Twenty Six

141 15 1
                                    


After that talk, I can't sleep properly. Dapat masaya ako para sa kapatid ko, pero hindi ko maalis sa isip ko ang tungkol kay Brandon. Kung tama ang sinasabi ni Zedrick tungkol sa kapatid niya, sana hindi ako nagkakaganito ngayon. Hindi ako mahal ni Brandon. Napatunayan ko na 'yon. Naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ko sa Cowboy Hotel. Tapos nakita pa iyon ni Chunsa.

Every night that was my dilemma. I was thinking about him, my questionable feelings for him, and the weird sensation I felt when I and Simon kiss. I don't love Brandon anymore, but that was how my brain was telling me. Deep within me, I am disappointed. I can't erase the thought of why Brandon didn't follow me that time? He has all the means to explain himself, right? Kung mahal niya ako, ipapaliwanag niya. Ipapaunawa niya sa akin. Pero ilang araw na ang nagdaan. Kay Zedrick pa nanggaling na mukhang itutuloy niya ang binitawan niyang salita tatlong taon ang nakakaraan.

Bakit hindi ko maramdaman?

A knocked from the door broke my reverie, from the balcony I glanced inside my room. Sasabihin ko sanang 'Come in,' pero mas pinili ko ang magtungo roon para pagbuksan. Napaatras ako nang masino iyon.

"Simon?" Bumaba sa hawak niya ang aking atensyon.

I smiled at the sight of my clean rubber shoes. "Hindi ko nakilala ito noong umuwi tayo galing bukid." Kinuha ko iyon sa kanya, binuksan ang pinto para makapasok siya. Inilagay ko iyon sa loob ng shoe rack bago siya dinala sa balcony.

"Ang layo ng tanaw mo. Kanina pa kita tinitingnan dito."

"May iniisip lang."

"Sinong iniisip mo?"

Nilingon ko siya. Ang seryoso ng titig niya sa akin. Hindi ko puwedeng banggitin sa kanya ang tungkol kay Brandon. "I asked Zedrick to help my sister about the equestrian."

"Nag-aalala ka ba?"

"Nagulat lang ako sa inasta kahapon ni Zedrick sa Rios De Rima. Hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya."

"Kung ako rin 'yon at may bumastos sa'yo... babasagin ko rin ang mukha."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Gusto mo ako, si Zedrick ay hindi gusto si Thaysky—" Saglit nga. Namilog ang mata ko nang makuha ko ang ibig sabihin ng ngiti ni Simon. Ibig sabihin, may pagtingin si Zedrick sa kapatid ko. Paano nangyari iyon? Bata pa si Sky at malamang ang mga tipo nito ay 'yung nakita kong kausap niya noon, Drake yata ang pangalan. Kasing-edad niya.

Tumalikod si Simon sa bannister. Sinandal doon ang siko habang nakatingin sa akin. "Opinyon ko 'yon bilang lalaki."

"Puwede ring mali ka, kahit naman siguro sino sa amin. Baka gano'n ang gawin niya."

"Possible."

"Tungkol nga pala sa Grand Prix. Sigurado ka ba sa pasya mo?"

"Wala naman akong gustong patunayan sa kahit na sino."

"All of them is rooting you. Kapag natalo ako sa double badminton at kung sakaling ikaw ang maging representative at maging champion, ikaw ang magiging first honor. Ayaw mo ba noon?"

Tuluyan siyang humarap sa akin. Inilapit ang mukha, tinitigan ako sa mga mata. "Anong gagawin ko sa tanso na 'yon, kung malungkot ka? Ang mahalaga sa akin ang kasiyahan mo... at protektahan ka."

Nasapo ko ang aking dibdib nang muling dumagundong ang aking puso. Hinapit niya ako upang mahalikan. May kumatok, sa takot kong makita siya ng kung sino iyon ay itinago ko siya sa balcony at kurtina.

"Coming!" sigaw ko. Nagmadali ako sa paglapit sa pinto, tiningnan kung maayos ang pagkakatago niya. Nang makitang okay na, saka ko lang binuksan ang pinto.

Naked EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon