Labandera :P

26 0 0
                                    

Yannie's POV

San ba ako dadalin nito! Fc nya wahh!

"Teka nga! San ba tayo pupunta? Ha?" Iritang tanong ko sakanya.

"sa bahay ko!"

"Sa bahay mo??? Ehh ano naman gagawin ko dun!" Tanong ko sakanya. D kami close at kahit sigawan ko sya okay lang dahil hindi ko na sya boss! at kahit kelan hindi na ako papasok ng trabaho sakanila!

"Basta sumama ka na lang!" Psh!

*********

Nakarating kami sa bahay nya at nasa sala na sya pero nasa labas parin ako ng bahay nila. Wala naman akong karapatang pumasok sa hindi ko bahay noh! Napansin naman nya ata ako

"Hoy! Wala kang balak pumasok?tatanga ka nalang dyan sa labas? Bahala ka!" Sabi nya tyka umakyat sa hagdan, pupunta ata sa kwarto nya.

Pumasok nalang ako. Tinignan ko ung mga picture frames sa sala nila ng biglang may nagtabon ng mabahong damit sa mukha ko. Ang asiiimmm!! Amoy panis! Tinanggal ko ung damit tapos nakita ko si yabang na nakapamewang pa.

Tinaasan ko sya ng kilay tyka tinaas ung damit na hawak ko, simbolo na kung anong gagawin ko sa kababuyang ginawa nya sa damit na yon.

"Kasalanan mo yan! Kaya ikaw ang maglinis nyan!" Sabi nya sabay alis. Huh? o.O. tinignan ko ung damit at doon ko narealize na un pala ung tuxedo nya!

Sinundan ko sya sa kitchen ng makita kong naka fitted lang syang white na sando habang cool na cool na nag titimpla ng juice. Para sakin ba yon? Ang assuming ko naman! Pinaglalaba nga ako dba? Tapos pagtitimpla pa ko ng juice!

"Hoy! Ano bang gagawin ko dto?" Tanong ko na nasa labas lang ako ng kitchen,ng biglang nasa tabi ko na sya.

"sa tingin mo? Anong ginagawa sa damit na marumi?" Skarkastikong tanong nya.

" nilalabhan?" Tanong ko dn

"Oh ade gawin mo na! Kilos!" Teka? Ehh bat ko naman gagawin yon? Pinapunta nya ko dto para lang maglaba? Aba ano sya sinuswerte?

"Yaya ba ko?? Classmate mo ko! Hindi utusan!" Sigaw ko sakanya tyka binalibag ung damit nya.

"Hoy! San ka pupunta? Pag lumabas ka ng bahay na to sinasabi ko sayo! Lalong lalaki problema mo!"sigaw nya

"Osige! Madali akong kausap! Bukas na bukas dapat may bago na kong tuxedo! Same brand! Same size! Same color! Sige pwede ka nang umuwi! Ingat!" Ng dahil sa salitang yan, napabalik ako sa loob ng bahay at padabog na kinuha ung damit nya, tyka derestso sa banyo pero bumalik ulit ako dahil hindi ko alam kung nasan ung sabon

"Sabon! Saan?" pilit kong tanong.

"oh bat ka bumalik?" Tawa tawang tanong nya.

"Basta sabon? Saan?!!"

"Doon sa taas! Sa kama ko!" Naka smirk na tanong nya habang nakatingin sakin ng malagkit! Eww! Pero bakit pakiramdam ko lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko.

"Hahahaha!!!" Tawa nya. ( ̄. ̄)

"tuwang tuwa ka noh? " asar na tanong ko sakanya.

"Hahaha dun sa garahe may washing machine don nakapatong dun ung mga sabon! Pero wag mong i wawashing yan ha? hahaha" inirapan ko lang sya at deretso na sa garahe at laba laba na ang peg ko!

Khent's POV

Hahaha ang sayaaaa!!! Para syang natatae kanina tapos namumula! Hahaha laughtrip ang putek!

Nanood na lang ako ng tv dito sa sala. Nakita ko ung bag nyang nakapatong sa isang sofa.

Kinuha ko yon tyka binuklat. Wala lang! Pakielamero na kung pakielamero. Wala naman akong nakitang kakaiba usual lang na dala ng isang masipag na estudyante! -_-! Tss binato ko nalang ung bag nya sa sofa. Langkwenta!

"Tapos na po boss!" Makasigaw naman to!

