I'm Gypsy Aurora Veronica Santos. Isang freshmen college student sa Southville University. Sa totoo lang, mahirap ang maging loner lalo na't wala kang kilala o kaibigan. First day of school, isa sa mga masasabi mong "boring". Hindi na kasi eto tulad noong high school na halos kilala mo na ang mga tao doon. Dito kasi marami kang makikitang mga bagong mukha although sanay na ako sa lugar dahil same school din naman ang pinapasukan ko kung san din ako grumaduate.
Gusto kong maiyak ngayon, sa totoo lang. Sounds weak right? But yeah, that's what I felt right now. Nakaka-inggit kasi yung mga kapwa ko freshmen. Buti pa yung iba magkakasama pa rin sila ng mga dati nilang kaklase o barkada. Hindi na kasi kami same ng school ng pinapasukan ng mga kaibigan ko dahil na rin sa mga kursong kinuha namin.
Sana nga lang at may maging kaibigan ako ngayon.
_~_
Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang magpakilala.
"Hi everyone! I'm Gypsy Aurora Veronica Santos, from Southville University. That's all." tsaka umupo na ako.
May iilang kaklase ako na familiar sa akin ang mukha nila dahil dati ko rin silang schoolmate. Ang masaklap nga lang, di ko naman sila kilala tsaka close.
Hanggang 7:30 ng gabi ang klase ko tuwing MWF at kapag TTH naman ay 1:30.
_~_
Mag-iisang linggo na akong loner sa paaralang eto, still ganun pa rin. Although may iilan na rin naman akong nakaka-usap at nagiging kaibigan na rin (siguro).
"Since, this is our first meeting magbibigay lamang ako ng mga requirements ko para sa inyo." simula nung prof namin. Sinulat ko na rin yung mga sinasabi niya at talagang andami niya ngang requirements.
"Grabe noh? Ang dami naman nito! Ang mahal-mahal na nga ng tuition, mahal pa yung mga gamit natin." reklamo nung kaklase kong si Jace. Si Jace ang una kong naging kaibigan dito. Baklush si Jace kaya naman madali ko lang siya naging close. Yung isa naman niyang kaibigan ay si Shane.
"Sinabi mo pa! Well, ganun talaga kapag architecture ang kurso mo. Expected mo na ang mamahal at ang dadami ng mga gamit na kailangang bilhin."
"So, see you on next meeting. Class dismissed." Umalis na yung prof namin kaya kanya-kanya na rin kaming baba papuntang gate.
"Guys! Sinong gusto sumamang gumala ngayon? Para naman bonding tayong mga archi!" sabi nung isa naming kaklase.
"Oo nga! Good idea dude! Para naman getting to know each other naman tayo guys!" sa bagay nga naman.
Halos lahat sa amin ay sumama sa mall. Masasabi kong enjoy naman pala kasama ang mga kaklase ko ngayon. Ganyan naman talaga legi eh, sa una-una lang nagkakahiyaan yan.
Kumain na muna kami ng lunch at pagkatapos ay pumunta ng arcade at naglaro. Unag araw na kasama kong namasyal at kumain kasama ang mga bago kong kaklase at kaibigan. So this is it! WELCOME TO COLLEGE LIFE! :)