CHAPTER 37

1.7K 47 3
                                    

Jema's POV

December na ngayon at bukas yung alis namin ng family ko para sa vacation namin

Nandito kami ngayon sa office ng rebisco kasi ngayon yung pagsign ko ng contract,kasama ko sina Tatay at si Deanna

Inaantay lang namin na dumating sina Ms. Williams

Nakausap ko siya nung nakaraang araw at namove sa March yung pag alis ko

May tournament kasi na sasalihan yung team kaya early ako pupunta dun para may enough time daw ako na makapag adjust

Para na rin daw pag may game na masanay na akong kasama ang teammates ko

"Hindi ka na ba pwedeng magback out?" tanong ni Deanna sakin

"Love nag usap na tayo about dito eh" sagot ko sa kanya

Napayuko naman siya

"Hindi lang ako sanay sa magiging distance natin" halata sa boses niya yung lungkot

Hinawakan ko naman yung kamay niya

"Hindi na ako pwedeng magback out eh" sabi ko sa kanya "Kung hindi mo kaya pwede ka namang magkipagb-----"

"I will never do that" sabi niya

Napabuntong hininga naman siya then tumingin sakin

"Sige na hindi na kita pipigilan" sabi niya sakin

"Saglit lang yung 2yrs love,don't worry babalik ako sayo" sabi ko at ngumiti

Napangiti nalang din siya at hinalikan yung kamay ko

Kahit naman ngumiti siya halata pa rin sa mga mata niya yung lungkot

Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa lumapit sina Sir Jonathan samin na may kasamang lalaki

"Good morning Ms. Wong" sabi ng isang lalaki na nakasuit at nagbow ng konti

"Good morning attorney" sabi ni Deanna sa kanya

"Magkakilala kayo?" takang tanong ko

"Yes love" sagot ni Deanna

"Si Deanna ang nagsuggest na si Atty. Lim ang papuntahin na lawyer" sabi ni Sir Alan

Gusto kasi nilang magpapunta ng lawyer para sure daw na walang mangyayaring mali sa pagpunta ko sa New York

"He is our family lawyer,if may mangyaring mali while may contract ka pa siya ang maghahandle nun" sabi ni Deanna sakin

Pinakilala niya kami sa lawyer nila at pinakilala niya rin samin yung lawyer

Naggood morning siya samin at ganun din kami then nakipagshakehands sa kanya

Pumunta na kami sa conference room at maya maya ay dumating rin naman sina Ms. Williams

"Sorry to keep you waiting" sabi niya samin

"Its fine Ms. Williams" sagot namin

Pinakilala niya naman samin yung mga kasama niya,ang isa sa kanila ay yung boss nila na magiging boss ko rin

Pinakilala ko rin sa kanila ang parents ko

Umupo na kami at nagsimula na nilang idiscuss yung ibang mga details tungkol sa contract

May copy rin daw ang mga lawyer para maprove nila na legit talaga yung pagsign ko at ang lahat ng nakalagay sa contract

Pinacheck yun ni Deanna at legit naman daw yun

Greatest RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon