Reaching You 3

16 0 0
                                    

Ilang linggo na lang at intrams na namin. Sabado ngayon at kinakailangan kong pumunta sa school dahil sa practice. Alas otso ang usapan namin, pero eto't late na ako. Alas nuwebe na ng umaga akong nakagising dahil sa nangyari kagabi.

Simula kasi nung inaccept niya yung friend request ko, hindi na ako dinalaw ng antok. Para bang hindi ako nakaramdam ng pagod kagabi. Kaya eto ako ngayon, puyat at mukhang zombie. Di lang yun ang napala ko, tinubuan pa ako ng pimple sa ilong. Kainis!

Naglakad lang ako papuntang school. Tutal malapit lang naman siya mula sa tinitirhan kong apartment. Patawid na sana ako ng kalsada ng may biglang batang tumawid at muntik ng masagasaan. Pero bago mangyari yun, agad akong tumakbo para iligtas ang bata.


PEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!


Buong akala ko katapusan ko na. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa sobrang kaba at takot na naramdaman ko.

"Raaaaain!" isang boses lalaki ang sumigaw at agad na lumapit sa amin. Pareho kaming nakahandusay sa sahig nung bata na ngayon ay nagsisimula ng umiyak.

"Rain!!" naramdaman kong may kumuha ng bata sa ibabaw ko kaya naman medjo nakahinga ako ng maluwag. Medjo marami na ring tao sa paligid namin.

"Jusmeyo! Hija, ayos ka lang ba?" agad akong tinulungan nung matabang lalaki na muntik ng makabundol sa bata.

"P-po? A-ayos lang po."

"Jusko! Yung bata! Bigla kasing tumawid." salita ulit nung mamang mataba. Hinanap ko yung batang lalaki na muntik ng mabundol.

May isang matangkad na lalaki na ngayon ay karga-karga yung bata at nakatalikod sa amin. Nung nakita ako nung bata, bigla niya akong tinuro kaya naman napaharap yung lalaking kumakarga sa kanya. Nung napatingin na rin yung lalaki sa akin dun ko lang napagtanto kung sino siya.

Si Gavin delos Reyes...

Agad siyang lumapit sa amin. Grabe! Hindi ako makahinga...Siya nga talaga!

"Hija, yung braso mo dumudugo." napatingin ako sa kaliwang braso ko at dumudugo nga iyon.

"Miss, okay ka lang? Dalhin na kaya kita sa hospital?" oo, kinakausap niya ako ngayon. Shete! OO!! KINIKILIG AKO. Tangna! May sugat pala ako. T_T

"W-wag na po. Okay lang talaga ako."

"Nako hija, tama siya. Malala yang sugat mo sa braso at baka magka-impeksyon pa yan." salita ulit ni mamang mataba.

"Nako, hindi na po talaga." kahit masakit hindi ko na lang ininda yun.

"No! Pupunta tayong hospital para matignan yang sugat mo." sabay hila ni Gavin ng braso ko at dinala sa sasakyan niya. Aangal pa sana ako pero pinaandar niya na yung sasakyan.

"Ate...does it hurt?" napalingon ako dun sa batang nagsalita at nginitian siya.

"Ikaw? Okay ka lang ba? Hindi ka ba napano?" tanong ko sa kanya. Umiling-iling lang yung bata.

"Thanks for saving me ate." kahit nasa likod siya, lumapit pa siya sa akin 'saka ako hinalikan  sa pisngi. Grabe! Ang sweet at ang cute naman ng batang 'to!

"Thank you ha? Sa pagligtas mo sa kapatid ko." napatingin ako kay Gavin na hanggang ngayon ay nagda-drive pa rin.

"Wala po yun! Tsaka hindi ko naman hahayaan na tignan lang yung bata na tuluyang masagasaan." napatingin siya sa akin at ngumiti. Letse! May gana pa akong kiligin kahit na nagsisimula ng sumakit yung sugat ko.

_~_

"Okay naman yung sugat niya. Buti at agad kayong pumunta rito kaya naagapan." sabi nung doctor.

"Thank you po doc ha?"

"Walang anuman." ngumiti lang yung doctor sa amin at lumabas na rin kami.

"Don't worry ate, gagaling din po daw yan sabi ni kuya. Right kuya?" ginulo lang ni Gavin yung buhok ng kapatid niya tsaka nginitian ito.

"Of course! Gagaling din yan." nabaling ang atensyon ni Gavin sa akin.

"Pano ba ako makakabayad sa pagsagip mo sa buhay ng kapatid ko?"

"Ano ka ba! Kagustuhan kong iligtas yung kapatid mo. Tsaka ang importante, okay naman kaming dalawa."

"Pero nasugatan ka ng dahil dun.."

"Okay lang po talaga. Promise! Malayo sa bituka 'to kaya wag na po kayong mag-alala." ngiti ko sa kanya.

"Okay fine. By the way, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa kita kilala. I'm Gavin at eto naman si Rain, kapatid ko." sabay lahad niya ng kamay sa akin.

"Gypsy.." at nakipag shake hands din ako sa kanya.

"You know what, familiar ka sa akin. Yung babaeng nakabangga sa akin sa corridor, ikaw yun diba?" shet! naalala niya ako!

"O-oo... Sorry talaga! Nagmamadali kasi ako eh. Pano yung PE ko nailagay ko sa locker tapos--" hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi bigla na lang itong tumawa.

"Relax! I'm not mad at you. Actually, natuwa nga ako sa'yo nun eh dahil halatang nagmamadali ka na talaga." pailing-iling pang sabi neto.

"H-ha? 'kala ko talaga galit ka sa akin nun. Ang sungit mo kasi nung time na yun..." medjo hininaan ko ang pagkakasabi ko nun.

"Talaga? Mukha ba talaga akong masungit?" agad akong napatingin sa kanya na ngayo'y nakataas na ang isang kilay neto. Stupid Gypsy! Ang daldal mo kasi. >///<

"Naaah! Sa bagay, ganun talaga ang first impression nilang lahat sa akin. Hahaha! Pero wag kang mag-alala, friendly ako!" ngumiti na naman ito kaya napangiti na rin ako.


Grabe! Di ko aakalain na nakaka-usap ko na siya ngayon. Parang kailan lang nung naging crush ko siya, tapos eto na kami ngayon. Magkakilala na at nahawakan ko pang kamay niya! THANK YOU LORD! :'>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon