PE time namin ngayon kaya naman nagmamadali akong pumunta sa locker ko para kunin yung aking PE uniform. Kainis! Ang layo pa ng locker ko sa PE room namin. Kaya no choice ako kundi ang tumakbo. Sa pagtakbo ko, may nakabunggo akong lalaki. Matangkad siya tsaka nakasalamin.
"S-sorry po." nag bow ako sa kanya. Nung pag-angat ko ng mukha ko, 'kala ko magagalit siya sa akin or what. Di ko rin mabasa yung expression niya. Para bang, ok-wala-lang. Nauna na siyang maglakad sa akin habang ako tulala pa rin sa nangyari.
Bakit ba parang may iba akong naramdaman nung nagtama ang mga mata namin? Napapikit na lang ako ng mariin at nabalik sa katinuan nung tumunog yung bell namin.
"Shit. Late na ako."
_~_
"Oh? Nasan na sila?" tanong ko sa kaklase ko na sa tingin ko ay late rin tulad ko.
"Nasa court silang lahat." sabay na kaming bumaba at pumunta ng court.
Naman! Late na kami. Buti na lang at nakatalikod si ma'am kaya naman naka-singit pa ako sa linya.
"Late ka na. San ka ba galing gurl?" tanong nung bakla kong kaibigan na si Jace
"Kinuha ko pa kasi yung PE ko sa locker." bulong ko sa kanya.
Habang pinapa-practice sa amin ni ma'am yung sayaw na itinuro niya kanina, napatingin ako dun sa kabilang side ng court kung saan ay may mga naglalaro ng table tennis. Pero di ko inaakala na makikita ko si kuya eyeglass boy na nakabangga ko kanina.
"Paano nga ulit yung step kanina?" tanong ni Jill sa akin na ka-grupo ko
"H-ha?" masyado kasing napako ang tingin ko dun kay kuya eyeglass boy na naglalaro ng table tennis.
"Huy! Lumilipad ang isip teh? Sinong tinitingnan mo jan?" tanong ni Jace sa akin. Kaya naman napatingin silang dalawa ni Jill sa tinitingnan ko ngayon. Ay naloko na!
"Yieee! Crush mo noh?" tukso ni Jill sa akin
"In fairness gwapo. Kaya lang medjo payat." komento naman ni Jace
"Ano ba kayo! Tara na nga! Mamaya tawagin pa tayo edi wala na tayong maperform mamaya."
Natapos ang PE time namin hindi pa rin mawala-wala sa akin ang titig ni kuya eyeglass sa akin kanina. Galit kaya siya? Sana naman hindi. Free time namin ngayon kaya tambay kami ngayon sa field.
"Guys! May cheka ako! Hihihi. Si Gypsy..." napatingin si Jace sa side ko kaya naman tiningnan ko rin siya na naka-kunot ang noo ko.
"DALAGA NA!!!" tili niya.
"Gaga ka gurl! Paanong dalaga na? Lumandi na?" tanong naman ni Ivan, isa rin sa mga bakla kong kaibigan na kaklase ko rin.
"Huy Ivana! Tigilan mo 'ko! Lalo ka na Jace!" banta ko sa kanilang dalawa. Pero likas na echosera at madaldal 'tong si Jace, ayun at chinismiss yung nangyari kanina sa PE. Buset na baklang 'to!
"AS IN?!!!!" sabay-sabay talaga?
"Hindi nga! Ang totoo niyan, nakabangga ko siya kanina sa corridor habang tumatakbo ako para kunin yung PE uniform ko." paliwanag ko sa kanila
"Asus! Di nga? Hahahaha! Pansin ka kaya namin kanina sa PE, panay ang titig mo dun sa mga naglalaro ng table tennis." - Dawn
"Kaya pala... Ayos ah! Hahahaha."- Cristine
"Mga letse kayo! Tara na oy! Malapit ng mag time." nauna na akong tumayo at naglakad. Pero hanggang sa nakarating na lang kami sa lab ay patuloy pa rin nila akong tinutukso.
_~_
Kinagabihan, chineck ko ang FB account ko. Sinubukan kong hanapin yung pangalan ni kuya eyeglass boy. Kaya ang ginawa ko, hinanap ko siya sa member list ng isa sa mga group ng department namin. Habang nag-iiscroll ako, may isang familiar na mukha na nakakuha ng atensyon ko. Clinick ko iyon tsaka tiningnan.
Gavin delos Reyes
Oo na! Crush ko na ata yun. -_- At ako na rin ang stalker. Nagdadalawang isip pa tuloy ako kung i-aadd ko ba siya o hindi. Pano kung hindi niya ako inaccept? Edi aamagin lang 'tong friend request ko? Tss. Bahala na nga!
Scroll lang ako ng scroll sa FB niya. Grabe! Ang tatagal na nung mga huling post niya sa FB niya. Para ngang inaamag na eh. Friendzone na kaya ako? Sana naman hindi. :(
Magla-log out na sana ako dahil inaantok na rin. Pero may isang notification akong natanggap.
Gavin delos Reyes have accepted your friend request. You can now see his latest photos and posts on his profile.
Ay takte! Halos mahulog na ako mula sa kinauupuan ko! AS IN?! AS IN?! YEEEEEEEESSSS! XD
GOOD NEWS: FRIENDS NA KAMI
BAD NEWS: Sa Facebook nga lang. :( How sad..
Di bale! Malay natin, eto na ang simula! :D hihi
_~_