"Good" tipid na sagot ko.

"Uuwi na ko" lalabas na sya ng pintuan pero pinigilan ko at uutusan ko lang namn! Hahaha

"Hoy hoy hoy! d ka pa tapos!" Epic ung mukha nya! ≧∇≦

"ano na naman! "

"akyat sa taas! Ikuha mo ko ng shorts!" Utos ko

"hoy hindi ko na gawain yon!may paa ka naman diba? Bahala ka jan!" Ahh ganon ha? Ewan ko lang kung hindi mo pa ako ikuha ng shorts dito.

"Osige, madali akong kausap! Bukas ha? Ung tuxedo ko wag mong kakalimutan!" Pang aasar ko sakanya! Alam ko namang walang pera yan pambili ng tuxedo ehh tyka kahit ilan pang tuxedo makakabili ako! Ayaw ko lang sya umalis dahil hindi pa ako tapis sakanya! Hohoho >:]

"Arrgghhh! Bwiset ka!" No choice sya, kaya umakyat na lang sya

Yannie's POV

Buwiset na mokong na yon! lagi na lang akong pinagtritripan! Nakaka asar!! Pumunta ako sa kwarto--- pero teka! Hindi ko alam kung alin dito!!! Ang daming pinto! Sinilip ko isa isa ung pinto! pasakit sa buhay oh!!!

Nakita ko namang ung isang kwarto na kulay blue, pumasok nalang ako tapos kumuha ng short nya! ang gulo naman ng kwarto nya!Ang daming kalat! Tapos ang baboy ng tao na yun! Nakakalat ung briefs nya sa ilalim ng kama pati boxers! Nakakadiri! Bakit ba ako napunta dito?

Hinalungkat ko nalang ung gamit nya at sa wakas! Nakakita rin ng short! Tumakbo na ako palabas. Tumatakbo ako pababa ng hagdan at ng huling baitang na

"Kyahhhh!" Napapikit na lang ako at hinihintay na yakapin ng katawan ko ung sahig pero bat parang iba?

"Careful" bulong nya sakin. Ay jusmiyo! Marimar!

"Bitaw nga! Chumachansing ka lang ehh!" Tinulak ko sya palayo baka kung ano pang isipin nito!

"tss. ASA ka na pagnasaan kita! Kung hindi ka pa mukhang kawayan na sinuotan ng uniform malabong magustuhan kita! ASA KA MEN!" ANO?? Kawayan?? Baka isampal ko sakanya yung mga baby fats ko! Kapal neto! At ang yabang, kung tignan ako from head to toe parang ang perpekto nya wahh! Pero huminto sya sa part ng dib dib ko. Wait! NO! Kakasabi lang nya na malabo nya akong pagnasaan pero nagsisimula na sya!!! Nag smirk pa at tumawa!

"Bastos ka!" Sigaw ko sakanya

"Ang bastos naka hubo! Bakit naka hubo ka ba???" Nilapitan nya ako unti unti at pilit kinukuha na tumingin sa mata nya! Pero hindi ko gagawin yon! Napapaatras na ako at nasandig na sa hagdan ng muntik na naman akong mabagok!

"Sinabi ng mag ingat ehh" buti na lang at nasapo ako nito. Kala mo kung sinong gentleman! Pero nung itayo nya ko kulang nalang itulak ako sa lakas! Hayop na toh! Manyakis na nga bastos pa! At ang yabang pa!

"Hahahaha" pagtawanan ba naman ako! Sumubsob lang naman po kasi ako sa sofa nila dahil SAKANYA! <(-︿-)>

"Tandaan mo tong mga pinag gagagawa mo! Mr. Fabella!" Tumayo na ako at lumabas ng bahay nila! Bahala ka jan!

" natakot naman ako~~~~ sige babye! Buti maka uwi ka sainyo!" Pang aasar pa nya. →_→ WAIT! Pano ako uuwi? Hindi ko alam ang daan! Huhuhu!o(╥﹏╥)o Hayop na toh! Napabalik ulit tuloy ako sa loob ng bahay nila.

"Welcome back!" Bati nya sakin pag pasok ko! Umuusok na talaga ang ilong ko sa lalake nato!!! ヽ(`⌒')ノ

XXXXXXXXX

Short update! Sorry sa mga errors! Pati na sa mga wrong grammars! Thank you :)

-iamkrissylaine08

Forever Mine <3!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon