CHAPTER 1

8K 81 2
                                    

Jema's POV

Kakauwi ko lang ngayon dito sa dorm namin galing ng Laguna,umuwi kasi ako samin dahil dun ako nagnew year

Meron pa naman kaming 1week bago magstart yung training namin para sa season 80

Last playing year ko na to at goal ko talaga na kahit final four lang makuha namin.Sa 4yrs na paglalaro ko never ko talagang naexperience na magchampion sa UAAP

Pero masaya rin naman ako kasi last year ko na,madalas na akong makakauwi samin

Mula kasi nung nagcollege ako halos christmas at new year lang ako nakakauwi dahil busy sa training at sa pag aaral

"Aalis ka Ate?" tanong nila Chiara sakin paglabas ko ng kwarto

"May meeting kami sa creamline eh tsaka sa apartment muna ako uuwi.Wag kayong pasaway dito ha" sagot ko sa kanila

"Yes captain" sagot nila

"Alis na ako" sabi ko

"Ingat ka captain" sabi nila sakin

Lumabas na ako at pumunta na sa parking lot,sumakay na ako ng sasakyan at nagdrive na paalis

Nakinig lang ako sa music habang nagdadrive and sinasabayan ko na rin sa pagkanta,wala naman akong kausap eh

Maya maya lang ay nagpark ako sa labas ng FEU para sunduin si Kyla

Bestfriend ko siya mula grade 6 at teammate rin,nagkahiwalay lang kami nung college na kasi magkaiba na yung school namin

FEU din sana ako kaya lang mas pinili ko yung Adamson kaya naging magkalaban tuloy kami pero hindi naman ako nagsisi na mas pinili ko yung school ko ngayon

Last year nag usap kami ni Kyla at sinabi niya na ccs rin siya after college kaya natuwa kaming dalawa kasi magiging teammates kami ulit

"Kanina ka pa?sorry inayos ko pa yung gamit ko eh" tanong niya pagsakay niya

"Halos kararating ko lang din naman" sagot ko at nagdrive na paalis

Habang nagdadrive ako nagkwentuhan kaming dalawa ng kung ano ano

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa office ng rebisco,nagpark na ako at bumaba na kami then pumasok na sa loob

"Happy new year po" bati namin kela Ate Jia

"Happy new year Jema and Kyla" nakangiti rin nilang bati

Umupo na muna kami and nakipagkwentuhan sa kanila,maya maya lang ay pinatawag kami nila sir Jonathan

Tumayo na kami ni Kyla at pumunta na sa conference room

"Good morning sir Jonathan and sir Alan,happy new year po" bati namin sa kanila pagpasok

"Good afternoon Jema and Kyla,happy new year too" sagot nila

"Take a seat" sabi ni sir Jonathan

Umupo na kami ni Kyla,may silang papers samin

Contract namin

Nag usap muna kaming apat regarding sa contract namin

Nakalaro na ako sa ccs last year pero this year ang official na pagsali ko sa team

After nun pinirmahan na namin yun ni Kyla then nagpapicture kami kasama yung kontrata namin

"Welcome to the team" nakangiti nilang sabi

"Thank you po" nakangiti rin naming sabi at nakipagshakehands

Greatest RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon