CHAPTER 45

3.4K 60 1
                                    

Jema's POV

1week kaming nagvacation sa Japan at sa loob ng 1week na yun lahat ng pwedeng gawin sa Japan ginawa namin especially ang magfood trip

Halos lahat na yata ng mga masasarap na pagkain sa Japan nakain na namin

At dahil po kay Deanna Wong sira ulit yung diet ko

After ng Japan trip namin umuwi kami ng Pilipinas

Dito kami dumiretso sa Laguna at mahigit 1week na kami dito.Bukas babalik na kami ng Manila kasi the day after tomorrow na yung alis ko

Sa pagstay namin dito roadtrip lang yung ginawa namin

Pumunta kami sa mga relatives ko pati na sa mga grandparents ko,kasama rin namin si milo pag umaalis kami

Ngayon iniwan muna namin siya sa bahay,nandun naman si Mafe eh

Habang nagroroad trip kami may nadaanan kaming church kaya naisip naming pumunta ng simbahan

Walang misa ngayon kaya nagsindi lang kami ng kandila at nagdasal

"Upo muna tayo love" aya niya sakin

"Sige,dun tayo sa harap" sagot ko sa kanya

Naglakad kaming dalawa papunta sa harap then umupo

Tahimik lang naman kaming dalawa habang nakatingin sa harap

"Do you think He will forgive us for having this relationship?" biglang tanong ni Deanna

Napatingin naman ako sa kanya

"Bakit mo naman natanong love?" tanong ko rin

"Some people said kasi na this kind of relationship is a sin so I just wonder if He will forgive us" sagot niya sakin

"Oo naman" hinawakan ko yung kamay niya at tumingin ulit sa harap "Pero sa tingin ko hindi naman kasalanan tong relationship natin eh"

"Paano mo naman nasabi love?" tanong niya

Tumingin naman ako ulit sa kanya

"Kasi kung kasalanan to edi sana pinarusahan na tayo pero look love,blessings yung natatanggap natin galing sa Kanya kaya sa tingin ko hindi kasalanan to" sabi ko sa kanya

"You're right" sagot niya sakin

"Wag mo ng isipin yung mga sinasabi ng iba,okay?" sabi ko

"Okay" sagot niya at ngumiti

Napangiti nalang din ako sa kanya

Maya maya lang ay tumayo na kaming dalawa at lumabas na ng simbahan

Nagpicture picture na muna kami dito sa labas then sumakay na kami ng sasakyan at ako na yung nagdrive kasi kanina pa siya nagdadrive eh

"Gusto mong magmeryenda muna tayo love?maaga pa naman eh" tanong ko sa kanya

"Sige love" sagot niya sakin

Nagdrive ako papunta sa food park na lagi naming tinatambayan nung hs pa kami nila Kyla malapit sa school namin

Pagdating namin nagpark na ako then bumaba na kami

"Tara love" sabi ko sa kanya

Hinawakan ko yung kamay niya at naglakad na kami papasok sa food park

Medyo maraming nandito kasi uwian na ng mga students

"Safe ba yung foods dito love?" tanong ni Deanna sakin

Greatest RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon