CHAPTER 7

2.9K 56 2
                                    

Jema's POV

Nagstart na ang PVL at bukas may game kami,kakauwi lang namin ngayon dito sa bahay galing sa afternoon training namin

Nandito rin si Deanna kasama niya sina Bea,Ponggay at Kat,syempre nandito rin si Milo.Yung iba nilang mga teammates nagsiuwi na

Bukas naman uuwi si Deanna at Milo sa Cebu,birthday daw kasi ng Daddy ni Deanna at balak niyang isurprise pati na ang Mommy niya at mga kapatid niya.Hindi daw kasi nila alam na bukas siya uuwi

*tok tok*

"Jema?" rinig kong tawag ni Ate Ly

Tumayo ako at binuksan yung pinto

"Ready na daw dun" sabi niya sakin

"Sige Ate,thank you po" nakangiti kong sabi

"Wala yun,magready ka na dyan" sagot niya habang nakangiti

Umalis na siya kaya sinara ko na yung pinto

Since kakatapos ko lang magshower,nagpalit lang ako ng damit then blinower ko yung buhok ko

After nun nag ayos na ako then kinuha ko na yung phone,wallet at susi ng sasakyan ko

Nung okay na ako lumabas na ako at bumaba

"Where are you going love?" takang tanong ni Deanna

"May pupuntahan tayo" sagot ko sa kanya

"Saan?hindi pa ako nakakapagchange ng clothes oh" sabi niya sakin

"Malalaman mo mamaya kung saan,dadaan nalang tayo sa condo mo" sabi ko sa kanya at tumingin sa mga kasama namin "Guys kayo na muna ang bahala kay Milo ha"

"Sige Jema,don't worry" sagot nila

"Milo behave ka dito ha" sabi ko kay Milo

*arf*

Ngumiti naman ako sa kanya

"Lets go love" sabi ko kay Deanna

Tumayo na siya at hinawakan ko yung kamay niya

"Alis na kami" sabi ko sa kanila

"Ingat kayo guys" sabi nila

Lumabas na kami ni Deanna,sumakay na kami ng sasakyan at siya na nagdrive paalis

Nagkukwentuhan lang kami hanggang makarating sa building ng condo niya

"Antayin nalang kita dito love" sabi ko sa kanya

"Sure ka love?baka mainip ka dito" sabi niya sakin

"Sure ako my love,medyo maraming tao eh baka may makakita satin" sagot ko

"Sige na nga" sabi niya sakin "Teka,where are we going ba?"

"Dinner date" nakangiti kong sagot "No questions muna love"

"Okay,I'll change my clothes muna.Saglit lang ako" sabi niya sakin

"Take your time" sabi ko sa kanya

Bumaba na siya at pumasok na sa loob ng building

Habang inaantay siya nakinig lang ako sa music habang nagscroll scroll sa twitter

After ng ilang minuto ay dumating na si Deanna

"Ang gandang pogi naman ng kadate ko" nakangiti kong sabi sa kanya

"Syempre,ang ganda ng kadate ko eh" nakangiti niyang sabi sabay kindat "Lets go?"

"Tara na" sagot ko

Greatest RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon