthday nya nung 26, at nanlibre ako ng sinulbot na saging nung birthday ko nung 9.
Masaya talaga ako pagkasama ko sya.
Sa korny nyang entry, kwento, Ed Sheeran songs pati na Rin ang ka-adikan Nya Sa GTA.Nakakatuwa yung feeling, parang ang weird. Parang may biglang sumulpot at lumitaw Sa buhay ko na hindi ko alam kung Saan nanggaling.
He always calls me Ekonomista, at may Iba na akong nararamdaman. Sa tuwing ngingiti sya, tatawa, at magkukuwento ng campus activities ng Catholic University Sa España.
Inilagay ko ang sarili ko bilang kaibigan ni Paulo, kaibigan kaya ang tingin Nya kay Gab?
Executives Sa Bangko ang pinagkakaabalahan ng mga magulang Nya, yung Kuya Nya, stockholder Sa isang business company, close na close sila ng Kuya Nya, kaya sabi Nya saken.
"Gusto kong suportahan yung mga pinaghirapan Nya. :) "
Ekonomista nga sya.
Pero kahit ganun, humble talaga sya. Pinipili Nya pa Ring magcommute araw araw para Sa continued flow of money Sa sistema at Sa partisipasyon Nya bilang household sector..
Nung araw na kinuwento Nya saken yung buhay Nya nag-sink-in saken kung gaano kabaligtad ang Mundo namin.. Pakiramdam ko nun, ang layo layo namin Sa isa't Isa.. Kahit na katabi ko sya, nakangiti at naka-indian seat Sa harap ko, hawak ang starbucks coffee na may pangalang,
Ekonomista GAB.
Nakatira ako Sa Tita ko Sa Parañaque, at nasa Laguna ang mga magulang ko, owner sila ng bigasan, sari sari store, botika all in one na may pandesal Sa umaga, adobo Sa tanghali , French fries at kikiam Sa hapon at ihaw ihaw Sa gabi. I mean, I'm proud of it! May apat akong nakatatandang kapatid, at lahat sila may sarili nang mga pamilya, 2 teacher, 1 nurse at 1 secretary ng mayor.
Paulo Diaz, came in so unexpectedly.
.
Ayaw kong mahulog. Babagsak ako at masakit yun.
At mahihirapan akong iwasan.
Nahihirapan akong kontrolin,
At hindi ko na alam, hindi ko na nababantayan yung sarili ko.I'm scared of the way he makes me feel, because I don't want to feel anything. Do I ?
It felt so silly, feeling butterflies in my stomach for a stranger who only talks to me for 1-2 hours in a passenger train.
Just live in the moment.
Tumitigil ang oras ko kapag nakatingin sya .Para bang kaming dalawa Lang ang tao Sa tren, walang train marshall, walang ibang pasahero
Kami Lang, magkukuwentuhan, nagtatawanan nag-aasaran.
Alam kong magkaibigan Lang kami,
Alam kong hindi ko pa siya gaanong kilala.Pero...
Gusto ko na sya, in denial man ako, all this fucking feeling are all pointing in that direction.
Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko, and at the same time, nahihiya Rin ako at hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Isa Hanggang Dalawang Oras
Novela JuvenilA short story Isa hanggang dalawang oras na kasama ko sya. This is a work of fiction. The resemblance of events to real places are purely based on imagination.